"Tama, ikaw nga may kasalanan kaya di nag-work yung relationship natin. Gusto mo lang kasi ako lang ang nagsisilbi sayo." Paninisi ni Christopher sa akin pero alam mo naman na nagbibiro lang siya pero may kalakip iyong bitterness. Di lang ako maka paniwala na kailangan pa niyang sabihin yung bagay na yun eh tapos na nga kami.
"Wag mo kong sisihin kung nagpadala ka sa tukso" Galit ko ding sagot sabay irap sa kanya. Nag-uumpisa nanamn siya sa paninisi sa akin.
Sa ganito nagtapos yung pagsasama namin sa sisihan at tanging naging solusyun ay maghiwalay na lang talaga. Ang nakaka asar lang alam naman niyang nasa harap niya si martin pero wala man lang kagatol gatol na banggitin ang iyon.
"Kahit sinong lalaki di makakatiis sa babaeng lumalapit na sayo para papasukin sa pagitan ng dalawang binti niya lalo pa nga at maganda and I bet di rin yun matitiis ng fiance mo." Muli niyang pagbibiro na bahagya pang natatawa.
Laking gulat ko na lang ng biglang bumulagta si Christopher na nahulog sa may upuan niya dahil sa kamao ni Martin na tumama sa muka niya. Di ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari.
"Hon!" Mabilis ko siyang niyakap para pigilan. Balak pa kasi sana niyang muling suntukin yung isa na tumayo habang hawak-hawak yung bahagi ng pisingi niya na nasuntok.
"Tsk, di ko akalaing ito yung ipapalit mo sakin Michelle isang violenteng tao."
"Tarantado ka pala eh!" Pagbabanta ni Martin.
"Tama na!" Muling pigil ko kay Martin.
"Sa tingin ko kailangan na namin umalis kasi wala namang pupuntahan yung usapan natin. Salamat uli sa pagdala ng bigay ni Anna at Pasensya na!" Paalam ko kay Christopher at sabay hila ko kay Martin palabas pero bago ko siya mahila naglapat siya ng few thousand sa lamesa para nayad sa kinain namin at damage dahil sa nangyari.
"Di ko talaga akalain na nagustuhan mo yung ganung klaseng lalaki." Sabi ni Martin nung maka labas na kami sa Restaurant habang tinitingnan yung kamao niya na malamang ay nasaktan din.
"Ikaw nga di ko rin akalaing magiging ganyan ka ka-violente, bakit perfect din ba yung Ex mo?." Mock ko rin sa kanya.
Same lang naman kami na fall sa maling tao at parehas na nasaktan. Isa pa kapag mahal mo yung isang tao di mo napapansin yung mga flaws niya if ever mapansin mo man andun yung understanding kasi nga mahal mo sila and I think ganun din kami ni Martin sa isat-isa kaya sa tingin ko normal lang yun kasi nga nobody is perfect and ganun din sa relasyon.
Huminto siya sa paglalakad nung marinig niya yung sagot ko parang di siya makapaniwala na naisali ko si Elena sa usapan namin dalawa.
"Need ko ng bumalis sa office matatapos na yung lunch break ko at aayaw kong ma-late lalo pa nga at kababalik ko lang at tambak ang trabaho." Sagot ko sa kanya habang lumakad na ko ng mabilis papunta sa building kung saan ako pumapasok.
Agad din siyang sumunod sa akin at di na muling nagsalita. Di ko na siya pinansin kasi nga baka lalong lumaki yung pagtatalo namin. Isa pa kumikirot yung ugat ko sa noo.
Papasok na sana ako sa elevator ng bigla akong hilahin ni Martin palayo at dinala ako sa may parking area kung nasaan yung kotse niya.
"Baba ka muna Kuya!" Utos ni Martin kay Mang Kanor na agad namang sumunod lalo pa nga ang dilim ng muka ng nag-utos.
Mabilis niya kong isinalpak sa likod na bahagi ng upuan ng kotse.
"Galit ka ba kasi sinuntok ko yung Ex mo?"
"Di ako galita." Protesta ko.
"Eh bakit ganyang reaction mo?" Iretable niyang sagot.
Bumuntunghininga muna ako para kumalma, Minsan kasi parang nagiging isip bata siya.
"Sana kasi di mo na pinatulan" Mahina kong sagot. Di ko mapigilang mapasandal sa upuan at ilagay yung dalawa kong kamay sa dibdib ko
"Paano ko di papatulan eh kung ano-anong sinasabi niya sayo na. Bakit nakita ba niya ako na pumatong sa ibang babae na kung maka pagsalita siya akala niya nahuli niya ako."
"Yun na nga eh di mo yung ginagawa eh bakit kung makapag react ka parang gulting-guity ka? Saka joke niya lang yun!"
"Anong guilting-guilty? Ayaw ko lang na pinagbibintangan niya ko saka anong joke dun?"
"Hon, late na tayo parehas usap na lang tayo mamaya ha!" Muli kong paalala.
Paano anong oras na at sa tingin ko di kagad ito matatapos.
"Hays! Sige pag-usapan nalang natin mamaya!" Pagsang-ayon niya.
Akma ko na sanang bubuksan yung pinto ng muli niya kong hilahin papunta sa katawan niya at hinalikan.
"Hmmm!" Nalang ang namutawi sa labi ko dahil di niya ko hinayaang magprotesta.
Para di na lumaki yung issue at di na kung ano-ano pa ang isipin niya tinugon ko yung halik niya ng puno ng pagnanasa at pananabik.
Halos maubusan kami ng hininga bago niya ko binitawan yung labi ko pero nanatili parin makalapit yung muka namin. Kung susukatin parang nasa one inch apart lang ang mga ito. Kaya nung magsalita si Martin ramdam na ramdam ko yung init ng hininga niya na bumabalot sa buong muka ko.
"I love you!" Sabi niya sa akin na punong-puno ng pagmahahal.
"I know and I love you too! Pero ayaw ko yung pinakita mo kanina."
"I'm sorry!" Sagot niya sa akin. Punong-puno ng sincerity yung mata niya. Wala na dun yung galit na nakita ko kanian.
"Hmmm!" Reply ko sa kanya sabay dampi ng labi ko sa labi niya.
Hahabulin niya pa sana ako ng isa pang halik ng takpan ko na yung bibig ko ng aking kanang kamay.
"Late na ko!" Sabay tulak ko sa kaliwang balikat niya para lumayo sa akin at ginamit ko yung opportunity para tuluyan ng lumabas sa kotse niya pero di ko kagad sinarado yung pinto.
"Mag-uusap pa tayo mamaya di pa tayo tapos!" Pagbabanta ko kay Martin bago ko sinarado yung pinto.
"Kuya alis na kayo." Sabi ko kay Mang Kanor ng makita ko siyang nakatayo sa may lilim ng puno. Malayo sa kinaroroonan ng kotse ni Martin.
"Okey po Ma'am!" Sagot ni Mang Kanor at nagsimula ng maglakad papunta sa direksyon ng sasakyan.
Muli kong nilingon yung sasakyan ni Martin at sakto naman nakababa yung bintana nun at naka tanaw siya. Kinawayan ko siya at ganun din ang ginawa niya sa akin bago ako tuluyang pumasok na.