webnovel

Mr. De Jesus 2

"Naku Sir di po pwedi yun alam mo naman na importanteng tao ka saka isa ka sa pinaka malaking client namin kayo sa office kaya di kita pweding tawagin sa pangalan mo nakakahiya." Dagdag ko sa kahanginan niya.

"Kaya nga sabi ko sayo ngayon pwedi mo kong tawagin sa pangalan ko kasi nga tayong dalawa lang naman yung nandito walang makakarinig at walang magsusumbong sa office niyo na may pagtingin ka sakin."

Diyos ko tulungan niyo po akong habaan yung pasensya ko baka mabugbog ko yung taong ito na nasa harapan ko, Tahimik kong panalangin. Talagang nagtitimpi na lang ako kung di lang talaga namin ito client sasapukin ko na eh kasi halos tangayin na ko ng kahanginan niya baka nga nasobrahan na ito ng hangin kaya ano-ano ang iniisip.

"Tara na!" Muling yaya niya sa akin habang hinila pa niya yung upuan para umupo ako pero sa halip na sa upuan niyang hinila ako umupo doon ako sa kabila niya kunyari di ko na pansin yung pagiging gentle man niya.

"Wag kang mahihiya Michelle ha sabi ko nga sayo tayong dalawa lang dito kay apwedi kang magpaka totoo. Kaya feel free to express your feelings for me."

Muntik ko ng maidura sa muka niya yung ininom kong tubig ng marinig ko yung sinabi niya. Grabe naman talaga yun taong ito muli kong nasabi sa sarili ko.

"By the way Sir ano pong okasyon?" Muli kong tanong para maiba naman yung topic namin habang dumampot ako ng hipon.

"Wala naman gusto ko lang pagbigyan ang matagal mo ng pangarap na makasama ako sa pagkain." Muli akong napahawak sa bridge ng ilong ko dahil dun di man lang talaga siya kinikilabutan sa pinagsasabi niya na parang normal lang talaga sa kanya na magkagusto DAW ako sakanya.

"Ah okey!" Tangin kong sagot.

"Lapit mo yung pinggan mo lalagyan kita ng kanin." Tumayo pa siya para mailapit yung lagayan ng kanin sa akin pero sa halip na ilapit ko yung pinggan ko inabot ko na lang yung buong lagayan.

"Ako na lang po para di po kayo mapagod!" Agad kong nilagyan yung pinggan ko at ng ibabalik ko na sakanya laking gulat ko sa reaksyon niya namumula yung muka niya na di ko maintindihan kung bakit.

"Talagang mahal mo na ko kasi ayaw mo kong mapagaod!" Mahina niyang sabi na parang bubuyog pero dahil nga tahimik sa paligid at sadyang matalas pa yung pandinig ko narinig ko iyon. Di ko na talaga alam kung anong gagawin ko kung matatawa ako o maiiyak. Nung tinanggap na niya yung kanin di ko na siya tiningnan at di narin ako nagsalita mahirap na baka mamaya may masabi nanaman siya.

Kahit anong sarap ng ga pagkain sa hapag parang di ko malunok lalo pa nga at yung kaharap mo ay naka ngisi na parang aso. Maya-maya tumunog yung cellphone ko na nasa bulsa ng bag ko.

"Excuse me po!" Tangi kong sinabi habang kinukuha ko yung phone ko sa bag.

Si Martin yung tumatawag malamang magtatanong yun kung kumain na ko kasi nga mag lunch break na. Agad akong tumayo at bahagyang lumayo sa lamesa pero sinenyasan ko si Mr. De Jesus na sasagutin ko muna yung phone at agad naman siyang tumango para bigyan ako ng pahintulot.

"Hello!"

"Kumain ka na?" Tanong kagad sakin ni Martin.

"Kumakain palang pero parang wala akong gana!"

"Bakit, di masarap yung pagkain sa canteen niyo? Gusto mo padeliveran kita ng pagkain?" Mabilis na sabi ni Martin sa akin halatang nag-aalala siya.

"Wala ako sa office nasa Cavite ako ngayon." Sagot ko sa kanya.

"Nasa site ka?"

"Hmmm!" Malungkot kong sabi.

"What time ka diyan matatapos?"

"Di ko sure di pa ko nagsisimula eh!"

"Saan ka sa Cavite?"

"Nasa Ternate sa Morning Sun Hotel." Sagot ko sa kanya kasi nag-iisa lang naman ang Morning Sun Hotel sa Ternate kaya makikita kagad ni Martin kung saang exact location ako sa pamamagitan ng waze.

"Ky Mr. De Jesus na hotel?"

"Oo, kilala mo?" Takang tanong ko.

"Nag meet kami sa isang conference. Hintayin mo na lang ako diyan sunduin kita."

"Wag na ang layo!" Mabilis kong tanggi kasi napaka hassle naman kung pupunta pa siyang Cavite para sunduin lang ako.

"May meeting ako along Pasay area maga one hour lang andiyan na ko kaya susunduin na kita." Pagtatapos ni martin sa usapan naming sunduan.

"Okey!"

"Sige na kumain ka muna magkalaman lang sikmura mo! Pakainin na lang kita sa masarap!"

Pag-aalo niya sakin di ko lang masabi na masarap naman yung kinakain ko sadyang mawawalan ka lang talaga ng gana kapag kagaya ni Mr. De Jesus ang kasama mong kumain. Napalingon ako sa deriksyon niya at naka tingin siya sa akin agad siyang ngumiti para ipakita ang ngipin niyang may brace.

"Mauna ko ko Hon, hinatayin na lang kita mamaya!"

"Okey sige, Ingat ka diyan ha!"

"Opo ikaw din, Ingat!"

"I love you!

"I love you too!" Sagot ko sabay patay ng cellphone. Muli akong bumalik sa lamesa namin para ipagpatuloy ang pagkain kahit wala akong gana kasi kahit papano kailangan kong paki samahan si Mr. De Jesus.

Pagbalik ko sa lamesa nginitian ako ni Mr. De Jusus wala akong nagawa kundi gantihan siya ng ngiti pero more on ismid yung ginawa ko. Hinihintay ko sanang tanungin niya ko kung sino yung tumawag para masabi ko yung boyfriend ko pero di niya ako tinanong. Napaka-ackward naman kung ako ang magsabi kaya nanahimik na lang ako hanggang sa matapos kaming kumain.

"Siya nga po pala salamat sa tanghalian!" Sabi ko kay Mr. De Jesus habang naglalakad na kami pabalik sa loob ng hotel.

"Walang ano man ang importante natupad ko ang pangarap mo. Kaya lang mukang di mo nagustuhan yung pagkain. Pasensya ka na ha yun kasi ang mga favorite ko kaya sana maging favorite mo rin ang mga iyon para ikaw na ang perfect girl para sakin."

Wala na talaga akong masabi lahat na lang nako-connect niya sa nararamdaman ko para sa kanya. Okey lang sana kung totoo pero imagination niya lang.

"Haha... okey po! Siya nga pala ano po bang problema natin this time sa system?" Tanong ko need ko kasi magsimula na para matapos ako bago dumating si Martin.

Next chapter