webnovel

Behave

"Okey ka lang"? Punong-puno ng pag-aalala kong tanong. Pero di siya sumagot. Kaya pinilit kong tumayo pero di ako makabangon. Kaya itinukod ko yung braso ko sa buhangin para makawala ako sa pagkakayakap niya.

Pero lalong humigpit yung pagkakayakap niya sakin. Kaya lalo ako nag-alala kaya muli kong inulit yung tanong sa kanya.

"Sir... Okey ka lang?" Medyo malakas kong sabi.

"Mmhm!" Ungol niya.

"Bitiwan mo ko para makatayo ako!" Pagpupumiglas ko uli.

"Behave!" Garalgal niyang sabi.

"Huh?" nagtataka kong sagot.

Nang bigla siyang magmulat ng mata. Doon ko napansin na napaka lapit pala ng muka namin sa isa't isa halos isang dangkal lang ang pagitan namin. Naamoy ko parin yung alak na ininum niya pero kasabay dun yung amoy na musk na napaka sarap amuyin na para kang ginagayuma. Nang bigla kong maramdaman na parang may matigas na bagay na tumutusok sa hita ko.

Bigla kong na realize yung position namin. Nasa pagitan ng dalawa niyang paa yung hita ko at sapul na sapul dun yung birdy niya. Samantalang nakaipit din sa pagitan ng binti ko yung hita niya rin. Napaka awkward ng position namin kaya agad namula yung pisngi ko at nag-iinit. Bigala akong umiwas ng tingin sa kanya kaya pala ganun siya makatingin sa akin na parang may pag nanasa kasi naman nagalaw ko yung forbidden area at ganun din siya sa akin.

"Kainis ka!" Agad kong sabi at tuluyan na kong kumawala sa pagkakayakap niya.

Agad akong nagpagpag ng buhangin sa katawan at agad ding lumakad papalayo sa kanya. Di ko na siya tiningnan sa inis ko. Sarap sapukin may nalalaman pang behave gusto lang palang umiskor.

Ang bilis kong nakabalik sa hotel room namin pero di ako makapasok kasi yung susi na kay Sir Martin kaya no choice ako kundi hintayin siya sa may pintuan. Sumandal muna ako sa pader, di ko mapigilang maisip yung nangyari kanina lalo na yung part na naramdaman ko yung pagtayo ng ano niya.

"EW...EW... DIRTY... DIRTY!"

Sobra na ito... nagiging madumi na ang isip ko... bigla ako napatingin sa kahabaan ng corridor ng marinig kong may naglalakad.

Si Sir Martin yung parating, nakabusangot yung muka. Nakatingin ako sa kanya habang naglalakad siya sa hall way. Ewan ko ba sa taong ito napaka guapo pero laging naka simangot akala mo problemado lagi. Madami namang pera ano kaya pinoproblema nito. Ah... wala nga palang girlfriend, sabagay sabi ko nga noon ang malas ng magiging girlfriend niya kasi naman parang napaka boring niyang kasama. Nung malapit na siya bigla akong nag baba ng tingin mahirap ng sabihin niyang tinititigan ko siya. Pero sympre tinititigan ko talaga siya ayaw ko lang mahuli mahirap na... heheheh.

Dirediretso siya sa pintuan, sinulyapan niya lang ako sabay bukas ng pintuan. Agad siyang pumasok sa loob at sumunod ako sa likod niya. Agad akong pumasok sa kuwarto , kumuha ako ng mga damit ko at gamit sa paliligo dahil nga basa ako.

Paglabas ko, sakto din paglabas niya ng pinto kaya muli kaming nagkatinginan. Agad siyang umiwas ng tingin at nagsalita.

"Mauna ka na!" Sabay diretso sa biranda.

Kaya agad akong pumasok sa CR. Pinagmasadan ko yung reflection ko sa salamin dahil medyo naka inom natural na namumula yung pisngi ko. Napaka seductive ng image ko, ngayon ko lang napasin. Pano ba naman medyo basa ako, yung buhok kong nakalugay may mga buha-buhangin pa habang ang mata ko ay mapupungay sadyang namumula rin yung mga labi ko. Kaya siguro naakit si Sir Martin. Kung sabagay kasalanan ko naman yun, nag magandang loob lang siyang saluhin ako para di ako masaktan pero ako pa nagalit.

"Hays!" Buntung hininga ko. Sabay hubad ng damit. Agad akong tumapat sa shower para maglinis ng katawan. Mabilis lang ako naligo kasi nga may susunod pa. Nakakahiya namang paghintayin ko ng matagal si Sir Martin baka nilalamig na yun.

Paglabas ko nakita ko siya sa may beranda naka tanaw sa dagat mukang malalim ang iniisip. Makikita mo yung kaseryosohan ng muka niya habang hinihithit yung sigarilyo sa pagitan ng daliri niya.

Kinatok ko yung salamin na pinto para sana kunin ang pansin niya pero di siya lumingon kaya wala akong choice kundi buksan at tawagin siya.

"Sir, okey na po ako!"

Mukang nagulat siya nung mag salita ako, kasi agad siyang napabalikwas ng tingin sa akin. Nung matauhan agad niyang pinatay yung sigarilyong hawak niya sa ashtray na nakapatong sa lamesa sa gitna ng beranda. Agad ding dinampot yung tuwalya niya na nakasampay sa isa sa mga upuan. Dinampot niya narin yung damit at mga gamit pampaligo niya.

Nung masigurado kong okey na siya agad din ako naglakad papunta sa kuwarto ko. Habang tinutuyo ko yung buhok ko ng tuwalya.

Umupo muna ako sa gilid ng kama habang pinagpapatuloy ang pagtutuyo ng buhok ko. Ito lang nakaka inis sa makapal na buhok hirap tuyuin kailangan mo pang iblower at di naman tayo mayaman para bumili nun. Papakalbo ko ito kairita nasambit ko. Nang marinig akong may kumatok.

Pagbukas ko ng pinto, nakatayo si Sir Martin sa harap naka sando lang siya at saka naka boxer short normal lang sa lalaking matutulog na. Kaya di ko na binigyan ng malisya.

Nakatingin din siya sa akin na mukang pinag aaralan yung itsura ko naka pajama ako at naka sando lang din na may nakasampay na tuwalya sa balikat ko na nakatakip sa dibdib ko. Pag ganito kasing matutulog na di na ko nag susuot ng bra kaya ginamit ko yung tuwalya pang takip. Yung buhok ko gulo-gulo dahil nga sa pagtutuyo na ginagawa ko kanina at di ko na pinag aksayahang ayusin pa.

"Tuyuin mo yung buhok mo!" Sabay abot ng blower. Mukang naawa na ata siya sa akin. Kahit nagtataka ako agad ko naman tinanggap yung blower na inabot niya.

"Thank you!"

Iniintay ko siyang umalis para sana maisara ko na yung pinto pero di parin siya umalis. Kaya muli akong nagsalita.

"May kailangan ka pa Sir?"

"Sorry sa nangyari kanina, di ko sinasadya." Sambit niya.

"Ha.... ah... hehehe!" sabay kamot ko sa ulo ko.

"Actually Sir ako dapat mag sorry sayo alam ko naman na di mo yun sinasadya, saka di mo naman akalain na magiging ganun yung position natin. Yaan mo na yun kalimutan nalang natin!" Natatawa kong bangit. Pero di parin maiwasan ang pagpula ng pisngi ko.

Nakatitig parin siya sa akin at di na sumagot kaya muli akong nagsalita.

"Okey na yun Sir, kalimutan nalang natin." Sabay ngiti. Nang sa tingin ko na wala talaga siyang balak magsalita naiisip ko ng sarado yung pinto.

ตอนถัดไป