webnovel

#TMND 3

#TMND

______

Quennie's POV

Bakit pakiramdam ko may tumuturo sa akin? Lumingon lingon ako at nagulat ako ng may mga nagkukumpulang mga estyudante sa bandang kabilang sulok ng canteen.

"Hindi ka bibili?"

Naningkit ang mata ko at agad ako napamura sa aking isipan ng makita ko ang mga kalalakihan. Shit. Tama nga ako. Andito sila. Anong ginagawa nila dito?!

"Quennie? Hindi ka ba bibili?"

This is gonna be worst. Very wost...

Natigilan ako ng tumayo silang lahat at umalis ngunit napagitla ako ng lumingon sa akin ang kapatid ko.

"Quennie!!! Ano? Bibili ka? Sino ba tinitignan mo?!" Nagulantang ako sa sigaw ni Laila. Tumingin ako sa kanya na nakatingin na siya sa tinitignan ko.

"H-Ha? Wala! Nag iisip ako kung ano kakainin ko." Palusot ko at hinarangan ang tinitignan niya.

Tumaas ang kilay niya. "Ewan ko sa'yo.." Tinalikuran niya ako at naghanap ng lamesa.

Napabuntong hininga na lang ako. I need to calm. Baka ano pa magawa ko kapag hindi ako kumalma. Sumunod ako kay Laila at umupo sa harap niya.

"Bakit hindi ka bumili ng pagkain mo?"

"Hindi ako nagugutom." Sabi ko pero kumuha ako ng isang pirasong fishball ngunit agad ako napainom ng malasahan ko 'yun.

"Queenie may chika ako sa'yo.." Aniya dahilan para matigilan ako.

Pakiramdam ko ang ikukwento nito ay tungkol sa nangyareng kaninang umaga. Hindi ito tama..

Laila's POV

Uminom ako ng tubig pagkatapos ko magkwento. Kung hindi pa ako iinom ng tubig baka sumabog na ako sa sobrang inis sa lalakeng may pabangs.

"Yung feeling na naiinis ka nalang bigla kase akala mo naman batas sila dito sa school na 'to." Salubong ang kilay ko habang kumakain. "Kilala mo ba sila? Ay oo nga pala hindi mo pa sila nakikita."

Bumuntong hininga lang si Queenie at sumandal.

"Kung naiinis ka sakanila, wag ka ng lumapit sa kanila okay?"

"Hah! Papaano ako lalayo kung iisang apartment kami ng tinatawag nilang Boss ha?" Napasimangot ako.

"Boss?"

Tumango ako. Tinignan ko si Quennie ngunit nagtaka ako ng makita siyang wala sa direksyon ang kanyang mata. Tila tulala.

"Sinong lalake? Sinong Boss? Ang kasabayan mo umuwi? 'Yung pinunta ka kahapon?" Tumingin na siya sa akin ngunit ang kanyang mga mata ay may pag aalala na.

Tumango ako. "Bakit?"

Napailing agad siya. "W-Wala naman.." Ngumiti siya sa akin.

Pagkatapos ng break time ay sabay kami pumunta ni Queenie sa main building. Hindi kami nagkaimikan habang naglalakad kaya naman tinanong ko agad siya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko. Pakiramdam ko pagkatapos namin kumain, hindi na siya nagsalita o dinugtungan pa ang kanyang mga sasabihin.

Tumango lang siya habang seryosong nakatingin sa semento.

Nagpaalam na ako ng maghiwalay ang lalakaran namin. Ngumiti lang siya at wala ng sinabi.

Habang nagsasalita ang professor namin sa harap. Hindi matanggal sa isipan ko si Queenie. Pakiramdam ko may mali sa kanya. Bigla nalang siya tumahimik pagkatapos namin kumain. Parang nag iba ang atmosphere sa pagitan namin dalawa.

Bigla nalang siya naging weird ha.

Tomasso's POV

"Who the fuck told you to come here?"

Napaiwas ako ng tingin. Bweset na Pietro, bakit ba kasi nagplanong pumasok dito. Eh alam naman na andito si Lider punyemas.

"Do you want me to cut your useless tongue huh?! Bakit hindi niyo ako masagot?!"

Napapikit ako ng sumigaw na si Lider. Tangina, hindi ko kaya sumagot. Mukha niya parang willing na pumatay ng buhay.

"Boss para naman ito sayo—"

Agad naputol ang sasabihin ni Alessio ng sapakin siya ni Lider. Bobo. Sabing wag nalang magsalita eh. Ayan tuloy nasapak ka.

"What the fck do you think of me? Little kid? A fucking child ha?!"

Napalunok ako ng sa akin na nakatingin si Lider. Napayuko agad ako at tila parang kinakapos na ako ng hininga. Tangina parang tumatagos sa kaluluwa ko ang mga titig niya.

"Sino nagpadala sainyo dito?"

God. Kayo na bahala sa amin.

"A-Ang totoo n'yan.. Kami ang kusang pumunta dito." Matapang na sagot ni Manuel kahit na makikita mo sa kanya ang kaba.

"Sa tingin niyo papayagan ko—"

Agad naputol ang sasabihin ni Lider nang magsalita si Samuel dahilan para matigilan siya mula sa kanyang galit.

"May pagdududa silang andito ka sa pilipinas Boss."

Tinignan ko ang reaksyon niya. Napalitan ito ng gulat at pagkakunot noo sa kanyang mukha.

"Kaya kami andito kase maaaring magkaroon sila ng planong pumunta dito at hanapin ka.." Seryosong dagdag ni Samuel.

Seryoso din tumango si Pietro. "Maintindihan mo sana kami Boss. Andito kami para ipabalita ito sa'yo at bantayan ka."

Napaupo si Lider at napasapo sa kanyang mukha. Tila napawi ang kalokohan sa aking isipan ng makita ko ang sitwasyon ng lider namin. Nakakalungkot isipin na napakabigat ang kanyang dinadala na tila hindi na siya lulubayan ng kanyang problema.

"Wag kang mag aalala Boss. Andito lang kami.. Kung papayagan mo sana kami." Sabi agad ni Alessio.

"Oo nga Boss. Hayaan mo kami dito. Kami bahala na protektahan ka."

"Oo nga Boss.."

Tumango rin ako. Hindi ko rin hahayaan na saktan nila ang lider namin. Magkamatayan muna bago nila patayin si lider.

Napabuntong hininga siya at napatingin sa amin. Walang emosyon itong tumango. "Fine. Change your identity. Don't let me disappoint." Tumayo siya at nilagpasan kami.

Ngunit bago ito makalayo. Humarap ito sa amin tila wala na itong problema.

"Wala kayong gagalawin hangga't wala akong sinasabi. Kapag may isang pagkakamali lang kayong nagawa..."

Inisa isa niya kaming tinignan gamit ang nakakamatay niyang tingin.

"Papatayin ko kayo.."

Napakurap ako at yumuko. Agad ko narinig ang kanyang tapak sa sahig na papalayo mula sa amin. Malakas niya isinara ang pintuan.

Alessio's POV

"Wow! That was close!" Maginhawang nasabi ni Manuel.

Agad ko kinuha ang cellphone ko at tinignan ang labi ko sa repleksyon.

"Hahaha punyeta nasapak pa si Alessio! Aduuuy" Pang aasar naman ni Tomasso.

Agad ko siyang pinakyuhan. Masapak ka rin sana ulol.

"Grabe grabe habang patagal ng patagal. Nakakatakot na si Lider." Napapailing na sabi ni Pietro.

Napabuntong hininga ako. Gusto ko maiyak dahil sa pagkakasapak ni Master. Tangina masisira ang pinagpalang kagwapuhan ko. Pano na 'to?

"Kasalanan mo rin naman gago! Ikaw may planong pumasok dito kaya siya naging kurimaw. Nadamay lang kami." Sumandal si Tomasso habang nakasimangot.

"Tanga! Ano pa ba ang magiging solusyon natin kundi puntahan siya dito at mag aral din para mabantayan siya? Ang bobo mo rin minsan nuh?" Inis na sabi ni Pietro.

"Uso kase magpaalam muna bobo" Ani naman ni Tomasso.

"Bobo! Akala mo papayag siya kung magpapaalam tayo? Isip isip din!" Pietro.

Okay trash talk-an sila. Bahala kayo dyan.

"Fight! Fight! Fight!" Singit naman ni Manuel.

"Tanga! Papayag 'yun kung maaga mo sinabi sa kanya!" Sagot naman ni Tomasso.

"Hala oh! Tanga ka daw Pietro! Kung ako n'yan sapakin ko din 'yan." Sulsol naman sumingit si Manuel.

"Aba't?! Ako pa ang tanga dito?! Buti nga pumayag na si Boss. Ang dami mo pa'ng satsat eh."

Pinigilan ko ang tawa ko nang mapansin kong napipikon na si Pietro.

"Hala oh! Tomasso! Sumasatsat ka daw—" Hindi natapos ang sasabihin ni Manuel nang batokin siya ni Samuel.

"Wala ka talaga maitutulong kundi ipag away mo silang dalawa nuh?"

Napangisi ako. "Sulsol kasi ang gagong 'yan." Napapailing na sabi ko.

Tinignan naman ako masama ni Manuel. Ano? Lalaban ka?

Magsasalita sana siya ng bumukas ang pintuan.

"Pietro! What the fuck?! Bakit kayo nandito sa school ko?!" 

Derederetsong pumasok at sinabi ng isang babaeng maganda. Mahaba ang buhok. Maamo ang mukha ngunit tila parang nandidilim ang kanyang mukha.

"Oh? I miss you too sis." Nilampasan lang siya ni Pietro at umupo.

Tomasso's POV

Agad ako napatulala nang makita ko muli ang kagandahan niya. Tila parang nakalimutan ko ang away namin ni Gagong Pietro at natoun ang mata ko sa isang babaeng mahahabang binti at malacoca cola ang katawan at may malalaking pakwan na hinaharap at may maliit na mukha.

"Mag usap tayo Pietro!"

Nakagat ko ang labi ko. Tangina pre. Pati boses ang ganda pakinggan! Kahit galit pa ito o hindi.

"Hindi ba't nag uusap na tayo ngayon?"

"Bakit kayo nandito?! Pwede ba Pietro umalis nalang—"

Napapikit si Pietro at tumayo. "Bawal ba mag aral Quennie?"

Natigilan ang asawa ko nang makita niya ang eskpresyon ng kanyang kapatid. Pinigilan ko ngumiti. Punyeta mukha akong bakla pero ang sarap pakinggan na tawagin siyang asawa ko.

Quennie pala pangalan mo huh. Hintayin mo at aasawahin talaga kita. Napangisi ako.

______

Laila's POV

Habang nagsusulat ako ng discussion sa harap ay bigla ako tinawag ng kalikasan. Naibaba ko ang ballpen ko at nagpaalam na magccr lang ako.

Palabas pa lang ako sa comfort room ay agad ko natanaw si Husher. Inirapan ko siya at hindi pinansin.

"Sabay tayo umuwi mamay—"

"Bakit? Ipapahiya mo nanaman ako sa mga kasama mo?"

Napakunot noo siya. "Pinahiya?"

Hay naku! Bakit ang hirap niya ipaintindi?

"Ewan ko sayo! Bahala ka dya—"

Nabitin ang sasabihin ko ng hinila niya ako palayo sa main building.

"Hoy! Saan mo ako dadalhin?!" Sigaw ko.

Hindi niya ako sinagot pero nakarating kami sa isang bodegang kwarto sa parteng likod ng isang building dito sa school.

Agad niya binuksan ang pintuan at tumambad sa akin ang mga kalalakihan.

"B-Boss.."

"Boss! May problema—"

Naputol ang sasabihin nila ng pumasok ako habang hila hila niya ako. Napakunot noo ang isa sakanila.

"Anong ginagawa ng babae 'yang dito?" Tanong ng isang makapal ang mukha.

Nakarinig ako ng lumagalpak na mga tunog ng buto mula sa mga kamay at daliri.

"Boss? May gusto ka bang ipagawa sa amin dito sa babaeng 'to?" Napalingon ako sa pinakamalaking katawan at macho sakanila. Napalunok ako.

"B-Bitawan mo ako!" Tila walang narinig ang lalakeng ito. Sa sobrang inis ko tinapakan ko ng madiin ang paa niya dahilan para lumuwag ang kapit niya sa akin at mabitawan ako.

"Fuck!!"

"Boss!"

"Lider!"

Agad ako tumakas at aakmang bubuksan ko sana ang pintuan ng may malakas na humila sa buhok ko.

"Saan ka pupunta?!"

"Aah!!!"

Napapikit ako sa sobrang sakit dahil sa malakas na pagkahila niya sa buhok ko.

"Shit! Let her go!"

Napabitaw sa akin ang humila at tila nahilo ako sa sobrang lakas niya.

"Tomasso what the fuck?!" Sigaw ni Husher.

Agad siya lumapit sa akin at pinaupo sa upuan. Nanlalabo ang aking mata. Napakasakit ng ginawa niya. Tila pati utak ko nahila niya rin.

"What did you do?!!!"

Mas lalo ako napapikit sa sobrang lakas ng sigaw ng lalakeng 'to. Hindi ko makita ang mga mukha nila. Para akong nawalan ng lakas eh.

"B-Boss sinaktan ka niy—"

Agad ako nakarinig ng malakas lumagalpak na palad sa balat.

"Did I fucking warned you earlier right?"

"L-Lider hindi namin alam—"

Muli ulit ako nakarinig ng malakas na sapak.

Napatingala ako nang makarinig ng kasa ng ibang bagay at agad na luminaw ang aking pagtingin sa kanila. Ngunit napaantras ako ng makita ko si Husher na may hawak ng baril habang nakatutok sa kanila.

"Tell me. What did I warned you earlier?" Blankong tanong niya para sakanila.

A-Ano 'to? Hindi ako makapaniwalang pinapanood sila. Bakit may hawak na ng baril ang lalakeng 'to?!

Pinagmasdan ko ang mga lalake at halatang natatakot sila sa lalakeng 'to. Nanginginig ang mga tuhod at mga kamay nito.

"Husher calm dow—"

"Fuck off Samuel."

Samuel? Samuel ang pangalan ng lalakeng maputla sa kanila? 'Yung masyadong mabait sa akin kaninang umaga? Oo nga pala halos makalimutan ko na siya. Siya 'yung nagpakilala sa akin kanina.

Tumayo agad ako bago pa lumala ang galit ng lalakeng 'to.

"Husher.."

Hinawakan ko siya sa kamay kung saan nandoon ang baril. Shems. Anong ginagawa mo Laila?! Delikado ka.

"Tara na? O-Okay na ako." Tumatawang sabi ko na parang walang maitim na awra na pumapalibot sa amin. Kahit ako kinakabahan. Baka ako barilin nito eh.

Ngumiti ako sakanya habang nakatitig siya sa akin. Dahan dahan kong ibinaba ang kanyang baril.

"Bawal ang laruan na 'yan dito? Alam mo ba?" Ngumiti ako sakanya. Nyeta. This is the only way I know na mapagaan ang atmosphere dito sa loob ng kwartong 'to. Anytime nalang may bangkay na dito eh.

Napagitla ako ng hinawakan niya ang taas ng labi ko.

Agad niya sa akin ipinakita ang thumb niya at nagulat akong may dugo na roon. Napahawak ako sa ilong ko at naramdaman kong may tumutulong likido.

D-Dugo?

Agad ako nanghina at nahimatay na lang nang makita ko iyon.

__________

Updated.

ตอนถัดไป