Chapter 38
Althea Marasigan ~
Hindi ako makatayo ng maayos dahil sa mga nakikita ko. My past is haunting me again. I am an adopted child before, I am very positive about life. Until my ability enter. At first, I was very frightened of what I'm capable of. Sino ba namang matatakot kung lahat ng makikilala mo ay makikita mo ang nakakatakot na nakaraan? Makikita mo ang kinatatakutan nila sa lahat ng bagay na meron dito sa mundo? Makikita mo ang mga masasamang bagay na nagawa nila! And that was my ability, to know the hidden past from people I just know!
Then one night, narinig ko sila Mommy na nagsisigawan. At my age, alam ko na ang mga nangyayari but I still remain silent. Ayokong mangialam sa away ng matatanda. Kaya na nila ang sarili nila, isa pa, baka maungkat pa ang pagiging ampon ko.
Ilang sandali pa nga'y tumahimik na noon. Ang akala ko'y payapang araw ay hindi pala. Dahan – dahan akong lumabas sa kwarto ko upang tingnan kung okay na ba sila. Pero iba ang naabutan ko sa kwarto nila. Si Daddy na may hawak na basag na vase habang si Mommy ay nakahiga sa sahig at may saksak sa leeg. Maraming dugo akong nakikita na umaagos mula sa leeg ni Mommy. Hindi ako makakilos, ni ang huminga ay hindi ko magawa hanggang sa mapansin ako ni Daddy na nakasilip sa labas ng pintuan. Mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto at ni – lock iyon. Hinarangan ko rin ng cabinet ang pintuan in case na mabuksan nya. Tanging pag – iyak lang ang alam ko noon kung kaya't kahit alam kong pwede pa akong tumakas ay hindi ko magawa.
Tuluyan na ngang nabuksan ni Daddy ang pintuan. Napasigaw na lang ako ng tulong ng lumapit ito. Ngunit makaraan ang ilan sandali ay naramdaman ko ang pagbagsak ng kung anong mabigat na bagay kasabay ng pagkabasag ng vase na hawak ni Daddy.
Doon ko nakita si Daddy na puti na ang mga mata habang nakanganga at may lumalabas na mga insekto. Yun yung araw na nalaman kong kaya ko palang gamiting pamproteksyon sa akin ang kakayahan ko.
" Ano? Iiyak ka na lang ba? Hindi ka na ba lalaban? Na kahit saktan kita ay iiyak ka lang? Ganoon ba? "
Isang malutong na sampal ang natanggap ko sa shade na nagpapanggap bilang babae. Hindi naman ako makalaban dahil sa pagkakaalam ko, once na may emosyon lang sa loob ko saka ko lang nagagamit ang pagiging bayolente ng kakayahan ko.
" Ta – tama na! Nakikiusap ako! Su – suko na ako! "
Nahihirapan kong banggit sa kanya. Oo at isa akong estudyante ng Astravision University but still, ang kaya ko lang namang gawin kaya tinanggap nila ako ay ang mag manipula ng mga tao batay sa kanilang kinatatakutan lalo na kung may mga cases na mahirap solusyonan. Wala akong alam sa pakikipaglaban kaya nga palagi na lang nandito sa tabi ko si Jack. Yun nga lang at wala sya dito. Hindi ako pwedeng dumepende sa kanya, ang kailangan ko ay ang sarili ko upang labanan ang isang ito.
" Hindi kami ginawa ni Master upang bigyan kayo ng awa! He gave us the ability and life to make all of you ready for the next fight! Alam nyang kahit na nagsanay na kayo sa pamamalakad ni Master Riley at Master Avin ay hindi pa kayo handa kaya nga ginagawa nya ang bagay na ito! "
Aniya sa akin. Yun pala ang goal ng labanang ito ng one by one. To train and to be more strong than the others.
" But – but I have no ability to – "
" Do you want me to kill this guy beside me? "
Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakikita ko. Si Jack na wala nang malay at puro dugo ang katawan. Ganoon ba kalakas ang mga katulad nilang shade? Na kahit si Jack ay nagawa nilang talunin?
" Jack! "
Bulong ko. Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa nakikita ko. Alam kong pag gumalaw ako sa kinatatayuan ko ay tuluyan nyang papatayin si Jack.
" No response? Fine! "
Tumayo ako ng mabilis upang pigilan sya sa gagawin nyang pagputol sa leeg nito ngunit huli na ako. Tumilapon sa pwesto ko ang ulo nya habang ang katawan naman nya ay nasa harapan lang ng shade. Isa akong walang kwentang tamer! How can I even breathe kung patay na ang familiar ko? I am a stupid, an idiot tamer! A weak.
" Jack! Jack! "
Tawag ko sa pangalan nya kahit alam kong di na nya ako maririnig. He's gone. The guy who always protect from anything is gone. How can I be able to live without him? How? How!?
" How!? "
Naramdaman ko ang pagtaas ng enerhiya sa loob ng katawan ko. Pakiramdam ko ay nagising ang totong kapangyarihan ko?
" Don't you remember? I am here, Numphys, the God of Destruction! "
Kaya pala. Kaya pala kahit masakit na dito sa loob ko ay nakakayanan ko pang tumayo! Magbabayad ang shade na ito sa pagpatay nya kay Jack! Magbabayad sya!
" That's right! You are my descendant! The God of Destruction is always in its verge of anger and wrath! From there, our energy will become one and you will have your revenge to the creature you're dealing with! "
Malakas akong napasigaw ng bigla na lang magkasugat ang pareho kong palapulsuhan. Mukhang nagsisimula na ang pagsasanib naming dalawa.
" Luminescence! "
Isang nakasisilaw na liwanag ang bumalot sa buo kong katawan dahilan upang mapatakip sa kanyang mga mata ang babaeng shade. She will never forget the day she lived and killed by the God of Destruction!
" Sword of Destruction! "
Bumaon ang espada ko sa kanyang dibdib. Hindi pa ako noon nasiyahan kung kaya't wala akong awang hiniwa ang kaloob – looban nya at pinagpira – piraso. Hindi sya naawa sa akin ng putulin nya ang leeg ni Jack, now, I will never pity her. Instead, I will kill her many times even though I know that she is already dead!
" Burn your soul and body to hell! For I will never let you live again in the world of mortals neither in heaven so I! "
End of Chapter 38
Remember your dreams and fight for them. You must know what you want from life. There is just one thing that makes your dream become impossible: the fear of failure.
-Paulo Coelho
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @Vindexia
Tumblr: @Vindexia