webnovel

Chapter 15

Chapter 15

Axel Valerie De Guzman ~

May kung anong bagay ang nararamdaman kong pumapasok sa loob ng katawan ko, hindi ko lang masabi kung ano nga ba ito pero alam ko at ramdam kong unti – unti nilang pinupuno ang loob ko! Na para bang, isa akong walang laman na garapon na nilalagyan ng maraming candy at walang pakialam ang kung sino man ang naglalagay kahit na nag – uumapaw na ang mga ito!

" My name is Andre Montecillo, a Thunderbird – under Legendary Category din! "

Ito naman yung tipong direct to the point na kaagad, yung napakaikling magsalita pero nandoon na kaagad yung thought! Hindi ka na magtatanong pa!

" Napakaikli mo talagang magsalita no, buti na lang talaga at mabango yang hininga mo, hindi bumabaho! "

Singit ni Ana dito na sinagot nya lang ng isang ngiti, at ito pa pala, sya yung type sa outside world na pang boy next door ang datingan pero syempre mas gwapo pa rin yung familiar ko no! Hehehe.

" Shut up! Okay? "

Natahimik naman yung dalawa dahil sa sinabi ng isa pang babae na sa tingin ko ay yung susunod na magpapakilala sa akin.

" My name is Alaina McDevon, a dream manipulator under the Common Category in Manipulation! I can only control intangible things! "

Maikli nya ring paliwanag, pero bet ko rin sya, yung pa – mysterious type!

" Then, ako naman si Alfonse Marcus Guevarra! Her familiar, I am a Hydra, then, ganun din, my creature type is under Legendary! "

Tinandaan ko muna ang bawat isa sa kanila bago ako tumayo upang pumunta ng rest room, pero pinigilan ako ni Ax.

" Mamaya ka na mag – cr! "

" Naiihi na ako eh! "

Hindi ako nito pinansin sa halip ay nakigaya rin sa mga kasamahan nyang nakapikit na ngayon at palingon – lingon kung saan!

" Bahala kayo dyan, basta ako iihi na! Hindi ko na talaga kaya, so – "

" Earth Shield! "

Hindi ko na naituloy pa ang dapat kong sasabihin ng bigla na lang sumabog ang buong gusali kung saan naroon kami, buti na lang at nakagawa kaagad ng pangharang si Alex upang hindi kami masaktang lahat! Ngunit hindi pa doon natatapos ang lahat dahil may kung anong mga nilalang na gawa sa parang putik ang naglalakad patungo sa direksyon namin ng bigla na lang –

" Vacuum! "

Pag - atake ni Ana sa mga ito dahilan para higupin sila ng parang black hole sa likuran nila, ngunit may kung anong pwersa ang umatake sa amin dahilan para tumilapon kaming lahat! Shet, parang nabalian pa yata ako!?

Dahan – dahan akong tumayo mula sa pagkakatilapon upang tingnan kung maayos lang ba ang lagay nila ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng makitang napapalibutan ako ng mga halimaw at wala na silang lahat sa tabi ko!

Ito yun, ito yung panahong nakita ko ang lahat ng nangyayari sa buong paligid kanina habang nananaginip ako! Ito rin yung panahong palagi kong ibinubulong sa sarili ko ang pangalang Ax! Ax?

*insert yung point of view ni Ax*

" Ax? "

Gulat na pahayag ni Ale matapos akong makita, ngunit hindi sa kanya napunta ang atensyon ko kundi sa bata na kamukhang – kamuha ko na hawak ng isang lalaking sa tingin ko ay kaedad ko lang.

" Sino ka? "

" Captain! "

Napapikit ako sa usok na sanhi ng banggaan ng kapangyarihan ng bata at ni Alex.

" Riley, tumigil ka! He's my familiar, okay? "

Pagpapatigil nya doon sa batang lalaki na ngayon ay nagbabaga ang mga mata dahil sa itim na mahikang lumalabas mula rito.

" Pero, Papi! Matagal ng naputol ang ugnayan nyo ng familiar mo after mong sagipin ang buhay ng isang tamer! So basically, your real familiar is not here! At hindi ang mukhang unggoy na yan! "

Bigla akong natigilan dahil sa sinabi ng batang iyon, ganoon rin ang gulat sa mukha ni Alerie na nakatingin sa akin ngayon!

" So, ikaw pala ang dating tamer ng familiar ko! Nice to meet – "

" Cloak of Space and Time Travelling, activate! "

Naputol ang dapat na sasabihin ni Aira dahil sa muling kung anong pag – atake na naman ang ginawa ng batang iyon, napatakip pa kaming lahat dahil sa liwanag na nanggagaling sa kamay ng bumubuhat sa kanya? At ilan pa ngang sandali ay nawala ito – pati na rin sina Alerie kasama ang mga ito!

Bigla na lang naglaho ang lahat at muli na naman akong binalot ng kakaibang kadilimang bumalot sa buo kong pamamahay! Maya – maya pa ay ganoon na lang ang gulat ko ng bigla na lang bumalik ang mga ala – alang iyon at diretsong pumapasok sa ulo ko dahilan upang tuluyan akong mapahiga at magwala dahil sa sakit na patuloy kong nararamdaman!

" Tama na! Please, tama na! Ayoko na! Ahhhhh! It hurts! It hurts! F*ck, f*ck, f*ck! F*cking hurts, kill me! Kill me! Put*ng *na! Ahhh! "

Sigaw ko sa sakit na nararamdaman ko, kaya't ganoon na lang ang pasasalamat ko ng dahan – dahang nawala ang lahat ng sakit na iyon kasabay ng tuluyang pagbigay ng katawan ko!

Ax Villareal ~

Bigla akong napabangon sa hinihigaan ko ng maramdaman ko ang isang pamilyar na enerhiya, may kung ano rin ang nagtulak sa akin upang lumabas. Katulad ko, nagkasalubong pa kami ng buong grupo na papunta sa iisang direksyon kung saan ko naramdaman ang pamilyar na enehiyang iyon, na sa tingin ko rin ay kanila ring naramdaman.

" Um, pare – pareho ba tayo ng iniisip kaya – "

Boogsh ~

Natigilan kaming lahat kahit si Allyson sa kanyang pagsasalita ng bigla na lang may kung ano ang sumabog sa kabilang building, malapit sa kwarto kung saan palaging namamalagi ang Headmaster.

" Move! "

Saad ko upang ang lahat ay mabilis na kumilos papunta sa direksyong iyon, hindi pa kami nakakalayo ng bigla na lang ring sumabog ang ibabang bahagi ng dormitory dahilan upang tumilapon kami papalayo rito.

" F*ck! Ano bang nangyayari? "

Naguguluhang tanong ni Air pagkatayo at tinulungan ang kanyang tamer kasama ang iba pa naming kasamahan.

" The time has come for us to end your lives kids! Prepare to die! "

Napalingon kaming lahat sa likuran naming ng bigla na lang may magsalita – it was Aira, my new tamer!

" Ano na naman bang nakain mong babae ka? Sinasapian – ack! "

0_0

Nagulat kaming lahat ng bigla na lang sinuntok ni Aira si Alex dahilan upang mapaluhod ito sa lupa, hindi pa ito nakakabawi ng sabunutan nito iyon at inihagis papaitaas at –

" Thunder! "

Nagbanggaan ang kapangyarihan ni Aira at Andre dahilan upang yumanig ang buong paligid sa lakas nito.

" Ax! Secure all the tamers and familiars and leave – f*ck! "

Natigilan ako dahil sa sinabi ng Headmaster, wag mong sabihing –

" Ax! "

Napaharap ako sa direksyon ng sumigaw at ganoon na lang ang gulat ko ng tumama sa akin ang isang napakalaking maso dahilan upang tumilapon ako papalayo.

" F*ck! "

End of Chapter 15

“Truth without love is brutality, and love without truth is hypocrisy.”

― Warren Wiersbe

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @Vindexia

Tumblr: @Vindexia

Vindexiacreators' thoughts
Next chapter