Chapter 10
Ax Villareal ~
Ilang araw na nga ba ang lumipas matapos ang labanang nangyari sa plaza center sa Bayan ng Ikavera? 3? 5? 10? Hindi ko na mabilang, nagsimula na rin ang klase sa buong Astravision University, mabilis lang din naman kasing gumaling ang lahat matapos dumating ang Master Healer ng bayan na si Master Delphia. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaroon ng malay si Alerie, ang sabi sa akin ni Master Delphia noon, masyado raw naubos ang buo nitong lakas kaya't mahirap mag – recover ang buo nitong katawan pero hindi naman daw malala ang mga natamo nitong sugat! Pero bakit hindi pa rin sya nagkakamalay!? *sigh*
" Hayst, tulala ka na naman Captain! Wag mong masyadong isipin si Axel, magiging maayos din sya! Tsaka, hinihintay na lang naman natin syang magkaroon ng malay! Makakasama mo rin sya – "
" But the fact na naputol na ang ugnayan nyong dalawa as your tamer at ikaw bilang familiar nya, kailangan mo na rin syang kalimutan! "
Lalo akong nawalan ng ganang pumasok ngayon dahil sa sinabi ni Air, hindi ko kasi malaman kung bakit bigla na lang naputol ang enerhiyang nagdudugtong sa aming dalawa! Sa' pagkakaalam ko, mapuputol lang ang ugnayan ng isang tamer at familiar once na namatay na ang isa sa kanila but, buhay pa kaming dalawa! So, bakit bigla na lang itong mapuputol ng ganun – ganun lang?
Marami pa rin akong katanungan na kailangang masagot, katulad na lang kung paano nya nabuhay ng ganon kadali si Sophia matapos syang kontrolin ng kung anong nilalang! Alam naming lahat na wala ng buhay si Sophia kaya nga lahat ng nandoon sa lugar kung saan sya bumagsak ay nagulat ng bigla na lang syang bumangon na parang nabuhay muli! At pagkatapos noon ay saka naman bumagsak si Axel, at saka naman kami lumapit sa kanya! Pero –
Why can't you hold me in the street?
Why can't I kiss you on the dance floor?
I wish that it could be like that,
Why can't we be like that? Cause I'm yours!
Napahinto kaming lahat sa paglalakad dahil sa kung anong tunog na nakakuha sa aming mga atensyon.
" Ano yun? "
Nagtatakang tanong ni Ana habang si Alaina naman ay nakapikit na parang pinapakinggan kung saan nanggagaling ang tunog.
" Parang sa infirmary yata! "
Hindi siguradong sagot ni Alex sa amin, ngunit agad din akong napatakbo sa isip na baka gising na sya, nakasunod naman sa akin ang buong grupo, ngunit agad din kaming napatigil ng makasalubong ko si Aira – ang bago kong tamer!
" Saan kayo papunta? "
Nakangiti nitong bungad sa amin.
" Wala ka na don! "
Masungit na saad ni Ally dito.
" Really? "
Hindi ko gusto ang kakalabasan nito –
And nobody knows I'm in love with someone's baby,
I don't wanna hide us away,
Tell the world about the love we making,
I'm living for that day, someday!
Napalingon kaming lahat sa direksyon ng infirmary, hindi ko na nga inisip pa ang babaeng iyon na walang ginawa kundi ang makipagtalo sa mga kaibigan ko! Wala rin naman akong mapapala doon.
Huminto muna kaming lahat sa tapat ng pintuan nito, at inayos ang aming mga sarili ngunit agad rin kaming napahinto ng marinig kung ano ang nasa loob!
" Ang galing nyo po talagang kumanta, Papi! "
" Nangbola ka pa! "
Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig ko, gising na nga sya! Hindi ko mapigilang maging masaya dahil dito.
" Hindi pa tayo tapos Ally – hmmph! "
Mabilis kong tinakpan ang bibig nya upang hindi makagawa ng ingay, grabe talaga ang bibig ng babaeng to!
When you hold me in the street?
And you kiss me on the dance floor,
I wish that it could be like that,
Why can't it be that? Cause I'm yours!
We keep behind closed doors
Every time I see you, I die a little more
Stolen moments that we steal as the curtain falls
It'll never be enough
It's obvious you're meant for me
Every piece of you, it just fits perfectly
Every second, every thought, I'm in so deep
But I'll never show it on my face
But we know this, we got a love that is homeless
Why can't you hold me in the street?
Why can't I kiss you on the dance floor?
I wish that it could be like that
Why can't we be like that? Cause I'm yours
When you're with him, do you call his name
Like you do when you're with me? Does it feel the same?
Would you leave if I was ready to settle down?
Or would you play it safe and stay –
Natigilan kaming lahat sa pakikinig kay Axel dahil sa biglaang pagsingit ng kung anong boses na nanggagaling sa isang lalaki, hindi ko rin napigilan ang sarili kong buksan ang pintuan dahil dito! Sino ang walang – hiyang lalakeng iyon na pumunta sa loob ng kwarto ng tamer ko!?
" Ax? "
Gulat na pahayag ni Axel matapos akong makita, ngunit hindi sa kanya napunta ang atensyon ko kundi sa bata na kamukhang – kamuha ko na hawak ng isang lalaking sa tingin ko ay kaedad ko lang.
" Sino ka? "
" Captain! "
Napapikit ako sa usok na sanhi ng banggaan ng kapangyarihan ng bata at ni Alex.
" Riley, tumigil ka! He's my familiar, okay? "
Pagpapatigil nya doon sa batang lalaki na ngayon ay nagbabaga ang mga mata dahil sa itim na mahikang lumalabas mula rito.
" Pero, Papi! Matagal ng naputol ang ugnayan nyo ng familiar mo after mong sagipin ang buhay ng isang tamer! So basically, your real familiar is not here! At hindi ang mukhang unggoy na yan! "
Bigla akong natigilan dahil sa sinabi ng batang iyon, ganoon rin ang gulat sa mukha ni Axel na nakatingin sa akin ngayon!
" So, ikaw pala ang dating tamer ng familiar ko! Nice to meet – "
" Cloak of Space and Time Travelling! "
Naputol ang dapat na sasabihin ni Aira dahil sa muling kung anong pag – atake na naman ang ginawa ng batang iyon, napatakip pa kaming lahat dahil sa liwanag na nanggagaling sa kamay ng bumubuhat sa kanya? At ilan pa ngang sandali ay nawala ito – pati na rin sina Axel kasama ang mga ito!
Headmaster Idle ~
Flashback ~
Matapos kong tumilapon dahil sa pag – atake ng bagong estudyanteng iyon ay mabilis rin akong bumangon at pumunta sa mga sigawan ng estudyante ganoon din ang A Squad, na nangunguna sa lahat ng mga tamers at familiars dahil sa galing na ipinapakita sa bawat misyon!
Ngunit lalo akong nabahala dahil sa aming naabutan, the new student is doing something on Sophia and her familiar, parang may kung ano syang ibinibigay sa dalawa! At matapos nga ang ilang minuto ay nagkaroon ng malay ang mga ito ngunit nawalan naman ng malay ang bago! Doon ko rin napansin na naputol na ang ugnayan nya kay Ax dahil sa tuluyan ng naputol ang enerhiyang bumabalot sa kanila kaya nga after that day at bumabalik na sa dati nilang lakas ang lahat, sinabi ko sa kanya na hindi na sya ang familiar ng bagong estudyante at may bago na sa kanyang nakatadhana!
End ~
Napabalikwas ako dahil sa bagay na lumabas sa vicinity ng paaralan, mukhang may mangyayari na namang hindi maganda!
End of Chapter 10
“When we die, we will turn into songs, and we will hear each other and remember each other.”
― Rob Sheffield, Love Is a Mix Tape
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @Vindexia
Tumblr: @Vindexia