webnovel

CHAPTER 18

AN: Pasensya na pala kung natagala ang update, lalo na sa mga naghihintay. Sana magustuhan niyo ito dahil para sa inyo ito sa walang sawang suporta niyo. ;)

==============================================

Boss Ahraw

Pinigilan ko ang sarili ko dahil kailagan naming mag-ensayo ng mabuti, ayokong may mangyaring masama kay Jessy. Dahil hindi ako mangingiming patayin ang lahat kahit pa maging kapalit ang buhay ko.

Matapos ang halos isang buwan na pagsasanay nakitaan ko si Jessy ng galing. Simula sa paghawak sa samurai na talaga naman na puspusan ko na tinuro sa kanya, gayun rin ang ilang kaunting nalalaman ko sa martial arts. Isa lang naman ang gusto ko ang manatili siyang buhay.

Habang na sa biyahe kami tahimik na sinusulyapan ko si Jessy na malalim ang iniisip, inabot ko ang kamay niya na nakapatong sa hita nito at marahan pinisil ko ito. Ngumiti naman siya sa akin. Natigilan ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko.

Mabilis na kinuha ko at nakita ko agad ang pangalan ni Garry.

"Garry, napatawag ka?" agad na sagot ko sa kabilang linya.

"Boss! Si Danica patay na."

apalunok ako'ng bigla dahil sa narinig ko na balita ni Garry, napalingon naman ako 'kay Jessy na bakas ang nagtatanong na mata.

"Paano mo nalaman?" kalmdong tanong ko.

"Pinadala ang bangkay niya dito at  hubo't hubad, puno ng pasa ang buong katawan."

Napakuyom ako ng kamao at mabilis na kinambyo ko sa may gilid ng kalsada ang kotse. Napakapit ako sa baba ko at naisip ang nag-iisang taong gumawa nito, ang demonyong matanda na si Mr. BlackMoon.

"Ano ang nangyari?" seryoso na tanong sa akin ni Jessy.

Pinakatitigan ko lang muna siya bago ako sumagot. "Wala na si, Danica." sagot ko lang habang ang mata ko ay nakatuon sa harap ng kotse.

"Paano- s-sino ang pumatay sa kanya? Ba-bakit..." hindi nito pa nagawang tapusin ang sasabihin dahil bigla itong naluha nalang bigla.

Hinatak ko naman siya palapit sa akin at dinala ko sa dibdib ko ang ulo niya. Alam ko na kahit masama ang pakitungo ni Danica 'kay Jessy nakita ko na hindi ito pinansin ni Jessy dahil mabuti siyang tao, kaya naman nauunawaan ko ang nararamdaman niya ngayon. Hinalikan ko ang noo niya upang iparamdam na nandito ako para sa kanya.

---------

Mabilis na nakarating kami sa village dahi wala namang traffic, pagpasok namin sa gate dinala ko agad ito sa parking. Nagmamadali kaming pareho ni Jessy na lumabas ng kotse upang makita ang mga tao na naiwan dito.

Nakita ko agad si Garry na tahimik na na naninigarilyo kasama ang limang tauhan ko. Nauna ng pumasok sa loob si Jessy ako naman hinarap ko si Garry. Sabay-sabay na nagtuyuan naman ang mga ito ng makita ako.

"Boss, nandiyan na pala kayo." bati sa akin ng lima, si Garry naman ay tinanguan lang ako.

Tinapik ko naman silang lahat, ganito ako sa kanila kapag kami-kami lang pero kapag may trabaho boss nila ako. Hindi naman ganung kasama pero kapag trabho ang usapan dito ako demonyo at talaga namang inaamin ko na masama ang mga gawain ko.

"Nakausap mo na ba ang lahat, Garry?" Tanong ko agad 'kay Garry.

"Ayos na, si Anton lang naman ang hindi natin kasama dito. Dahil matindi ang kapit 'nun kay BlackMoon, " sagot naman nito.

"Tinumba na namin boss ang mga tauhan ni BlackMoon na gumawa ng kahayupan 'kay Danica." sagot naman ni Ringgo.

Tumango naman ako sa kanila, dahil maaasahan talaga sila hindi katulad ang grupo ni Fred na ngayon 'ay wala na. Dahil puro kabalustagan lang ang mga ginagawa, magagaling lang kapag nakahawak na ng pera.

"Tumawag na pala si Mr. Valdez para sa laban na mangyayari tatlong araw mula ngayon." muling salita ni Garry.

Si Mr. Valdez ang may ari ng palarong katuwaan ng mga gambling lord, mga mafia at mga business man. Isang misteryoso na lalaki na kahit kailan ay bihira ko makita. Ang balita sa kanya ng iba isa itong diyablo dahil wala raw itong kamatayan, ang iba maman hinihinalang isa itong immortal na tinawanan lang ng nakarami.

"Ganun ba? Sila, Eveth ayos na ba sila. Nakahanda na ba sila sa magaganap na laban?" tanong ko naman 'kay Garry.

Tumango naman si Garry, napasulyap naman ako sa L300 na sa sakyan dahil may itim na nakabalot dito. Marahil nabasa nila ang nasa isip ko ngayon.

"Bangkay ni Danica, dadalhin na ba namin siya sa magulang niya?" Tanong ni Garry habang nakatingin rin doon sa L300 na nakabukas ang likuran nito.

"Dalhin niyo na, lagyan mo ng pera." sagot ko lang dahil wala na rin ako'ng magagawa, siguro kapag napatay ko na si BlackMoon matutuwa si Danica. Pero kung ako ang mauuna, hindi ko muna hahayaan na mapahamak ang iba pa.

"Sige, boss. Lalakad na kami," paalam sa akin ni Ringgo pati na rin ang apat pa. Sumakay na sila dala ang bangkay ni Danica.

"Garry, huwag na huwag mo iiwan sila dito. Kung ano naman ang mangyari siguraduhin mo na walang mangyayari sa kanila, kung hindi man ako makabalik hanggang sa laban. Sinisigurado ko na nandun ako mismo sa laban na 'yun." seryosong paliwanag ko 'kay Garry, nagtataka naman ang rumehistro sa mukha nito.

"Saan ba ang punta mo? Kung ano pa man 'yan. Usapan natin buhay tayong dalawa na aalis sa lugar na 'to," seryoso rin na wika ni Garry.

Tinapik ko naman siya sa balikat dahil alam ko na siya ang tunay na kaibigan ko simula ng makilala ko siya sa isang, daungan ng mga barko. Isa siyang kargador doon na may illegal na gawain.

"Sige na, pasok muna ako sa loob." tapok ko rito at naglakad na ako papasok sa loob. Walang tao sa loob marahil na sa kanilang mga silid dahil sa nangyari 'kay Danica.

Umakyat ako sa third floor kung saan nandun ang kuwarto ni Jessy, pagpasok ko sa loob dahil naka-lock nakita ko siyang nakasandal sa gilid ng higaan at halata mo ang pamumula ng mata niya.

Umupo ako sa gilid ng kama at pinakatitigan ko siya, hinatak ko naman ang kamay niya papalapit sa akin at niyakap ko siya.

"Alam ko na hindi ka makapaniwala sa nangyari 'kay Danica, kaya sana mag-iingat ka lagi. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin, mabuhay ka para sa akin." mahinang bigkas ko.

"Mga wala silang puso, pinatay na nga nila pinaglaruan pa ang katawan nito" halos gumaralgal naman ang boses nito sa pagsasalita.

Mas lalo ko siyang niyakap upang maibsan ang sakit at lunggkot na nararamdaman niya ngayon. Ayokong dalhin niya ito hanggang sa laban dahil baka matalo siya, at kung mangyari man 'yun hindi ko hahayaan na mapatay siya. Dahil ako ang sisira sa kautusan ni Mr. Valdez sa palarong binuo nito, kasama ang ilang matataas sa mundo ng mafia.

+++++++++++

🔫Black_Moon301

PS: Pasilip na si Mr. Valdez ang susunod ko na kwento sa mundo ng mafia world. Isang immortal na Vampire mafia boss. 😈😈😈❤❤❤❤

Next chapter