webnovel

The Revelation 2

Halos mawasak ang buong mansion sa labanang naganap. Sa tulong na rin ng kapangyarihan ni Camille ay nagawa nitong ibalik sa dating itsura nito bago nangyari ang labanan.

"Cyrus, okay ka na ba?" tanong ni Cydee habang tinulungan itong maupo sa sofa.

"Better, pero ang sakit ng ulo ko."

"Sumandal ka muna at gagamutin kita." saad naman ni Cloudia. Habang ginagamot siya ay nahagilap niya ang nakakadenang kakambal na nakayuko lamang. Agad niyang inalis ang mga kamay ni Cloudia at nilapitan si Cornelia. Itinaas nito ang baba at tiningnan ng maigi ang mukha nito.

"Ahmm, Cyrus tungkol kay Cornelia. Gusto namin malaman ang nangyari bakit ka niya pinatulog ng ganoon ka tagal at kung bakit niya kami inaatake. Sa nakikita namin hindi si Cornelia ang may kontrol sa katawan niya ngayon." saad ni Chayanne na tinabihan ni Carlie sa inuupoan nito.

"Hindi nga si Cornelia yan, ang naaalala ko lang ay tinawagan ko si Cydee noon na bababa na kami ng biglang pagbukas ko ng pinto ay may usok na sumalubong samin at pumasok sa katawan ni Cornelia. Nung napatingin ako sa salamin ang repleksyong lumabas ay hindi kay Cornelia kundi isang usok lamang ang tanging nakita ko sa salamin." pag-alala ni Cyrus sa nangyari.

"So totoo pala yung sinabi niyang nakakulong sa sariling katawan niya si Cornelia. Pero paano natin siya mapapakawalan?" tanong naman ni Camille habang benibendahan ang nasugatang braso na tinamaan ng patalim. Nakita naman ni Cloudia ang sugat at ginamot iyon agad. Sa gitna ng pag-uusap nila biglang tumawa si Cornelia, napalingon silang lahat.

"Hahahaha, seems like I underestimated all of you. I guess it's time to set things on how it should be." nakayuko pa rin si Cornelia habang nagsasalita.

"What do you intend to do? Sa mga ginagawa mo parang sinasadya mong magkagulo kaming lahat. Pinag-away-away mo kami ng walang dahilan." saad naman ni Carlisle na nakasandal sa pader na malapit sa kina-uupuan nito.

"Simple lang, I must see to it na kung sino man ang makakabalik sa Mt. Olympus ay karapat-dapat manirahan doon. Higit sa lahat, the one wearing the crown must possess all the things necessary to rule the Gods and Goddesses."

"Gods and Goddesses?" sabay na bulong ng lahat sa mga isipan nila.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Carlie. Napuno ng katahimikan ang buong mansion. Sa labas ng mansion ay may isang kotse ang narinig nila na kapapatay pa lang sa makina nito. Nagkatinginan silang lahat. Mula sa pinto ay nakita nilang pumasok si Ciara na kakagaling lamang sa concert niya.

"What did I miss?" tanong nito. Nakita niyang andun ang lahat at nilapitan niya ang nakakadenang babae sa harapan nila. Nang makitang si Cornelia nabigla siya sa nakita.

"Ciara, stay away from her." utos ni Cyrus.

"Cyrus what's going on?"

"Tss. I don't wanna repeat everything from the start. Seems like everyone's here already. I guess it's time." pagkasabi ni Cornelia ay agad na lumabas sa bibig nito ang itim na usok na kumontrol sa kanya. Ang kaluluwang kinulong sa isang maliit na kulungan ay ngayo'y nakawala na. Sabay ng pag-alis ng usok ay naglaho din ang kulungang naghihiwalay ng kaluluwa niya mula sa katawanan nito. Nanumbalik na ang kontrol ni Cornelia sa katawan niya at tila hinihingal siya, napasinghap ito sa pagnanais na makahinga ng maayos.

"Cornelia!" agad na tinanggal ni Carlie ang chains of light na nakakadena sa kanya. Ang hindi alam ni Carlie ay dahil sa nararamdamang galit niya sa kumukontrol kay Cornelia nahigpitan niya pala ang pagkakapulupot ng chains of light sa paa, braso at katawan nito. Pagkatangal na pagkatangal ng kadena ay nakita nila ang mga markang sanhi ng mahigpit na pagkakahawak dito.

"Cornelia, ikaw na ba yan?" tanong ni Cyrus na yumakap agad sa kanya.

"C-cyrus patawad. Hindi ko ginusto ang mga nagawa ng katawan tong sayo." umiyak na si Cornelia dahil natunghayan niya ang lahat ng ginagawa ng kumukontrol sa kanya kahit nasa kulungan pa siya.

"No, it's not your fault. Glad your back." hinalikan ni Cyrus ang noo ni Cornelia at kinarga para magamot ang mga pasa sa katawan.

Ang usok na kanina lang ay lumabas sa katawan ni Cornelia ay naging anino ulit. Ito yung laging nakasubaybay sa kanila. Ngayon ay nasa harapan nila ito na tila naghihintay lamang na tuluyang gumaling ang mga pasa ni Cornelia habang ginagamot ni Cloudia. Napatingin din ito sa gawi ni Christopher na tila sinusubukang pakinggan ang iniisip nito, pero kahit anong pilit niya ay wala siyang malalaman.

"May I resume to where I ended?" aniya nito.

"Gusto naming malaman ang lahat ng alam mo tungkol sa amin. Kung bakit mo kami niligtas at bakit mo kami hinayaang kalabanin ang isa't isa." matigas na saad ni Carlisle.

"As expected from the eldest among siblings."

"Siblings?" mas lalong gumulo ang lahat para sa kanila, minabuti na lamang nilang maghintay na magpaliwanag ang anino bago sila mag-reak.

"Carlisle Samuel, Carlie Samantha, Castiel Shawn, Camille Swift, Chayanne Sheia, Cyrus Setrick, Ciara Szane, Cornelia Syren, Cloyce Shendrix, Charlemagne Sauveur, Charlene Savienne, Cydee Suzane, Christopher Sean, Casimir Silvanus, Cassiel Semper, Cloudia Shemierra, Charice Sendria, Cryptic Shaun."

"Kilala mo kaming lahat? Sino ka ba talaga?" tanong ni Charlemagne na sa pagkakataong iyon ay nagtataka na sa pagkakahanay sa kanilang lahat.

"Carlisle being the eldest and Cryptic as the youngest. Yan ang pagkakasunod-sunod niyong magkakapatid. Let's start from the beginning and I hope you'll listen very attentively to all the details. Hindi na ako uulit sa mga nasabi ko na pwera na lang kung hindi niyo talaga maintindihan. But I think all of you are smart enough to understand simple things right?" nakuha na ng anino ang atensyon ng lahat. Sa mga mukha nito, nais na nilang malaman ang lahat lahat tungkol sa kanila at ang mga kapangyarihang taglay nila.

"Sa isang labanang dinala ng kasakiman at uhaw sa kapangyarihan nagsimula ang lahat, na kung saan si Gaia ay nawalan ng kontrol sa kapangyarihan niya dahil sa matinding galit at sakit na naramdaman sa pagkawala ng pinakamamahal niyang si Uranus. Hindi aabot ang lahat sa ganoong pangyayari kung hindi naisipan ni Gaia ang planong ma-castrate si Uranus bilang ganti sa selos nito sa sariling mga anak. Nagawang ipatapon ni Uranus ang mga anak na lalake sa Tartarus at doon sila nanatili hanggang sa dumating ang inang may malagim na balak. Si Cronus na nag-volunteer sa plano ng ina ay nagtagumpay sa misyon nito. Pero ang hindi inaasahan ni Gaia ay ang sariling anak pala ang siyang lalamunin ng kasakiman nito sa trono ng ama at mas malakas na kapangyarihan kesa sa iba. Hindi natiis ni Gaia ang kasakiman ng anak at hinarap niya ito kasama si Uranus na kung saan matagumpay na naipataw ni Gaia ang propesiyang inilaan niya para kay Cronus na kung saan ang pagiging hari niya ay kukunin din sa kanya ng sarili niyang anak. Tulad na lamang ng kanyang ginawang pag-agaw sa trono ng ama. Pero sa kasamaang palad ay napatay ni Cronus ang sariling ama. Si Gaia ang gustong pugutan ni Cronus pero ang ama nito ang humarang at ito ang napugutan. Sa tindi ng galit ni Gaia sa nangyari ay nagpakawala ito ng isang malakas na kapangyarihan na naging sanhi ng pagsibagsakan ng lahat ng mga Gods and Goddesses mula sa kalawakan sa mga dimensyong malapit sa kanila. Dala ng pagbagsak niyo sa iba't ibang dimensyon at sa kapangyarihan na rin ni Gaia ay nawalan kayo nga mga memorya at higit sa lahat ang mga kapangyarihang taglay niyo ay nagkapalit-palit o di naman kaya ay nagkahalo-halo. Ako ang sumubaybay sa inyo at gumabay sa inyong makita ang isa't isa para magkasama-sama ulit. Si Carlie ang tyempong malapit sa kinaroroonan ko kaya sa kanya ako nakakita ng paraang ma-link kayong lahat. Kayo ang mga Gods and Goddesses na nagsibagsakan mula sa kalawakan na saklaw ng inyong mga kapangyarihan." pagsasalaysay ng anino mula sa umpisa.

"Kung kami nga ang mga Gods and Goddesses na sinasabi mo bakit hindi pa rin namin maalala?" pagtatanong ni Carlisle.

"Malapit ng maibalik ang mga ala-ala niyo. Ang hindi ko lang alam ay kung ano ang gagawin niyo pag naalala niyo na ang lahat. Ibang-iba ang pamumuhay na kinagisnan niyo rito sa buhay niyo dati."

"Bakit mo alam ang lahat tungkol sa amin? Sino ka bang talaga?" sa tanong na iyon ay ang aninong nakikita nila ay biglang nagliwanag. Sa wakas ay ipinakita na nito ang tunay nitong anyo at kung ano ang kauganayan niya sa kanila. Nakakasilaw ang liwanag na natunghayan nila pero hindi ito masakit sa mata. Unti-unti nilang nakikita ang isang napakagandang babae na walang kapares ang kagandahan nito.

"I am Aphrodite, the Goddess of love, beauty and sexual rapture. Katulad niyo ako, pero anak lang ako ni Uranus. Sa testicles na itinapon ni Cronus sa dagat na nagmula kay Uranus ay ako ang naging bunga noon. Samantala ang tinawag ni Uranus na 12 Titans ay anak niya kay Gaia o mas kilala na Mother Earth. Kung iisipin mahirap i-trace back ang pinagmulan natin pero para magka-ideya kayong lahat sa kung ano kayo pipilitin kong ipaitindi sa inyo ang lahat." inilatag ni Aphrodite ang totoong pangalan ng bawat isa sa kanila.

"Carlisle ikaw si Cronus.

Carlie ikaw si Nyx.

Castiel ikaw si Oceanus.

Camille Swift ikaw si Hemera.

Chayanne ikaw si Rhea.

Cyrus ikaw si Hyperion.

Ciara ikaw si Mnemosyne.

Cornelia ikaw si Meliae.

Cloyce ikaw si Coeus.

Charlemagne ikaw si Crius.

Charlene ikaw si Ourea.

Cydee ikaw si Tethys.

Christopher ikaw si Eros.

Casimir Silvanus ikaw si Iapetus.

Cassiel Semper ikaw si Themis.

Cloudia Sendria ikaw si Theia.

Charice ikaw si Phoebe.

Cryptic ikaw si Pontus." isa isa niya silang nilapitan at tila ibinalik muli sa kanila ang kanilang mga memorya. Pero laking gulat na lamang ni Aphrodite ng makita niyang hindi tumatalab ang kapangyarihan niya.

"Anong nangyari?" saad ni Carlisle.

"H-hindi ko alam, pero bakit hindi bumabalik ang mga alaala niyo? Dapat ngayong ibinalik ko na ang mga memoryang nawala sa inyo, may maaalala na kayo." pagtataka ni Aphrodite.

"Hindi namin alam kung bakit walang nangyayari, pero sapat na yung paglalahad mo sa totoong naming pagkatao bilang mga Gods and Goddesses." saad ni Chayanne.

"Pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat, ngayong alam niyo na kung ano kayo at kung sino kayo, oras na para lumipat kayo ng tirahan. Hindi na kayo pwedeng makipaghalubilo pa sa mga taong nandito. Ngayong alam niyo na pagkatao niyo ay magsisimula na ang tungkuling matagal ng naiwang bakante dahil sa pagkawala niyo."

"Saan naman ang tinutukoy mo?" tanong ni Carlie.

"Ang Mount Olympus. Ngayon ay kailangan niyong labanan ang bawat isa hanggang sa isa na lamang ang matira."

"Labanan na naman? Pwedeng huwag na? Ayoko ng makapanakit pa ng iba." saad naman ni Cornelia na wala ng pasa sa katawan.

"Kaya kayo nagkatipon-tipon dahil sa layuning iyon. No one can defy what's meant to happen. This is my mission and I will proceed with it. Even if I have to force your way in." nagkubli na naman ito ng anyo at naging anino ulit.

"Ayan na naman siya." aniya ni Castiel na tila alam na pipilitin silang labanan ang bawat isa.

"In order to get back to Mt. Olympus one must be hailed as king. Battle for the Throne will happen whether you like it or not."

"I won't participate, you can have the throne if you want to." sabay talikod ni Carlisle.

"That's very unlike you Cronus. You overthrow your father to get the throne and now you seem like a coward walking away. Isn't the throne what you wanted Cronus?" paghahamon ng anino sa kanya. Hinarap niya ito ulit pero this time naglabas na ito ng aurang nagpapahiwatig na hindi siya magpapapilit.

"Like what I've said. I won't participate and compete for the throne. And I am Carlisle, don't ever call me Cronus cause I'm not him!" matigas na saad ni Carlisle.

"Okay, so Carlisle do you value this woman?" pinalutang niya si Chayanne at itinabi sa kanya.

"Ibaba mo nga ako, hindi kami lalaban para sa tronong yan. Wala kaming pakialam sa ideya mo ng labanan." saad ni Chayanne na nagpupumilit makababa.

"Chayanne! Tss, ibaba mo siya o pipilitin kitang ibaba siya!" handa ng umatake si Carlisle.

"Wait a sec Cronus, oh I mean Carlisle. Tulad ng sinabi ko lalaban kayo dahil kung hindi parurusahan ko ang mga mahal niyo." kinuryente ng anino si Chayanne para ipakitang seryoso siya sa sinabi niya.

"CHAYANNE!!!" galit na sinugod ni Carlisle ang anino at sa halip na umiwas ito ay iniharang niya si Chayanne kaya umatras na lamang si Carlisle.

"Carlisle, everyone, all of you are obliged to fight each other or else one of you will suffer the consequences."

"Paano kung lalaban na kami, ano ang magiging rules ng labanan?" tanong naman ni Cyrus. Napatingin sa kanya si Carlisle.

"It's simple, kung hindi na kayang lumaban ng isa agad na ititigil ang laban. Kapag sumuko ang isa, ititigil din ito. Ang tanging rule dito ay ang manalo." nakangiting saad ng anino.

"Totoo ba yang sinasabi mo?" tanong naman ni Carlie.

"Oo naman." sagot naman ng anino.

"Ibaba mo na si Carlie. Papayag na akong lumaban para matapos na itong lahat." saad ni Carlisle. Ibinaba naman ng anino si Chayanne na hinimatay sa tindi ng pagkakuryente sa kanya. Kinarga naman agad ni Carlisle si Chayanne at ipinagamot kay Cloudia.

"Paano ang labanan? Sino ang lalabanan nino?" lumapit si Carlisle sa anino na tila naghahanda ng makipaglaban.

"Hmmm. Now you're talking Carlisle. Kung hindi lang kasi nalaman ni Cydee ang pagpasok ko sa katawan ni Cornelia edi sana nasimulan na ito."

"Ang dami mo pang sinasabi sino ang makakalaban ko?" nawawalan na ng pasensya si Carlisle.

"Alright then. First fight will be Carlisle and Cyrus. No time limit. Just fight whenever you feel like it." tsaka nawala ang anino. Napatingin sa gawi ni Cyrus si Carlisle na nakakuyom ang mga kamao. Si Cyrus naman ay nakatingin din kay Carlisle, pina-ayos niya ng upo ang nakasandal sa kanyang si Cornelia at tumayo. Nagharap ang dalawa.

"Woah! Wait lang guys, pwede naman sigurong hanapan ng paraan yan para hindi na tayo magkasakitan." pumagitna si Castiel sa dalawa.

"Cyrus sumuko ka nalang." direktang saad ni Carlisle.

"Bakit ako ang susuko? Dapat ikaw nga dahil ikaw ang unang gustong makipaglaban." sagot naman ni Cyrus.

"Guys, guys chill lang. Paano kung kayong dalawa na mismo ang sumuko." sabat pa rin ni Castiel.

"Castiel umalis ka sa gitna namin, tila hindi na paaawat yang si Carlisle. Yan ang matang nakita ko nung nilampaso niya si Charlemagne."

"Bakit ako nasama sa usapang yan?" sabi naman ni Charle na nakikita na ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Naalala ko yun Cyrus, hindi ba kahit anong pigil mo sakin hindi mo nagawang immobilize ako? Kaya sumuko ka nalang para hindi ka tumilapon ulit. O gusto mong ubusin ko ang lakas mo para hindi ka na makalaban pa." hamon ni Carlisle.

"Kung ikaw kaya yung tumilapon sa pagkakataong ito?" sagot naman ni Cyrus.

"Tsk. Puro ka salita gawin mo." banat naman ni Carlisle. Umalis na lamang si Castiel sa gitna ng dalawa dahil wala na siyang magagawa pa.

"Ikaw tong puro kaangasan akala mo kung sino. Kung ikaw nga pinakamatanda satin hindi nangangahulugang iikot ang mga desisyon sayo."

"Anong sabi mo?"

"Kapagod umulit. Kung hindi ka kasi puro salita nailigtas mo sana si Chayanne. Tsk kawawa naman siya, hinayaan lang maging sample sa mangyayari ng hindi lalaban." isang malakas na suntok ang tumama sa tiyan ni Cyrus. Napadura siya ng dugo dahil sa lakas ng impact nito sa katawan. Pagkasuntok ni Carlisle kay Cyrus ay nagpapahiwatig na ito na simula na ng labanan. Bigla silang tinangay sa isang dimension na may maraming pinagpatong-patong na mga bato at sa isang iglap na mawala ang balanse nito ay pwede silang mahulog sa mga matatalim na batong nasa baba nila.

"Unang laban sa pagitan nina Carlisle at Cyrus ay nagsisimula na. May nakalimutan pala akong sabihin." bumalik ang anino at pumagitna sa dalawa. Ang iba ay nakadistansya sa mismong lugar na pinaglalabanan ng dalawa.

"Ano ang nakalimutan mong sabihin?" tanong ni Cyrus. Mula sa hanay ng mga kasamahan nilang naroon ay biglang napunta si Ciara at Chayanne sa tabi nila.

"Bakit mo sila dinala rito?" tanong ni Carlisle.

"Eto nga ang nakalimutan kong sabihin. Sila ang magsisilbing patunay na lalaban kayo. Ang mananalo ay magagawa niyang iligtas ang mahal niya sa buhay at ang matatalo naman ay mapaparusahan, pero sa ibang paraan. Makakaranas ng matinding parusa ang mahal ng isang natalo ng higit pa sa kakayanin ng katawan nito o pwedeng ikamatay nito." agad na naman itong naglaho. Sina Chayanne at Ciara ay nakapaloob sa magka-ibang kulungan. Ang kulungan ni Chayanne ay naglalabas ng malakas na boltahe ng kuryente na maaaring ikamatay ng isang tao kapag tumama ito sa kanya. Ang kinalalagyan naman ni Ciara ay isang kulungang nag-aalis ng oxygen hanggang sa hindi na makahinga ang nasa loob nito.

"Tsk hindi maaaring makuryente ulit si Chayanne. Lalaban ako para sa kanya." saad ni Carlisle na mabilis nakalapit kay Cyrus.

"Lalaban din ako, kakambal ko ang masasaktan kung magpapatalo ako sayo." agad namang gumawa ng bakal na shield si Cyrus.

Nagsimula na ang labanan ng dalawa, ang hindi nila alam sa bawat minutong itinatagal ng laban ay nagsisimula na ang parusa sa mga nasa kulungan. Hindi pa nila napansin yun dahil nakasentro ang isipan nila kung paano tatalunin ang isa't isa. Nahawakan ni Carlisle ang braso ni Cyrus at agad na hinigop ang kapangyarihan nito. Binalot niya ng bakal ang kabilang kamay at sinuntok si Carlisle sa mukha. Tumilapon ito at bago pa makaapak sa kabilang bato ay hinawi ni Cyrus ang mga iyon at nahulog si Carlisle dahil wala na itong maapakan pa. Akala ni Cyrus ay nanalo na siya.

"Carlisle!!!!" sigaw ni Chayanne mula sa kinaroroonan niya. Ang iba ay natutok sa laban ng dalawa at walang masabi sa pinapakita na kagalingan ng dalawa. Mula sa baba ay nakabalik si Carlisle sa pamamagitan ng pagsakay sa isang batong pinalutang nito. Nandilat ang mga mata ni Cyrus sa nakita dahil nagamit ni Carlisle ang kapangyarihan nito.

"Akala mo siguro tapos na ang laban, hindi ko pa ba nasasabi sayo na ang kapangyarihan na nahihigop ko ay nagagamit ko rin? Sapat na ang nahigop ko para makabalik dito sa taas." pagyayabang ni Carlisle.

"Salamat naman at okay ka. AAAAAAHHHHHHHH!!!" pumailanlang ang tili ni Chayanne ng bigla siyang nakuryente.

"Chayanne!" napatingin si Carlisle sa gawi nito.

"Ciara!" sigaw din ni Cyrus ng makitang nahihirapan na itong huminga.

"Anong ibig sabihin nito?" galit na tanong ni Carlisle.

"Para lumaban tayo naging pain silang dalawa, hindi lang sila basta pain. Carlisle kahit pa maglaban tayo walang saysay kung sino man ang manalo kapag matagal naman tayong matapos. Unti-unti silang napaparusahan sa itinagal ng labanan."

"Tsk! Damn! This is hell." bulalas ni Carlisle.

"Carlisle wag na nating patagalin pa to."

"Anong plano mo?"

"Sugurin mo ako."

"Ano?"

"Talunin mo na ako, hindi ako gaganti higupin mo ang kapangyarihan ko hanggang sa hindi na ako makalaban pa." panukala ni Cyrus."

"Sigurado ka ba Cyrus?"

"Oo, bilisan mo na! Nahihirapan na sila!" agad na lumapit si Carlisle at hinigop ang kapangyarihan ni Cyrus. Nanghina na ang buong katawan ni Cyrus na kahit tumayo ay nahihirapan siya. Bilang tanda na nanalo si Carlisle ay agad na napakawalan si Chayanne na binuhat naman agad ni Carlisle. Pero sa sitwasyon ni Ciara ay naubos na ang oxygen sa loob ng kulungan na yun, napasandal si Ciara at nagpigil ng hininga. Wala na siyang makukuhang hangin sa loob hanggang sa napahiga na siya. Gustuhin man nilang tumulong ay hangang tingin lamang ang nagawa nila. Nakita nila si Ciara na nahihirapan sa loob ng kulungan. Dahil gawa ito sa bakal ay pinilit tumayo ni Cyrus at ginamit ang lakas na natira sa kanya para sirain ang kulungan upang mailigtas ni Ciara. Nakikita niyang nagrereact ang bakal sa ayon sa gusto niyang mangyari pero masyado na siyang mahina para tuluyang masira yun. Nakita naman ni Carlisle ang ginagawa ni Cyrus at agad siyang nagtungo sa kulungan ni Ciara. Sa buong lakas na nahigop niya mula kay Cyrus ay ginamit niya iyon para masira ang kulungan. Mula sa labas ay nakikita nina Cyrus at Carlisle na nawalan na ng malay si Ciara.

"Carlisle! ibuhos mo ang lakas mo sa isang bahagi ng kulungan para mas mabilis itong matanggal." saad ni Cyrus. Ginawa naman ni Carlisle ang sinabi nito at paisa-isa niyang tinanggal ang lahat ng humaharang sa harapan niya. Nung sa tingin niya ay kaya na niyang pulbusin ang mga bakal ay ginawa niya iyon ng buong lakas. Ang mga bakal ay nagmistulang mga abo na tinangay ng hangin at bumagsak si Ciara. Nagawang saluhin ni Cyrus si Ciara gamit ang batong isinalo niya rito. Pagkatapos ng labanan at mailigtas ang mga taong importante sa kanila ay muli silang naibalik sa mansion. Parehong sugatan sina Carlisle at Cyrus sa labanan nila, agad namang lumapit si Cloudia para gamutin sila pero tumanggi ang dalawa at mas pinili pang unahin ang dalawang nasaktan ng dahil sa kanila.

Lumabas muli ang anino at pumalakpak pa sa pinakitang labanan ng dalawa. Mas lalo raw itong napamangha sa pagtutulungan ng dalawa para mailigtas ang mga mahal nito.

"Such drama in a fight, sana sa susunod na laban ay mas ma-entertain ako. Kaya ako narito para ipa-alam ang susunod na laban. Ito ay sa pagitan nina Castiel at Christopher." pagkatapos maihayag ang susunod na laban ay nawala na naman ito. Nagkatinginan ang dalawa at pareho naman silang walang choice kundi ang lumaban. Pero kung sino ang magiging pain sa kanila ay hindi nila alam.

Next chapter