webnovel

Chapter 12

Pagkatapos ng eksena namin, magkahawak-kamay kaming nakaupo sa ilalim ng puno habang nakasandal ang aking ulo sa kanyang mga balikat. Hindi man namin nasabi sa isa't isa ang ang dalawang katagang iyon, alam namin ang nararamdaman ng isa't isa. Hindi kailangan ng salita dahil kuntento na kami sa kung ano man ang nararamdaman namin.

Napag-usapan din namin ang mga naging buhay namin. Napag-alaman kong may kakambal din siyang lalaki pero hindi niya pa ito nakikita at mas nakakatanda ito sa kanya. Siya ay ikalawang anak ng pinakamatandang anak na babae ng King Croa. Iba ang patakaran nila, kapag kambal ang anak ng pinakamatandang anak na babae ng King Croa, ang pinakahuling lumabas sa sinapupunan ay siyang tatawaging puso ng dimensyon.

Hindi niya alam kung paano siya napunta kay Queen dahil hindi ito sinabi sa kanya. Iyon ay mga kwento lamang ng Queen sa kanya, hindi niya talaga alam kung anong klase ang pamilya niya dahil sanggol pa lamang ay si Queen na ang nag-aalaga sa kanya.

At tama nga akong hindi Vowel ang totoong pangalan niya. His name is Eaie pero gusto niya na tawagin ko siyang 'Vowel' kasi doon siya mas sanay. Iyon lamang ang alam niya sa pangalan niya, hindi niya alam kung may apelyido pa siya o kung may ibang pangalan ba siya. He's not even sure kung iyon ba talaga ang pangalan niya.

Hindi itinago ng Queen na isa siyang Croa, ang puso ng Croatiania. Alam niya ang historya ng tatlong dimensyon at ang syudad ngunit alam niyang hindi niya pa alam lahat. Si Queen ang nagturo, nag-alaga at nagsilbing pamilya niya sa loob ng labing anim na taon.

Pero sa loob ng labing anim na taon, ngayon lang niya ako nakita. Nakakapagtaka lang dahil anim na taon na akong pabalik-balik sa lugar na ito at nananatili ng matagal. At isa pa, bakit pinalaki ni Queen si Vowel na may galit sa mga Demens?

Naalala ko ang sinabi ng Queen kanina, na pinapaalis niya si Vowel kapag nandito ako. Pero saan naman kaya siya pumupunta sapagkat ang pagkakaalam ko ay wala siyang ibang mapupuntahan kung di ang isla ng Queen. Ngunit hindi na ako nagtanong pa tungkol doon.

Nagkwento rin ako sa kanya tungkol sa buhay ko, kahit yung pagiging half Demen ko ay sinabi ko rin. Hindi ko alam pero lahat ng alam ko ay sinabi ko sa kanya. Malaki ang tiwala ko sa kanya, huwag niya sanang baliwalain iyon. Alam na rin niya ang buong pangalan ko at talagaa namang napakasalungat talaga ng mga pangalan namin pero sinabihan ko rin siyang tawagin ako sa pangalang 'Consonant' kapag kaming dalawa lang para bagay kami. Charot lang. Pero tatawagin niya dapat ako sa pangalang 'Sync' kapag nasa Dementia na kami, lalong lalo na sa harapan ng pamilya ko.

Nagtagal pa ang aming pag-uusap hanggang sa nagtanong siya na ikinakaba ko.

"Kailan tayo pupunta sa dimensyon niyo?" tanong ni Vowel habang nakatingin sa kamay naming magkahawak. Pinipisil nito ang bawat daliri ko sa kamay at hinihimas.

"Hindi ko alam. Natatakot ako." sabi ko sa kanya at nagbugtong-hininga.

"Andito naman ako eh. Sasamahan naman kita doon. Kung gusto mo nga ako na ang magpapaliwanag sa kanila. Hindi naman kita pababayaan." tugon niya sa akin sabay halik sa gilid ng noo ko kaya napangiti ako.

"So sabihin na nga natin na bumalik na tayo doon at nakapagpaliwanag. Paano ka? Saan ka pupunta pagkatapos? Paano kapag tinanong ka nila kung saan ka galing? Kung anong pamilya ka nanggaling?" sunod-sunod na tanong ko.

"Naisip ko na iyon kanina. Paano kung sa bahay niyo na lang ako tumira?" suggestion niya na ikinabigla ko.

"Nahihibang ka na ba? Sa tingin mo ba papayag sila? At saka, hangga't magkasama tayo, mas magiging mapanganib ang buhay mo lalo na't nasa teritoryo ka namin. Kapag nalaman nila isa kang Croa ay hindi na sila magdadalawang-isip na patayin ka kahit na lumuhod ako sa kanila at magmakaawa." nanlulumong sambit ko sa kanya kaya hinarap niya ako sa kanya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Sabihin na lang natin na pinalayas ako sa amin dahil nalaman ng mga magulang ko na nakipagrelasyon ako sa isang Dementian, papaniwalain natin sila na tao ako. At hangga't andito ka sa tabi ko, hindi ako mapupunta sa panganib. Hangga't nararamdaman ko ang pagmamahal mo, hindi ako mamamatay. Hangga't kasama kita, tayong dalawa ang pinakamakapangyarihan." pagpapalakas-loob niya sa akin.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam." nakayukong sambit ko. Binitawan niya ang aking mga kamay at hinakawan ang mga pisngi ko. Inangat niya ang aking ulo at ngumiti. Hinalikan niya ang aking ilong ng mabilis at lumayo ng konti. Ngumiti siya na talagang nagpapagwapo lalo sa kanya.

Tumawa siya ng konti. Tss, nabasa niya naman ako.

Tumitig ako sa mga mata niya. Ang ganda, nakakaakit. Hanggang sa may narinig akong tinig niya galing sa kanyang isip.

'My Amare'

Napangiti ako sa narinig ko. (Amare means Love)

"Let's go?" pag-aaya niya habang nakatayo at nilahad ang mga kamay. Tinanggap ko ito at tumayo.

"Let's go." tugon ko habang nakangiti sa kanya. Natatakot ako, pero alam kong hindi niya ako pababayaan.

Naglakad kami pabalik sa trono ni Queen para magpaalam at naabutan namin siyang pinagmamasdan ang aming paglalakad papunta sa kanya.

"Queen, babalik na po ako sa Dementia kasama si Vowel." pamamaalam ko sa kanya.

"Mag-ingat kayo." tugon niya.

"Salamat, Queen." sabi ni Vowel at sabay kaming lumuhod at yumuko. Tumayo kami agad at naghawak-kamay.

Since hindi alam ni Vowel kung paano pumunta sa amin, ako na mismo ang nagdala sa amin doon sa harap ng bahay namin.

At hindi ko inasahan ang makikita ko sa harapan ko mismo. Si Skyme, looking at me seriously. Ang lamig ng mga titig niya, hindi ako sanay.

Next chapter