Naihatid ko na sa mga room nila ang mga bata. Advicer pala nila Chaika si ma'am Clarenz kaya si Kurt nalang ang huli kong inihatid sa room niya.
Sarado ang mga room at noong buksan ni Kurt ang room nila ay naramdaman ko ang lamig ng room nila. Kaya pala sila binigyan ng jacket ni Rita kanina bago kami umalis dahil naka aircon sila.
Wala pa si Tina kaya tatawagan ko na sana siya kaso hindi ko pa pala binubuksan ang cellphone na binili ni madam Karen kahapon. Wala pala akong dala kahit bag man lang.
Bakit hindi ko man lang naisip na pwedeng mangyari tong sitwasyon na to.
"Ma'am Celeina!" biglang may tumawag sakin at alam ko ang boses na yun. Boses yun ni Tina. Tumingin ako sa kaliwa at tama nga ako. Hindi kasi duon ang daanan kung saan kami dumaan galing sa harap ng school.
Lakad takbo ang ginawa nito para lapitan ako.
"Pasensya na po kayo ma'am. Hindi po kasi ako makahanap ng pwedeng pagparkan kasi halos lahat po ng student dito ay may sasakyan lalo na ang mga college student" ani nito habang hinihingal
"Okay lang. Bakit pala parang ang layo ng pinanggalingan mo?" tanong ko dahil pawisan na rin ito
"Naku ma'am malayo kasi dito ang parking lot at nasa college department pa. Hatid sundo lang kasi ang mga bata kaya wala silang available na parking lot." paliwanag nito
"Ganun ba, kung ganun saan natin hihintayin ang mga bata?" tanong ko dahil ang tahimik ng school ng mga bata at sa di kalayuan naman ay dun ata ang school ng mga college kasi kahit na may bakod ay nakikita pa rin ang mga student na naglalakaran at ang iba ay nakaupo sa mga bench.
"Tara po ma'am. Malapit lang po dito." Ani nito kaya sumunod nalang ako
Isang minuto lang siguro ay narating na namin ang isang room kung saan may mga ilang nakauniform na mukhang naghihintay din ng mga bata.
May mga bakante pa namang upuan pero diretso pa rin si Tina sa paglalakad hanggang sa narating namin ang dulo kung saan may pintuan.
May linabas si Tina na susi at saka binuksan ito.
"Pasok na po kayo ma'am" ani nito at una akong pinapasok
Sa loob nito ay parang isang simpleng bahay kung saan may kusina at pwede kang magluto. Mayroon ding kama at sofa kung saan kaharap ang napakalaking TV. May isa pang pintuan at kung hindi ako nagkakamali ay pintuan yun ng CR.
Kompleto ang gamit dahil may maliit din na ref at snacks. Simple lang pero napakamoderno.
"Pwede namang passcode nalang ang gamitin sa pagbukas ng pintuan. Bakit susi pa ang ginamit mo?" tanong ko
"Sila madam at ang mga bata lang po kasi ang may alam. Ibinabalik din po kasi namin ang susi kay madam dahil kung napansin niyo po ay maraming tao po sa labas nito at para din po ito sa kaligtasan ng mga bata. Mga politician po kasi ng bayang ito ang family nila at nagmamay-ari ng lahat ng naglalakihang building dito kaya kailangan pong masiguro ang kaligtasan ng mga bata. Hindi po bastang mabubuksan o masisira ito dahil pinasadya po talaga para sa kanila" pagpapaliwanag nito at naiintindihan ko naman.
"Maya-maya po pala ay darating po dito ang mga bata para magmerienda. Ano pong lulutuin nating merienda nila ma'am?" tanong nito at saka pumunta sa kusina.
Hindi ko siya nasagot dahil pumunta ako sa pintuan ng CR kung saan gawa mismo sa salamin at tinignan ko ang sarili ko.
Tinignan ko ang buong ayos ko mula ulo hanggang paa tulad ng pagtingin sakin kanina ni ma'am Clarenz at wala naman akong nakikitang problema sa ayos ko.
"Tina, may mali ba sa itsura ko?" tanong ko dahil hindi ko pa rin nakakalimutan ang tingin sakin ni ma'am Clarenz.
"Po? Naku naman ma'am. Lahat nga ng nadadaanan niyo napapatingin sainyo. May mga ilang sasakyan nga din ang tumigil nang makababa kayo sa sasakyan kanina. Kung hindi lang po siguro ninyo kasama ang mga bata kanina ay linapitan na kayo. Ang ganda ganda niyo na nga ang sexy sexy niyo pa. May kapatid po ba kayong lalaki ma'am?" napakabilis na naman nitong sabi na ikinatawa ko ngunit nawala din dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya dahil naalala ko na naman kung nasaang kalagayan ako at hindi ko naman alam kung may kapatid ba ako.
"Sus, huwag mo na akong lokohin Tina. Wala, wala akong kapatid. At ano naman kung may kapatid nga ako?" nakangiti kong pagsagot. Sinabi ko nalang na hindi dahil hindi ko naman alam at baka magtanong pa ng kung ano at hindi ko pa masagot.
"Sayang naman. Sigurado po kasing napakagwapo nito kapag nagkataon. Hindi ko na din siguro kailangang makipag-agawan kay Ritang impakta" ani nito na naiinis.
"Ha? Ano naman ang kinalaman ni Rita?" natatawa kong tanong kasi halatang inis na inis ito.
"Naku ma'am malalaman mo rin. At please lang ma'am... wag kayong ngumiti at tumawa. Matotomboy na ata ako sainyo" pagmamaktol nito na ikinailing ko.
"Kung ganun ay gumawa na tayo ng merienda ng mga bata. Ano ba ang paborito nila?" tanong ko nalang at pumuntang kusina.
"Marunong po kayong magluto ma'am? Spaghetti kasi kay Chaika at Carbonara naman po kay Kurt. Ayaw po kasi nila sa luto ko" ani nito.
"Hindi ko din alam e. Pero may cooking guide ba dito? Susubukan ko" pagtatanong ko dahil feeling ko kaya ko naman basta may masusundan lang ako.
"Opo ma'am kumpleto po lalo na yung recipe na gusto ng dalawang bata" masigla nitong sabi at mabilis na pumunta sa isang drawer at binuklat ang isang makapal na guide book.
"Sige iwan mo na ako. Ako nalang dito. Tawagin nalang kita if ever na kakailanganin kita" pag-utos ko
"Sigurado po kayo ma'am? Kasi gusto ko po sanang pumunta sa canteen ng college department. Ang nanay ko po kasi ang kahera dun, gusto ko po muna siyang palitan pansamantala para makapagpahinga. Pwedeng tawagan niyo nalang po ako kung kailangan niyo po ako ma'am? Nandun po sa tabi ng landline ang lahat ng number na pwede niyo pong tawagan kung may kailangan po kayo ma'am pati na rin po number ko " pakiusap nito.
"Ai sige sige. Okay lang, pumunta ka na. Ako ng bahala dito" paniniguro ko.