webnovel

Until When

"18 years old ka na apo kaya dapat na rin sigurong lumabas ka na bilang Mcain Xen at hindi Nex. Tandaan mo apo, ikaw si Mcain Xen Peter Fetherston, at kilala ng buong mundo ang pangalan mo apo. Ang pagkatao mo nalang ang hinihintay nilang malaman" paalala ng Doña sa kaniya.

"Bakit mo ba masyadong minamaliit ang sarili mo Mcain? Alam mo bang nasayo na ang lahat." Sigunda naman ng kaniyang ate Merly

Hindi pa rin nagsasalita si Mcain at tahimik lang itong nakikinig sa kanila.

"Apo, naiintindihan ko na ayaw mo ng atensyon ng iba at gusto mong mamuhay ng mapayapa, pero hindi ito magugustohan ng mommy't daddy mo sa ginagawa mong to kung narito lamang sila. Alam mo kung gaano ka nila kamahal apo." Pagpapatuloy ng Doña na bigla nalang nagpaluha sa kaniya dahil naalala na naman niya ang pagkawala ng kaniyang mga magulang.

"Lola... masakit pa rin po. Sariwa pa rin sakin ang lahat at kahit anong pilit kong labanan ang takot ko h - --." hindi nito natapos ang sasabihin ng biglang may kumatok sa pintuan at dali-daling tumayo't mag-ayos ang ate Merly nito at pumunta sa pintuan para pagbuksan at tignan kung sino man ito pero bago niya buksan ito ay tinignan niya muna ang Doña at Mcain; saka niya tuluyang buksan ang pintuan nang makitang nakaayos na ang mga ito. Sinadya din ni Mcain na tumalikod mula sa pintuan.

Hindi pinapasok ni Merly ang kumatok kundi siya mismo ang lumabas. Walang masama sa ginawa nito dahil hindi basta-basta ang pumasok sa opisina ng Doña.

"Yes Mrs. Lina?" nagtataka nitong tanong at bumalik pa ito.

"Oh, I forgot to give this. I've heard from Doña Fetherston last time that Miss Mcain loves Pitcha Chocolate at naalala kong tito ni Carter mismo ang may-ari nito kaya sinabi kong magdala ito at ibibigay namin kay Miss Mcain. Magugustohan kaya niya yan?" Pagbibigay nito sa secretary na may pag-aalinlangan at tinanong pa niya.

Hindi kasi Patchi Chocolate ang pinakamahal na Chocolate at pinaka the best kaya nag-aalinlangan talaga si Mrs. Lina kung gusto ba talaga ito ni Mcain.

Tinignan ni Merly ang tatlong paper bag kung saan makikita niyang ito nga ang mga paborito ni Mcain na Chocolate.

"Naku Mrs. Lina, paborito po lahat ni Miss Mcain ang mga ito. Ako kasi lagi ang nagpapa-order sa mga gusto ni Miss Mcain kaya sure ako na matutuwa yun lalo na't mag-iisang buwan na rin itong hindi nakakakain nito." paniniguro ni Merly na hindi na rin magtataka ang lahat dahil alam ng lahat na ang sekretarya ng Doña ay parang kamilya ang turing nito dito kaya siguradong alam talaga nito.

"Really? Si Carter kasi ang pumili ng lahat niyan dahil yan din ang paborito nitong chocolate" manghang sagot naman ni Mrs. Lina saka ng biglang tumunog ang cellphone nito't tumatawag si Carter kaya nagpaalam na ito't nagmamadaling umalis at inangat ang tawag nito.

Pumasok na rin agad si Merly sa opisina ng Doña habang nakangisi at tinignan si Mcain na nakatutok na sa iPad nito at mukhang sersyoso sa ginagawa habang ang Doña ay naghahanda na ata sa pag-alis nila.

"Patchi Chocolate!" Masiglang bigkas nito na agad binalingan ni Mcain at ngumiti habang tinitignan ang paper bag na kung saan hawak-hawak niya habang palapit ng palapit kay Mcain.

"Nagpa-order ka ate? Thank youuu" malambing nitong pasasalamat habang inaabot na ang mga ito.

"Galing kay Carter" sagot nito na ikinatigil niya at tinignan ang ate Merly nito ng patanong 'What do you mean' look

"Joke lang, si Mrs. Lina nagbigay pero si Carter inutusan niyang magdala dahil tito niya raw mismo ang may ari ng Patchi. Nabanggit niyo daw po kay Mrs. Lina na paborito ni Miss Mcain ito" sagot nito na sinasabi na rin sa señora kung bakit nagbigay si Mrs. Lina nito

"aa, I see" ngiting sagot nito na mukhang nawala na ang kalungkutan at seryoso nitong aura kanina.

Nagkatinginan nalang ang doña at ang sekretarya/ate Merly nito na nakangiti at tila nagkaintindihan sa tingin pa lang.

"Tumayo ka na't umuwi na tayo apo" pag-utos nito sa apo na agad naman nitong ginawa at nag-ayos.

Nakasakay na sila ng elevator at madadaanan ang napakalawak na lobby nila at paniguradong sa labas ng building ay naroon na ang napakahaba nilang sasakyan na kilala sa pagkakaroon nito ng kompletong gamit. Dream car ito ni Mcain at siya mismo ang nagbigay ng disenyo ng sasakyang ito na hanggang ngayon ay malaking palaisipan pa rin ng nakararami kung ano ang itsura nito sa loob.

Pagkalabas nila ng elevator ay matatanaw na agad nila ang kanilang sasakyan pero laking gulat nila at ang daming tao sa labas ng building na kalapit lamang ng sasakyan nila.

Walong metro ang layo ng mga ito sa kanilang building. Ganito kalayo ang ginawang space sa mismong highway na kalsada mula sa kanilang building.

Dahil sa lawak nito ay mamahaling maliliit na puno ang mga nakatanim sa ilang bahagi ng kalsada at nakapalibot sa kanilang building. May mga bench at mesa din sa silong ng ilang mga malalaking puno na ginawa para sa empleyadong gustong magpahangin sa labas at gustong kumain.

Kitang-kita nila Mcain na mga reporter at puro mga babaeng may hawak ng cellphone at camera ang nag-aabang sa labas ng kanilang building at nag tutulakan pa ang iba.

Walang sinoman ang makakapasok sa building nila na walang suot-suot na ID na kailangang i-scan sa labas mismo ng building bago magbukas ang pintoan kaya hindi basta basta ang makapasok sa building nila.

Tinted glass ang bawat sulok ng building, hindi sila makikita ng nasa labas at lapitan man ng nasa labas ang glass ng building para masilip kung ano ang laman ng loob ay hindi nila ito makikita, tanging ang nasa loob lang ng building ang makakakita sa kung ano ang nasa labas ng building.

Walang ding nagbabantay na guard sa labas ng building, at nasa isang silid lamang ang lahat ng security team nila at nagbabantay ng mga CCTV.

Next chapter