Chapter 1782: Pagkawala ng Kadiliman; Ang Pagbabalik ng Hari (3)
Hindi inasahan ni Huo Mian na bigla na lang itong sasabihin ni Grandpa Su, kaya naman labis itong nagulat. "Grandpa Su…"
"Hindi mo pa ko kailangan sagutin agad, maglaro na muna tayo."
Pagkatapos nito, naupo na si Grandpa Su at sinimulang ayusin ang mga pyesa. Naupo rin si Huo Mian at inayos rin ang mga pyesa, pero tila nagugulumihan ito dahil sa mga tumatakbo sa kanyang isipan.
Dahan-dahan ginalaw ni Grandpa Su ang pyesa at sinabing, "Mian, ang sasabihin ko ay pansarili ko lang na pananaw. Hinding-hindi papayag ang mga magulang ni Yu na sabihin ko ang mga bahay na ito, ayaw nilang isipin mo na isa akong pakielamerong matanda."
"Hindi ko naman po iisipin 'yon, Grandpa Su."
สนับสนุนนักเขียนและนักแปลคนโปรดของคุณใน webnovel.com