Chapter 1740: Nagretiro Matapos Makakuha ng Pagkilala, Marangal Kahit Natalo (11)
"Hindi ko sigurado… Pero sa tingin ko hindi niya pa nahahanap si Qin Chu, dahil hindi niya ako kukulitin nang ganoon kung nahanap na niya siya."
"Ibig sabihin hinahanap pa rin niya."
"Syempre naman, hindi kasi siya matatahimik hangga't hindi siya nakakassiguong patay na si Qin Chu."
"Umaasa akong buhay pa siya…" hindi kapani-paniwalang sabi ni Su Yu; matagal na noong huli silang nagkaroon ng balita tungkol kay Qin Chu. Minsan ay makasarili niyang iniisip kung hindi na ba talaga babalik si Qin Chu. Ibig bang sabihin nito ay habang buhay na niyang maaalagaan si Huo Mian?
Support your favorite authors and translators in webnovel.com