Chapter 1698: Makita Kang Maligaya (19)
"Oo nga, ilang buwan na lang lalabas na ang mga anak naming."
Napakalumanay ni Qin Chu noong sinabi niya ito.
"Kung ganoon, kelan mo balak bumalik?" Nag-aalalang tiningnan ni Qin Ning ang kanyang pinsan.
Tumalikod si Qin Chu na mayroong mapait na ngiti sa kanyang mukha. "Sa kondisyon ko ngayon, paano ko babalik para makita siya?"
"Sa tingin ko naman wala syang pakirlam doon. Kung malalaman niyang buhay ka, siguradong magiging masaya siya."
"Pero ako may pakielam. Ako ang lalaki, ako ang asawa, at magiging ama ako ng kambal. Paano ko sila maalagaan kung ganito ako? Isa pa, hindi pa napapabagsak si Huo Siqian, hindi magakakaroon ng tahimik na buhay si Mian kung ganoon."
"Pero kung sa mananatiling ganito ang sitwasyon, hindi rin naman 'to makakabuti sa kanya. Alam kong hinihintay ka niya."
Walang sinabi si Qin Chu, pero makikita ang pagkalito sa kanyang mga mata.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com