Chapter 1612: Di Inaasahang Pagbabago Sa Mga Pangyayari (3)
"Tumayo ka!" Agad siyang pinagalitan ni Mr. Su. Nag-aalinlangang tumayo si Su Yu.
"Su Yu! Ilang taon ka na? Hindi ka na bata? Ang kapal ng mukha mong makipagbasag-ulo! Magteterenta ka na, alam mo ba iyon?" Malakas na sigaw ni Mr. Su, namumula ang mukha niya sa galit.
"May rason ako." Tatlong salita lang ang simpleng sinagot ni Su Yu.
"Ano namang maayos na rason ang pwedeng maging dahilan kung bakit mo ginawa ang kabaliwan na iyon? Anong sapat na rason ang meron ka para mambugbog ng isang tao sa harap ng media? At talagang makapangyarihang tao pa ang pinili mong bugbugin!" Sunud-sunod na tanong ni Mr. Su.
"Mahabang kwento."
"Gago ka ah! Bakit ang iikli lang ng sagot mo sa'kin?" Nanggagalaiti na si Mr. Su. Ang hahaba ng sinasabi niya pero ang iikli lang ng sagot ng anak niya sa kanya.
สนับสนุนนักเขียนและนักแปลคนโปรดของคุณใน webnovel.com