Chapter 1607: Nakasalalay Ang Buhay (8)
"Su Yu, nababaliw ka na. Nasa harap tayo ng publiko ngayon." Bulong ni Huo Siqian habang nakahiga sa sahig at nakatingin kay Su Yu.
Nakahawak ang isang kamay ni Su Yu kay Huo Siqian habang ang isang kamao naman niya ay paulit-ulit na sumusuntok sa lalaki. Bawat suntok ay mabilis at puno ng galit, hindi siya nagdadalawang isip.
"Oo, tama 'yan, gago. Gusto kitang bugbugin sa harap ng maraming tao para maalis ko ang nakakadiring maskara mo. Putang-ina mo, mas gugustuhin mo pang sirain si Huo Mian kesa makita siyang masaya." Sabi ni Su Yu habang sinusuntok ang mukha ni Huo Siqian.
Mayroong karapatan si Huo Siqian na lumaban at lalabas iyon bilang self-defense. Pero hindi niya ito ginawa. Humiga lang siya sa sahig at tinanggap ang bawat suntok ni Su Yu.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com