Chapter 1533: Ipagtatanggol Ko Magpakailanman si Mr. Qin (4)
"Hindi," sabi ni Su Yu nang mahina, bago niya dinagdag, "Hanggang mamatay ako."
Nang marinig ito ni Huo Mian, nanahimik siya.
"Huo Mian, 'wag mo hingin na kalimutan kita, ayaw kong gawin yun… Ayaw kitang makalimutan, kahit anong mangyari. Biyaya ng Diyos na nandito ka sa buhay ko kaya please, 'wag mong kunin yun sakin."
Dati, noong tinanggal ni Huo Mian ang bala mula sa dibdib ni Qin Chu, pumasok siya sa operation room nang handang mamatay.
Bago niya gawin ito, hiniling niya kay Su Yu na kalimutan siya kasama ang bullet shell na binigay ni Su Yu sa kanya.
Nakapagpapalaya ito para kay Huo Mian, pero kay Su Yu, masamang hiling ito…
Kahit ngayon, kumikirot ang puso niya habang iniisip kung ano nangyari noon.
"Mhm, hindi na. Kung gusto mo ako maalala, tandaan mo ako." Hindi na makasarili si Huo mian, kasi ngayon naiintindihan na niya ang nararamdaman ni Su Yu para sa kanya.
สนับสนุนนักเขียนและนักแปลคนโปรดของคุณใน webnovel.com