Chapter 1431: Honey, Magpakasal Tayo? (2)
"Um… madali lang ang egg-fried rice, pero gusto mo medyo overcooked?" tanong ni Qin Chu. Tumawa si Huo Mian, "Masyado bang mahirap para sayo?"
"Nope, ang goal ko ay mabigay sayo lahat ng nais mo."
Tapos, sinuot ni Qin Chu ang bathrobe niya at bumaba para magluto ng pagkain para kay Huo Mian. Nagulat lahat ng katulong sa bahay.
"Sir, kaya na namin-" Lumabas lahat ng katulong at tumayo sa isang linya.
"Hindi, okay lang, magpahinga lang kayo. Kaya ko na." Maganda ang mood ni Qin Chu, kaya mas banayad ang tono niya kumpara sa karaniwan.
Nang makita ng mga katulong ang isang lalaki na may ganoong kataas na status na nagluluto para sa asawa niya, hindi nila napigilan sabihin, "Ang galing talaga ng Young Master… pinakagwapo ang mga lalaki na kayang magluto."
"Oo nga, mahal talaga siguro ng Young Master ang asawa niya, narinig ko nag-date sila simula noong high school pa sila. Ang galing."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com