Chapter 1327: Malaking Bagay sa New Year (8)
Sa tuwing Spring Festival, maraming courier ang nasa bakasyon, bukod na lang sa mga masisipag na express delivery company.
Nagtataka si Huo Mian kung sino ang magpapadala sa kanya ng regalo sa gabi ng Chinese New Year.
Isa pa, ipinadala ito sa Sky Blessing Court; iilang tao lang ang nakakaalam kung saan nakatira ang kanyang ina.
Kapilyuhan kaya ito nina Gao Ran at Zhu Lingling?
Kinakabahang hinawakan ni Huo Mian ang kahon… Maliit na kahon lang ito na kasing laki ng kanyang palad.
Bahagya siyang nagdalawang isip pero wala siyang lakas ng loob na buksan ito.
"Anong problema?" Nilapitan siya ni Qin Chu at hinawakan ang kanyang baywang.
"Honey… pwede bang ikaw ang magbukas nito? Natatakot ako eh… pano kung gagamba pala, o ahas, o ipis.." Ayaw na ayaw ni Huo Mian ng mga ganitong klaseng biro.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com