Chapter 1270: Pagkakasundo ng Siglo (1)
- Sky Blessing Court -
Nang makarating si Huo Mian, ang kanyang ina ay katatapos lang na mag umagahan at naglilinis ng bahay.
"Mom…"
"Mian, nakabalik ka na?"
"Oo, Mom… Nasaan si Xiuping?" Si Huo Mian ay naglibot at tinanong ng maayos.
"Oh, umalis siya…" Sagot ni Yang Meirong habang naglalampaso.
"Oh? Umalis siya? Saan siya nagpunta?"
"Sabi niya nakakita siya ng trabaho na kasama na ang pagkain at titirahan at 5,000 yuan ang sahod kada buwan. NAisip ko na sobrang ganda noon, kaya hinayaan ko siya. Kaysa, manatili dito na walang ginagawa sa buong araw ay mas maganda kaysa sa nasa kulungan."
"Oh…" Tumango lang si Huo Mian at hindi na nagsabi ng kahit na ano.
"Oh, tama, nahanap ko na ang aking mga alahas, Mian."
"Nakita mo na ito? Saan?"
Alam ni Huo Mian na takot si Yang Xiuping na mapunta sa kulungan, kaya siguro ibinalik nalang niya ang mga alahas ng kanyang ina.
สนับสนุนนักเขียนและนักแปลคนโปรดของคุณใน webnovel.com