webnovel

The Qin Couple Flaunts Their Love (6)

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1095: Nagpapamalas ng Pag-ibig Ang Qin Couple (6)

"Hello?" sabi ni Huo Mian. 

"Huo Mian, nanay ito ni Qin Chu." Hindi natural ang boses niya. 

"Hi, may kailangan ba kayong sabihin sa akin?" 

"Padalos-dalos ako kaninang umaga… Nakipag-usap ako kay Old Li pagkatapos. Matagal ko na siyang kilala at alam kong hindi siya magsisinungaling. Tama ka, masyado akong nagtiwala kay Song Yishi." 

"Buti na lang at napagtanto niyo yan." marahang sagot ni Huo Mian; hindi niya gusto si Mrs. Qin pero siya pa rin ang nagbigay buhay kay Qin Chu kaya nirerespeto niya ito. 

"Sana ay hindi mo damdamin ang mga sinabi ko kaninang umaga…" sabi ni Mrs. Qin na medyo nahihiya. 

"'Wag kayong mag-alala, hindi ko dinamdam…" 

"Oh, at saka...salamat sa pagopera kay Qin Chu noong nakaraan. Na-appreciate ko talaga na hindi mo siya sinukuan sa panahong iyon… Alam kong walang namamagitan sa inyo ni Su Yu." 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter