Chapter 912: Kinuha Ang Bawat Oportunidad na Kayang Kunin (3)
Kung ito ay ibang araw, siguradong tatanggi na lang si Huo Mian at sasabihin' hindi, maraming salamat'. Gayunpaman, matapos pakalmahin ang nararamdaman buong araw, parang gusto niyang uminom na lang.
Kaya sinabi niya, "Kung iinom ako kasama ka at may kumuha nglitrato, hindi ba lalo tayong mapapahamak nito?"
"Kung hindi ka takot sa iskandalo kay Su Yu, bakit ka matatakot na makipaginuman sa akin?" Sumabog ang tawa ni Huo Siqian.
…
Matapos itong marinig, napagtanto ni Huo Mian na may punto din naman siya…
"Sige, saan mo gustong magkita?"
"Sa Old Town Bar sa may Sifang Street, hihintayin kita doon." Tapos, binaba na ni Huo Siqian ang telepono.
Tumayo si Huo Mian at sinuot ang kanyang dyaket.
"Aalis ka ba?" Nagtatakang tanong ni Yang Meirong.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com