webnovel

Ako rin ay Nakakabata mong Kapatid (8)

Editor: LiberReverieGroup

 "Hoy, anong ginagawa mo?"

"Hindi mo naman ito ibibigay sa akin kapag nagpaalam ako kaya nanakawin ko nalang," sabi ni Su Yu habang ngumunguya siya at mukha siyang di mayamang tagapagmana.

"Su Yu… ikaw ba ang gumuhit ng sa akin na parang pusa kahapon?"

"Ahem… hindi."

"Imposible." Halatang hindi naniniwala si Huo Mian sa kanya.

"Halata namang tigre ang ginuhit ko sayo, okay? Hindi mo ba nakita ang isinulat ko sa noo mo?" Tutol ni Su Yu.

Huo Mian, "..."

Nung una, akala niya ay itatanggi ni Su Yu na ginuhitan nito siya sa mukha, pero mukhang masyado lang siyang nag-iisip.

Tinama nito na tigre ang ginuhit nito sa mukha niya at hindi pusa…

"Su Yu… nababagot ka na siguro. Wala bang bagong palabas ang Imperial Star?" Masama ang loob na tinanong ni Huo Mian.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter