"Anong gawin ka diyan… sobrang pagod ako kaya matulog na tayo."
Wala ng pakialam si Huo Mian kung hindi man siya magpalit ng damit; nakahanap na kasi siya ng komportableng posisyon sa bisig ni Qin Chu at ipinikit nalang niya ang kanya mga mata…
"Mukhang maganda yan. Tsaka, masyadong maliit ang lugar na ito kaya may mga posisyon tayong hindi magagawa." Tumawa si Qin Chu.
Nakapikit ang mga mata ni Huo Mian pero itinaas pa rin niya ang kamao niya at sinuntok nang mahina si Qin Chu…
"Tigilan mo na ang pagiging bastos, Mr. Qin. Matulog na tayo..."
"Honey, kanina lang..." Nung una, gusto tanungin ni Qin Chu si Huo Mian kung nakakuha ba ito ng kahit anong impormasyon sa baba.
Pero, biglang nagbukas ang mga mata ni Huo Mian at tumingin sa kanya…
Naintindihan kaagad ni Qin Chu ang ibig niyang sabihin at kaagad iniba ang usapan, "Kanina lang ay nasa baba ka ng pagkatagal-tagal kaya namiss kita."
สนับสนุนนักเขียนและนักแปลคนโปรดของคุณใน webnovel.com