"Wala akong magagawa sa pagiging malas ko." May mapait na ngiti sa mukha ni Zhu Lingling.
Ang patakaran ay walang tulong galing sa iba ang pwede at lahat sila ay kailangan maglaro para sa mga sarili nila kaya si Zhu Lingling ang naging unang sakripisyo.
Hindi niya pwedeng hingin ang tulong ni Huo Mian kaya, ang kaya niya lang gawin ay subukan ang swerte niya. Hindi pa rin niya alam kung ang mga kalaban niya ba ay malalakas o sadyang malas lang siya.
Ang pera niya nung una na isandaang libong dolyar ay halos paubos na, at ngayon, hindi ito hihigit sa dalawampung libo.
"Ano ang kailangan ko gawin? Tulungan mo akong mag-isip kung paano makakabawi, pakiusap?" Hinawakan ni Zhu Lingling ang mga kamay ni Huo Mian.
สนับสนุนนักเขียนและนักแปลคนโปรดของคุณใน webnovel.com