webnovel

Nakakainis ang pagiging Rasyonal mo (3)

Editor: LiberReverieGroup

"Oo, nanatili kasi siya sa South Side kamakailan lang bago ako ma-promote bilang head nurse. Ako rin ang madalas nagtutusok ng IV sa kanya araw-araw, bakit mo natanong?"

Hindi nagsinungaling si Huo Mian at sinabi ito kay Qin Chu nang harap-harapan…

"Wala, nagtataka lang ako." Tumango si Qin Chu at tumalikod uli para pumasok sa trabaho.

Naligo si Huo Mian, naglagay ng eye mask at natulog.

Mga 11:20 AM, tumawag si Zhu Lingling.

"Gising na, nasa Cherry Blossom Japanese Cuisine ako sa Changqing Street."

"Okay, pupunta na ako na diyan." Tulirong tumayo si Huo Mian. Naligo siya pagkatapos at nagmaneho papunta doon.

Dumating siya ng hindi baba sa 20 minuto.

Nag-order na ng marami si Zhu Lingling at inaantay nalang siya.

Pagkatapos nila lamunin lahat, nagyaya si Zhu Lingling na mag-shopping, at masaya namang sumang-ayon si Huo Mian.

Nagulat sila nung nakasalubong nila si Lin Xuejiao sa mall.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter