Ang lalaki sa may pintuan ng pribadong kwarto ay nakasuot ng beige na sportswear na may mababang V-neck shirt. Ang kanyang mga bisig ay medyo nakatago pero halata pa rin ito sa ilalim ng tela kaya naman mukha itong sexy.
Bilang tagahanga ng mga luxury goods, napansin kaagad ni Zhu Lingling ang brand ng suot niya; isa ito sa mga pinakamakataas na luxury brands, ang Valentino.
Ang kanyang suot ay isang limited edition na nagkakahalaga ng hindi baba ng isandaang thousand yuan…
Nagulat si Zhu Lingling…
Kung ikukumpara sa boyfriend niya, ang suot lang ni Deng Kai ay Armani. Ito ay nagkakahalaga lang ng ilang libo at nakaawa.
Pagkatapos, ang tingin ni Zhu Lingling ay napunta sa mukha ni Su Yu; tama lang ang laki ng mga mata nito, may nakapaaloob na double eyelids at maayos na itsura.
Hindi niya mapigilang tumitig sa mga pulang labi nito at mapuputing ngipin; ito ba ang maalamat at gwapong si Su Yu na kilala sa pagiging mainitin ang ulo.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com