Sa napakahalagang sandali, tumunog ang phone ni Huo Mian. Ito ay hindi tamang oras…
Tumigil sa paggalaw si Qin Chu…
"Uh… may tawag ako," naiilang na sinabi ni Huo Mian.
Bahagyang napabuntong hininga si Qin Chu at ipinasa ang phone na nakalapag sa coffee table.
Ito ay galing kay Jing Zhixin…
"Zhixin?"
"Ate, nakauwi ka na?
"
"Mhm, oo. Kamusta?"
"Wala lang, gusto ko lang sabihin sayo na huwag kang mag-alala. Hindi ko sasabihin kay mama. Kahit pa hindi mo ito sabihin sakin, mahuhulaan ko pa rin ito. Pagkatapos mo kasi makipaghiwalay kay Ning Zhiyuan, tinawagan ako nito ng dalawang beses at pakiramdam ko, ito ay dahil kay Qin Chu, at mas lalo akong naging sigurado nung binigyan ako ng kotse ng kumpanya niya."
"Patawad, Zhixin. Hindi ko talaga gustong itago ito sayo."
สนับสนุนนักเขียนและนักแปลคนโปรดของคุณใน webnovel.com