Ang mga kamay ni Huo Zhenghai ay nanginig ng kaunti, at napabuntong hininga at sinadyang sabihin, "Matanda na ako ngayon, at wala ng pakinabang. Namiss ko nga yung bata na iyon, si Huo Mian."
"Oo, nakita ko nga na mabait siya noong lamay ni Lola," nakangiting sabi ni Huo Siqian.
"Pero mukhang hindi ako kayang patawarin ng batang iyon, kahit ano pa ang gawin ko. Hindi ko nga alam kung maririnig kong tawagin niya akong 'papa' bago ako mamatay." Mukhang emosyonal si Huo Zhenghai.
Inilahad ni Huo Siqian ang kanyang kamay at tinapik ang likod ng palad ni Huo Zhenghai habang pinapagaan niya ang loob nito, "Gagawin niya iyon, dad, huwag kang mag-alala. Hindi ganun katigas ang puso ni Huo Mian, babalik din siya, pinapangako ko."
"Kilala mo ba… si Huo Mian ng sobra at pribado?" Pag-uusisa ni Huo Zhenghai.
สนับสนุนนักเขียนและนักแปลคนโปรดของคุณใน webnovel.com