"Um, sa tingin ko hindi iyan mabuting ideya." Tumalikod si Huo Mian, awkward ang expression niya. Paano niya malalaman na pwede siyang may madatnan na ganito… sa isang ospital?!
Tumingin si Su Yu sa magandanag babae na nasa tabi niya. "Umalis ka rito."
"Young Master Su..." mukhang ayaw pa nito umalis.
"Tama na, umalis ka na rito sabi."
Habang may mga luha sa kanyang mata, ang magandang babae ay walang ibang pamimilian kung hindi suotin ang damit niya at umalis. Habang padaan siya kay Huo Mian, galit siyang tumingin dito.
Mukhang sinisisi niya si Huo Mian sa pagsira ng sandali nila…
Tiningnan ni Huo Mian ang babae at sinabi sa sarili niya, "Hm, mukha siyang pamilyar. Hindi ba siya yung host sa travel channel? Sa tingin ko ito yung 8 PM na palabas na 'Paglalakad sa Buong Mundo'."
"Namatay na ba yung mga bodyguards sa labas? Bakit ka nila hinayaang makapasok?" Tanong ni Su Yu.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com