Kung hindi pa bumaba si Qin Chu sa kotse, hindi pa siya makikilala ni Huo Mian. Nakangiti ito na parang isang tanga at sinabi ng malakas, "Hoy, ikaw pala yan! Bakit ka nandito?"
Madilim ang expression ni Qin Chu, pero nanahimik lang siya. Binuhat niya si Huo Mian at ibinaba sa may passenger seat. Pagkatapos magsuot ng seat belt, umalis na ang dalawa.
Halos 10 PM na natapos ni Qin Chu ang mga gawain niya at kailangan niya rin dumaan sa mansyon ng pamilya niya.
Interesado ang tatay niya sa pamumuhunan sa isang 5-bilyong-yuan na project, kaya inutusan niya si Qin Chu na pumunta at pag-usapan ito.
Sa huli, magkaiba ang opinyon nila magtatay at ang pag-uusap nila ay naging nakakabagot. Tinawagan din kaagad ni Qin Chu si Huo Mian pagkaalis niya.
Sa mga oras na yun, pumunta si Huo Mian sa banyo, kaya si Huang Yue ang nakasagot ng tawag.
Nakainom din ng marami si Huang Yue, kaya sinabi niya kaagad ang address ng karaoke place na pinuntahan nila.
สนับสนุนนักเขียนและนักแปลคนโปรดของคุณใน webnovel.com