webnovel

Gagawin Ko Ang Gusto Ko

Editor: LiberReverieGroup

"Andiyan ka ba?"

"Andito ako," nakasagot agad si Qin Chu sa loob ng ilang segundo.

"Narinig ko… na ang mga empleyado ng kumpanya mo ay night shifts lahat para sa susunod na linggo."

"Oo."

"Bakit?"

"Dahil maganda ang night shifts." Sobrang nakakasuspetsya ang sagot ni Qin Chu.

Anong klaseng sagot iyan? Sigurado si Huo Mian na ang biglaang night shifts sa GK ay may kinalaman sa kanya.

Hindi dahil feelingera siya, sobrang nagkataon lang kasi na kung kailan siya nagka-night shift, ganun rin ang lahat sa GK.

"Aalis ako sa trabaho ng 8 AM bukas ng umaga."

"Pagkakataon nga naman, aalis rin ako sa trabaho ng alas otso bukas," sagot ni Qin Chu.

Sa sobrang galit ni Huo Mian, hindi niya alam kong maiiyak siya o tatawa…

Pagkakataon, anong pagkakataon ito? Kitang-kita na sinusunod nito ang pasok niya sa trabaho, okay?

"Uuwi ka ba pagkatapos mo magtrabaho hanggang bukas ng umaga?"

"Oo."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter