Chapter 109: Kahihiyan
"Oo," tumango si Huo Mian.
"Nakakahiya, mukhang walang nangyayari sa buhay mo. Ako na ang gusto ni Zhiyuan ngayon. Sabi niya nag-aalinlangan pa nga daw siyang lumabas kasama ka dahil walang hiya mo siyang niligawan sa loob ng ilang taon. Wala ngang nangyari sa inyo, tama? Sabi pa niya, wala siyang kahit anong pagnanais na hawakan ka kapag nakikita niya yung mukha mo."
Ngumiti nang may respeto si Huo Mian.
"Anong nginingiti mo?" naiiritang tanong ni Wu Xiaoxue.
"Iyan ba ang sinabi niya sa'yo?" tanong ni Huo Mian.
"Hindi ba totoo?"
"Oo , lahat ng sinabi niya ay totoo," masyadong tinatamad na si Huo Mian para magpaliwanag.
"Tingnan mo, sabi na nga ba, isa kang babaeng may pangit na pag-uugali. Kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi tinitingnan maigi ng ospital ni Uncle ang mga ugali ng mga tao bago sila tanggapin. Nakakairita na kung sinu-sino nalang ang tinatanggap nila. "
สนับสนุนนักเขียนและนักแปลคนโปรดของคุณใน webnovel.com