webnovel

Pagpaplano

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 78: Pagpaplano

"Brooo, anong ginagawa mo sa gitna ng gabi?" medyo hindi pa gising si Gao Ran sa kabilang linya.

"Yun lang naman. Ang gusto ko lang ay makuha lahat ng impormasyon bukas ng umaga," hindi na hinintay ni Qin Chu ang sagot ni Gao Ran at ito'y ibinaba.

- Kinabukasan -

Pagkagising ni Huo Mian, nagulat siya na nasa bahay pa rin si Qin Chu. Sa pagkakatanda niya, lagi itong umaalis bago magseven.

Napaiwas siya ng tingin dahil sa awkwardness, bihira niya lang kasi ito makita sa maaga.

Lalo na hindi pa nakakapaghilamos si Huo Mian at magulo rin ang buhok nito.

"Wala ka pa rin sa trabaho?"

"Mhm, wala naman masyado gagawin ngayon," umupo si Qin Chu sa dining table at nagbasa ng dyaryo tungkol sa economics.

Sa la mesa ay may dalawang nakahain na breakfast…

Mga Western na luto na naman…

Sa totoo lang, nagsasawa na si Huo Mian sa Western na pagkain…

Pero ginawa naman niya ito ng may magandang intensyon, at kung hindi niya kakainin ito, magmumukha siyang walang puso.

"Ikaw… mukhang mahilig ka sa Western-style na agahan?" tanong ni Huo Mian.

Inilapag ni Qin Chu ang dyaryo, tumingin sa kanya at sumagot, "Hindi ko alam kung paano gumawa ng Chinese food."

Walang masabi si Huo Mian…

Kaya hindi na nakapagtaka kung bakit laging Western-style ang kanilang agahan, at spaghetti at steak naman para sa gabi; Wala pala siyang kaalam-alam sa paggawa ng Chinese food.

"Ahem, ako na ang magluluto simula ngayon."

"Huwag na, maghahanap nalang ako ng maid."

"Maayos naman ang mga niluluto kong pagkain, magtiwala ka," paninigurado ni Huo Mian.

"Hindi kita pinakasalan para lang magluto ka at hindi kailangan ng asawa ko gawin ang lahat, basta gawin mo ang ikakasiya mo."

"Uh…" busto sabihin ni Huo Mian kay Qin Chu na pag pinagpatuloy niya ito, magiging spoiled siya at mapagmataas. Pero, mukhang hindi maganda sabihin ang mga bagay na ito dahil kakaiba rin ang relasyon nila sa isa't isa.

"Gumagaling na ba ang sugat mo?"

"Mhm."

"Tandaan mo, lagi dapat yan tuyo."

"Mhm," tumango si Qin Chu.

"Tapos na ako, maghahanda na ako para sa trabaho."

"Ihahatid na kita."

Nagpatagal si Huo Mian ng twenty minutes pero paglabas niya, nag-aantay pa rin si Qin Chu.

Hinatid niya si Huo Mian sa ospital gamit ang kanyang simpleng Volkswagen CC bago pumunta sa GK headquarters.

Rush hour ng mga oras na yun at nakita ng madaming empleyado na ang boss nila ay nagmamaneho ng Volkswagen CC.

Nung una, akala nila kay Assistant Yang ang kotse, pero napa-nganga sila ng lumabas ang boss nila mula rito.

May mahinang nagsabi, "Anong klaseng fashion trend ang pinapa-uso ng ating president? Kung tama ang nakikita ng mata ko, iyan ay isang Volkswagen CC, hindi isang pangmayamang luxury car.

May sumagot pang isa, "Siguro may plano ang president na makipagtulungan sa Volkswagen. Magsisimula ba tayong gumawa ng mga kotse ulit?"

"Sa tingin ko hindi. Siguro, sadyang sawa na ang president sa mga mamahaling sasakyan at gusto sumubok ng bago. Sa tingin ko, iyon yun."

"O baka naman gusto ng president ibigay ang kotse sa isang department bilang bonus?"

Patuloy na nagbulungan ang mga empleyado habang si Qin Chu ay tumuloy lang sa kanyang araw…

-Sa loob ng opisina ng president -

Binabasa ni Qin Chu ang mga dokyumento nang tumawag si Gao Ran.

"May nahanap ka bang kahit ano?" tanong niya.

Syempre, ang bro mo ang captain ng Criminal Police Squad, at hindi ako sineswelduhan para sa wala. Nahanap ko na, at sa dami ng nalaman ko ay nakakatakot na ito. Muntikan na may banggain ang kotse kagabi, at pagkakita ko; ikaw at si Huo Mian yun, tama?"

Tanong ni Gao Ran nakikiusisa…

"Diretsuhin mo na, saan galing ang kotse at sino ang may-ari nito?"

"Ang may-ari ng kotse ay si Wu Shikai, may-ari ng Hongtai Logistics Company, pero wala siya city ngayon. Ang driver naman kahapon ay isa sa mga empleyado niya, si Wang Li, 32 years old, hindi kasal, lasinggero, may criminal history ng pagnanakaw, at mukhang masamang tao, kung titingnan mo lahat. Hindi ko alam bakit siya nasa harap ng ospital kagabi, baka lasing lang siya," pagsusuri ni Gao Ran.

"Imposible, hindi siya lasing, planado ito. Andoon siya para patayin si Huo Mian."

"Bakit niya papatayin si Huo Mian?" ikinagulat ito ni Gao ran, paano nagawa ng isang babaeng katulad ni Huo Mian ang magkaroon ng taong may malaking galit sa kanya para magplano ng pagpatay sa kanya?

"Ako na ang bahala mag-imbestiga sa iba pang bagay. Usap tayo mamaya," pagkatapos magsalita, ibinaba ni Qin Chu ang tawag.

"President Qin, ang meeting ay magsisimula na sa loob ng sampung minuto," paalala sa kanya ni Assistant Yang.

"I-cancel ang meeting, may kailangan akong gawing importante. Wala akong kikitain na kahit sino man ngayong umaga o pipirmahan na kahit anong dokyumento."

"Yes sir," dahil alam na niya ang ugali ng president, mabilis na ipinaalam ito ni Yang sa iba pang staff.

Kimuha ulit ni Qin Chu ang kanyang phone, at nag-alinlangan ng ilang sandali bago tawagan ang numero.

"Rick, kailangan ko ng tulong mo. Pumunta ka sa GK Headquarters sa loob ng isang oras," pagkababa, naglakad si Qin chu papunta sa French windows sa kanyang opisina, tinitingnan ang trapik sa labas ng walang emosyon…

May nagtangkang saktan si Huo Mian; wala na siguro sila sa tamang pag-iisip.

Next chapter