Chapter 76: Alaala
Pagkatapos ng ilang sandali, sumagot si Qin Chu ng mabagal, "Ang alam ko lang, sa seven years na magkahiwalay tayo, yun ang pinakamalaking pagkakamali ko sa buhay ko."
Ang mga salitang binitawan niya ay tumagos sa puso ni Huo Mian at pakiramdam niya, may unti-unting nadudurog sa loob niya.
Hindi niya alam kung ano ito; siguro ito yung harang na nakapalibot sa kanyang puso…
Pagkatapos, parehas silang naging tahimik sa buong biyahe…
Ang oras ay 9:20 PM nang makabalik sila sa Imperial Park.
Tinulungan ni Qin Chu si Huo Mian ilabas ang first-aid kit galing sa cabinet sa living room.
Pagkatapos, umupo sila sa sofa at dahan-dahan ginamot ni Huo Mian ang mga sugat ni Qin Chu.
Hindi lang sa kamay nagkasugat si Qin Chu, pati rin ang mga tuhod ay may sugat din; ang dugo ay nagmantsa sa kanyang mamahaling pantalon.
"Tapos na. Huwag mong hahayaang mabasa ito sa loob ng dalawang araw. Tingnan mo ito maigi habang naliligo ka," paalala ni Huo Mian sa kanya.
"Naintindihan ko."
"At… hubarin mo iyang pantalon mo. Ako na ang maglalaba para sayo."
"Okay lang. Pwede naman ito ma-dry clean."
"Sige, magpahinga ka na. Medyo pagod na rin ako at gusto ko na ring matulog ngayon," sabi ni Huo Mian habang paakyat siya.
"Mian, medyo nagugutom ako," napatigil si Huo Mian sa mga salita ni Qin Chu.
"Anong gusto mo kainin?"
"Kahit ano," tumingin si Qin Chu sa kanyang mga mata.
Ayaw makipagtitigan ni Huo Mian kay Qin Chu. Iniwas niya ang kanyang tingin at naglakad papunta sa ref.
Binuksan niya ito at nakitang puno ito ng mga gulay at prutas. Mukhang nakahanda na ito ng maaga.
Inilabas ni Huo Mian ng ilang egg noodles at madaming lettuce. Pagkatapos, siya ay naglakad papunta sa kusina.
- Pagkatapos ng twenty minutes -
Dala na niya ang isang mainit na mangkok ng egg noodles na may halong lettuce palabas ng kusina at inilapag ito sa coffee table.
"Kainin mo na habang mainit pa."
"Hindi ka kakain?"
"Kumain na ako habang nasa shift pa ako. Kaya hindi na ako gutom," pagkatapos, tumalikod si Huo Mian at umakyat pataas.
Naka-upo si Qin Chu sa sofa, kinuha ang chopsticks, at dahan-dahang kinain ang noodles.
Ang mga alaala ay nagsimulang bumalik sa kanyang isip…
"Qin Chu, yung noodles ng tindahan na ito ay hindi masarap. Saan sila nakakuha ng lakas ng loob na presyuhan ang nakakasuka nilang noodles ng 15 yuan? Nakakaloka. Sa susunod, ako nalang gagawa para sayo. Kaya kong magluto ng masarap na noodles."
"Talaga? Kapag isang araw nawalan tayo ng trabaho, magbukas ka nalang ng noodle restaurant para tustusan ako."
"Sa tingin mo ba hahayaan kong magpakasal ako sa isang lalaki na umaasa lang sa asawa niya?"
"Kung ako magiging asawa mo, wala akong pake kahit umasa pa ko sa asawa kong babae."
Ang dami nilang nagawang magagandang alaala seven years ago…
Madaming street foods sa likod ng school nila. Mahilig si Qin Chu sa noodles, kaya naman si Huo Mian ay lagi siyang sinasamahan.
Madami silang binisitang tindahan pero walang masarap. Kaya nila napag-usapan ito.
Dati, akala ni Qin Chu, lagi silang magkakasama ni Huo Mian, kaya akala niya maraming beses niya makakain ang gawa niyang noodles.
Hindi niya alam na kailangan niya pala mag-antay ng seven years para lang mangyari ito.
Walang puso ang oras. May mga magagandang bagay talaga na kaya lang natin mapanatili sa isang alaala.
Kahit ibinuwis niya ang buhay niya ngayong gabi para sa kanya, malayo pa rin ang loob nito sa kanya. Alam niya rin kung ano ang iniisip niya.
Nakikita niya ang gulo, pagkabagabag, pangongonsensya at takot sa puso niya.
Pero, kaya niya isakripisyo ang lahat basta lang makasama siya. Ang hiling lang naman niya ay napakasimple: basta nasa maayos na kalagayan si Huo Mian lagi.
Natapos na ang kanyang pagbabalik-tanaw. Kaya sinimulan nang lunukin ni Qin Chu nang mabilis ang noodles at inubos ang sabaw.
Hindi niya matandaan ang lasa ng noodles, pero alam niya na ito ang pinakamasarap na noodles sa buong mundo.
Dahil, si Huo Mian ang nagluto…
- Sa kwarto sa itaas -
Nakahiga si Huo Mian sa kanyang kama, pagod ang katawan at isip nito. Nasaktan si Qin Chu dahil sa kanya, hindi sa wala siya puso at hindi pinansin ang nangyari. Sadyang, kapag naaalala niya ang mga salita ng nanay niya, nagsisimula siyang maguluhan.
Ding~
Nakatanggap siya ng WeChat message…
Kinuha ni Huo Mian ang kanyang phone. Katulad nga ng inaasahan, galing ito kay Zhu Lingling.
Kamakailan, nasa may east coast route ito at hindi pa nakakabalik sa C City. At sa totoo lang, hindi sanay si Huo Mian sa katahimikan kapag walang sobrang daming messages galing kay Zhu Lingling.
"Mian, nakabalik na ako. Lumabas ka na at mag-inuman tayo. Sa mga nagdaang araw, para akong aso na nagtatrabaho."
Ngumiti si Huo Mian at sumagot, "Ayoko, walang asong napapagod."
"..." walang masabi si Zhu Lingling.
Pagkatapos, nagsend ulit ng isa pang maikling message si Huo Mian.
"Lingling, kinasal na ako."
Pagkakita sa apat na salita, ang gulat na si Zhu Lingling ay napatayo mula sa kanyang kama.