Si Xu Jiamu mismo ang namili ng picture na ilalagay sa puntod ng mama niya.
Kuha ito noong honeymoon nito at ng papa niya.
Sa picture, sobrang ganda ng ngiti ng mama niya… Masaya at punong puno
ng buhay.
Sa buong buhay niya, wala siyang natatandaan na nakita niyang ngumiti ang
mama niya ng ganun kaganda, dahil ang lagi niya lang nakikita ay ang ngiti ng
isang ina na punong puno ng pagaalala. Hindi siya martyr… Alam niyang kahit
nakikita niyang masaya ang mama at papa niya, ang lahat ng yun ay
pagpapapanggap lamang dahil ang totoo ay matagal ng sira ang relasyon ng
mga ito.
Noong natanggap niya ang tawag ng pulis na nagbalita sakanyang
nagpakamatay ang mama niya, gustong gusto niyang mahimatay. Hindi niya
alam kung anong gagawin niya kaya habang nagmamaneho siya, paulit-ulit
niyang inisip ang pinagusapan nila kagabi. Sinabi niya na hihintayin niya itong
makalabas…. Bakit naman nito naisipang magpakamatay?
Ngunit sa kabila ng lahat ng 'bakit', maging siya ay hindi ay hindi
makapaniwala na sobrang kumalma siya noong oras na makita niya ang abo
ng mama niya.
Alam niyang napatawad na siya ng mama niya, pero siguro ayaw na talaga
nitong mabuhay.
Tandang tanda niya na sinabi nito sakanya, "Jiamu, alagaan mo ang sarili
mo." Siguro, dun nagdesisyon ang mama niya.
Siguro noong sandaling 'yun, narealize na nito ang mga nagawa nito at
nagsisi na ito para sa mga nangyari… Pero masyado ng huli ang lahat para
magumpisa ulit…. Masyado itong nilamon ng galit kaya noong sandaling
kinatok na ito ng konsensya, baka natakot ito ng sobra kaya mas pinili nalang
nitong tapusin ang lahat.
Siguro naisip nito na kamatay nalang ang solusyon para matapos ang lahat.
At ngayon, malaya na ito… sa mga bakal na rehas at higit sa lahat, sa galit…
Bilang anak, naiintindihan ni Xu Jiamu kung bakit para kay Han Ruchu ay mas
mabuti nalang na mamatay ito kaysa habang buhay na magdusa.
Noong nabubuhay ito, galit at poot ang sumakop sa puso nito, kaya bandang
huli, kinontrol na siya nito at naging demonyo.
Sinigurado ni Xu Jiamu na mabilis ang proseso, para na rin tuluyan ng
makapagpahinga ang mama niya. Sa loob ng ilang araw, pinilit niyang
magpakatatag, pero noong sandaling mailibing na ito, hindi niya na kinaya…
Lumuhod siya sa harapan ng puntod nito, at walang tigil na umiyak.
Sa kabila ng mga nagawa nitong masama, mama niya pa rin ito. Ang taong
nagpakahirap na ipagbuntis siya ng siyam na buwan, at ang taong walang
ginawa kundi magtrabaho ng magtrabaho para lang maibigay sakanya ang
lahat.
Sa buong buhay ng mama niya, kahit na naging plastik at mata pobre ito sa
iba, hindi niya itatanggi na pagdating sakanya, sobrang totoo ng pagmamahal
na ibinibigay nito.
Alas sinco na ng umaga noong nakaalis sa sementeryo sina Xu Jiamu at Song
Xiangsi . Hindi pa sumisikat ang araw at may mahinang ambon din.
Ngayong kapapasok lang ng tagsibol, sobrang lamig ng hangin sa labas kaya
hinubad ni Xu Jiamu ang suot niyang jacket para isuot kay Song Xiangsi, at
hinawakan ang kamay nito para alalaya habang bumaba sa basang hagdan.
Hindi pa rin sila naguusap, pero tulad ng nararamdaman ng isa't-isa, pareho
silang panatag. Minsan, lamang pa rin talaga ang taong handang makiramay
ng walang tanong tanong, kumpara sa kahit anong salita.
Medyo malayo ang sementeryong pinanggalingan nila, kaya alas onse na ng
umaga nang makauwi sila. Habang naliligo si Xu Jiamu, bumaba muna si Song
Xiangsi para bumili ng umagahan nila.
Pagkabalik niya, hinanda niya kaagad ang lamesa. Pumunta siya sa kusina
para kumuha ng mga plato, pero noong ilalapag niya na ang mga ito, bigla
namang nagbukas ang pintuan ng kwarto at lumabas si Xu Jiamu, hawak ang
kanyang phone, ng tumutulo pa ang buhok. "Phone mo."
Paulit-ulit itong nagring.
Kaya dali-dali niya itong kinuha kay Xu Jiamu para sagutin ang tawag.
"Xiangsi, anong oras ka pupunta sa ospital?"
Nang marinig niya ang tanong na ito, bigla siyang napatingin kay Xu Jiamu, na
kasalukuyang nagpapatuyo ng buhok gamit ang twalya. "Medyo marami pa
akong ginagawa, okay lang ba kung tawagan nalang kita sa susunod na
araw?"