Alam ni Qiao Anhao na ang mga susunod na mangyayari ay nangyari na noong birthday ni Lu Jinnian kaya sa sobrang pagaalala ay bigla niyang nakagat ang kanyang dila.
Habang tumatagal, mas lalo pang naging malambing at malalim ang pagtitig sakanya ni Lu Jinnian. Hindi nagtagal, dahan-dahan nitong itinaas ang kamay para haplusin ang kanyang mukha at bahagyang yumuko para halikan ang kanyang mga labi.
Masyadong mabilis ang naging pagkilos ni Lu Jinnian at narealize nalang ni Qiao Anhao ang nangyari noong naramdaman niyang basa at namamanhid ang kanyang mga labi. Nanginig ang mga pilikmata niya at napahawak ng mahigpit sa kwelyo ni Lu Jinnian. Nang ipinikit niya ang kanyang mga mata, naramdaman niyang pumasok ang dila nito sakanyang bibig kaya lalo pa siyang nang'init.
Malalim na ang gabi at nakasindi pa rin ang mga kandila. Hindi pa naisasara ang mga bintana kaya noong umihip ang malamig na hangin ay lumipad ang mga lobo na nasa balcony na nagbigay sakanila ng sariwang hangin.
Parang tumigil ang mundo at ang tanging maririnig lang noong mga oras na iyon ang kanilang mga hayok na hayok na paghinga, ang mabibilis na tibok ng kanilang mga puso at ang mahihina nilang pag'ungol.
Ang kamay na ginamit ni Qiao Anhao para hawakan ang kwelyo ni Lu Jinnian ay unti-unting namanhid at nabasa ng pawis.
Habang palalim ng palalim ang kanilang mga halik, lalo pa nilang nararamdaman ang pagkasabik kayo lalo pang naglapit ang kanilang mga katawan.
Hinawakan ni Lu Jinnian ang batok ni Qiao Anhao upang lalo niya pang madiinan ang kanyang halik dito, habang ang isang kamay niya naman ay ginamit niya pangkapa ng zipper ng dress ni Qiao Anhao.
Masyadong kumplikado ang zipper ng dress ni Qiao Anhao kaya kahit anong gawin ni Lu Jinnian ay hindi niya pa rin mahanap ito. Nawawalan na siya ng pasensya kaya hinatak niya nalang ito pataas. Medyo nagulat si Qiao Anhao sa gianwa niya kaya bigla itong napaatras na nagpatumba sa dalawang kandila.
Gumulong ang babasaging lalagyan ng kandila kaya bigla silang nahimasmasan sa ingay na nagawa nito. Pinilit ni Lu Jinnian na lumayo kay Qiao Anhao, at para siyang pagod na pagod dahil hinihingal siya.
Muntik na niyang makalimutan na wala pang isang buwan noong nakunan si Qiao Anhao, at hindi kakayanin ng katawan nito kung sakaling may mangyari sakanila.
Ilang beses siyang huminga ng malalim bago siya muling yumuko para halikan ang mga labi ni Qiao Anhao sa huling pagkakataon. Pinilit niyang pigilin ang kanyang nagbabagang damdamin bago siya muling nagsalita ng may medyo paos na boses, "Gusto mo bang kumain ng cake?"
Kanina lang grabe sila maghalikan tapos ngayon tinatanong siya nito kung gusto niya bang kumain ng cake? Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, wala pang napoproseso ang utak ni Qiao Anhao kaya bigla lang siyang natulala pero hindi nagtagal ay umiling siya.
"Sasabihan ko si Madam Chen na ilagay nalang muna ito sa fridge para makakain ka bukas." Mahinang sabi ni Lu Jinnian na sa sobrang hina ay parang umuungol lang siya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at saka lumayo kay Qiao Anhao. Tinignan niya pa ito ng ilang sadlit bago niya ayusin ang damit nito at sinabihang maligo.
Kanina lang, nagbabaga ang damdamin ni Lu Jinnian pero kinailangan niya itong ihinto; Hindi lang nabitin si Lu Jinnian, naiinis rin siya. Labag din kay Qiao Anhao ang nangyari pero kailangan niyang panghawakan ang kanyang dignidad. Ayaw din naman niyang pilitin si Lu Jinnian na ipagpatuloy ang inumpisahan nila…kaya kahit ayaw niya ay tumalikod nalang siya at pinilit ang kanyang sarili na maglakad papunta sa CR.