webnovel

Suspected Love (2)

Editor: LiberReverieGroup

Iniabot ni Lu Jinnian ang susi kay Qiao Anhao, hinintay niya muna itong makaalis bago siya pumasok.

Wala siyang kamalay-malay, na sa hindi kalayuan ay may isang taong palang nakakita ng lahat.

Hindi papasok ng isang lingo si Qiao Anxia. Gusto niya kasi sanang magbakasyon sa Maldives, pero ang boyfriend niya na si Cheng Yang ay abala sa pagfifilm. Malungkot at naiinis siya habang kausap ito sa phone, pero sinuggest ng boyfriend niya na kung gusto niyang dalawin na lang ito sa set.

Mukhang nakakaboring magbakasyon ng mag-isa pero kapag nagstay naman siya sa city parang hindi naman yun bakasyon, kaya pumayag na rin siya.

Sakto, may kailangang pirmahan si Chen Yang noong hapon na yun sa Huan Ying Entertainment kaya dinaanan niya si Qiao Anxia para isinama ito. Sa underground parking sa ilalim ng Yuan Entertainment nagpark si Chen Yang. Pagkahinto ng sasakyan, tumingin si Qiao Anxia sa driver seat at biglang niyakap si Cheng Yang sa leeg nito para bigyan ito ng isang matinding halik.

Niyakap ni Chen Yang ang bewang ni Qiao Anxia gamit ang isang kamay habang ang isang kamay naman niya ay pinapatay ang makina ng sasakyan. Noong itutulak na sana siya ni Qiao Anxia, mas hinigpitan niya ang kanyang yakap at hinalikan ito ng mas madiin.

Halos tatlong minuto rin silang naghahalikan. Pagkatapos ay ngumiti si Cheng Yang, huminga ng malalim at sinabing, "There there, isa pa at hindi na kita papalabas ng sasakyan."

Inilabas ni Qiao Anxia ang dila niya at hinalikan ang buong mukha ni Cheng Yang bago niya ito tuluyang bitawan. Tumingin siya sa rear view mirror para mag-ayos ng medyo nagusot niyang buhok at magretouch ng kanyang lipstick nang may isang pamilyar na pulang Porsche siyang nakita.

Ang sasakyan yun ay limited edition, nag-iisa lang ito sa buong mundo.

Sinandya itong kunin ng tatay niya para sa twenty fourth birthday ni Qiao Anhao.

Agad na napalingon si Qiao Anxia at hinintay na makababa si Qiao Anhao. Tatawagin niya sana ito pero biglang bumaba si Lu Jinnian galing sa driver's seat.

Nagulat si Qiao Anxia na si "Qiao Anhao" ay papalabas, bigla siyang nagsuspetsya. Tapos, naglakad si Qiao Anhao papunta kay Lu Jinnian. Mukhang nag-uusap ang dalawa habang kinukuha ni Qiao Anhao ang susi kay Lu Jinnian. Hindi nagtagal, pumasok na ulit ito sa sasakyan at umalis.

Hindi agad umalis si Lu Jinnian at nakatingin lamang sa direksyong ng dinaan ni Qiao Anhao. Nakangiti ito at dahan dahang naglakad papunta sa elevator.

May sasakyan si Lu Jinnian, so bakit siya ihahatid ni Qiao Anhao dito?

Naalala ni Qiao Anxia na hindi magkasundo ang dalawa…. Kailan sila naging sobrang close?

Nagbago ang itsura niya at nag-isip ng malalim.

Tinawag ni Cheng Yang si Qiao Anxia na nakatulala sa rear mirror, "XiaXia, Xia,Xia?" Noong hindi ito umimik, tinapik niya ito sa ulo ng mahina.

Nagulat si Qiao Anxia at napatingin kay Cheng Yang.

"Huh?".

Dahan-dahang sumagot si Cheng Yang, "Hey, tama na ang pag-iisip, tara na."

Tumungo si Qiao Anxia at agad siyang naglagay ng lipstick bago bumaba.

"Bakit ka biglang napatulala?" Kinuha ni Cheng Yang ang kamay ni Qiao Anxia para gamiting pampindot sa elevator.

Bumalik na si Qiao Anxia sa kanyang wisyo noong mga oras na iyon. Umiling siya at sinabing, "Wala naman.

Next chapter