"Ano ang iyong iniisip?"
"Hindi ka talaga nag iingat sa akin," wika ni Gu Qingli habang inaangat ang braso ni Mo Ziyan. "Ngunit, gusto kitang kainin ngayong gabi."
Si Mo Ziyan ay nagulantang. Bigla niyang naramdaman na tila isa siyang tupa na pinadala sa bunganga ng isang lobo habang sumasagot, "Brother Four, wala pa akong karanasan!"
"Ako rin," natural na sagot ni Gu Qingli.
"Noong nakaraan..."
"Kailanman ay hindi ako nagkarelasyon," matapat na sagot ni Gu Qingli. "Walang isa man ang nagagawang makapagpapatibok sa puso ko ng napakabilis at walang sino man ang nakagugulo ng aking isip na katulad mo. Kaya, Mo Ziyan, sa totoo lang ikaw ay talagang kakaiba..."
Dahan dahang namula ang mukha ni Mo Ziyan bago niya pinaalala kay Gu Qingli, "Bakit hindi ka muna maligo?"
"Maligo tayo ng magkasabay." Pagkaraang sabihin ito, kinarga ni Gu Qingli si Mo Ziyan pabalik sa banyo at nilagay siya sa vanity.
สนับสนุนนักเขียนและนักแปลคนโปรดของคุณใน webnovel.com