Natigilan si Mo Ting sa kanyang reaksyon, "Masyado bang mahirap?"
"Oo, napakahirap," sagot ni Tangning habang nakadiin ang pisngi sa dibdib ni Mo Ting. "Ngunit, ito ay dahil sa hindi kita nakikita. Limang araw pa lamang ang nakakalipas, kaya ginamit ko ang oras ko sa pagsasanay kasama ang martial arts choreographer at ginamit ko ng maayos ang bawat segundong mayroon ako. Gayunpaman… nakikita ko pa rin ang sarili kong namimiss kita."
Pagkaraan marinig ang mga sinabi ni Tangning. Biglang ngumiti si Mo Ting, "Akala ko ako lang ang nagkakaganyan."
"Mula ngayon, hindi na ako tatanggap kailanman ng trabaho na makapaghihiwalay muli sa ating dalawa. Sa pagkakataon lamang na ito."
"Ok," tango ni Tangning, kahit na hindi niya mahuhulaan ang darating na panahon, sa mga sandaling iyon, siya ay nasisiyahan.
สนับสนุนนักเขียนและนักแปลคนโปรดของคุณใน webnovel.com