"Nagtataka ako kung bakit hindi mo inimbistigahan ang punto na ito?" pagtatanong ni Yue Shanshan kay J – King, "Syempre, hindi naman talaga ganoon kaimportante ang impormasyon na iyon. Pero, kung ang pag – uusapan ay ang tungkol sa katotohanan na alam ng Hai Rui ang napakaraming sekreto at impormasyon, ito ay talagang nakakagulat, pero makatwiran naman."
"Ito ang nagtatakda ng pagkakaiba ni Mo Ting mula sa iba. Ang mga taong tapat sa kanya, ay walang pakialam kung alam niya ang mga sekreto tungkol sa kanila. Sa katunayan, mararamdaman nila na parang pinoprotektahan sila."
"Ikaw sa kabilang banda, ang tanging alam mo lang ay ang pagbanta sa mga tao … ito ang pagkakaiba sa pagitan ninyong dalawa. "Pagkatapos magsalita, tumayo si Yue Shanshan. Habang papaalis na ito, nagpalipad siya ng halik kay J – King, "Sana'y magtagumpay ka at umaasa ako na hindi ka mahihirapan sa iyong pagkamatay!"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com