Ang mga bisita ng charity event ay ikinategorya sa mga industriya at ang lahat ng mga bisita sa entertainment industriya ay nakaupo sa ikalawang hanay.
Ang upuan ni Mo Ting ay ang una sa may bandang kaliwa. Sa tabi niya nakaupo ang isang pyanista, sinundan ito ni Tangning. Sa lahat ng upuan sa paligid niya, si Tangning ang pinakamalapit na babae.
Tiningnan ni Tangning ang upuan ni Mo Ting, hindi pa rin ito dumarating. Tumingin siya sa bandang kanan niya, iyon ang upuan nakatakda para kay Lan Xi.
Mula sa sandali na pumasok sina Lou Hao at Lan Xi ng venue, wala silang ideya si Tangning pala ay mauupo sa tabi ni Lan Xi. Ang unang reaksyon ni Lou Hao ay imungkahi kay Lan Xi na makipagpalit dito ng upuan para maharangan niya si Tangning. Ngunit, kung talagang magpapalit sila ng upuan, si Lan Xi naman ay mauupo na katabi ni Father Five…
Support your favorite authors and translators in webnovel.com