webnovel

Ibibigay Ko ang Aking Sarili sa Iyo, Tanging Sayo Lamang

Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos na umalis ng Secret, namataan ni Tangning ang kotse ni Han Ruoxue na nakaparada sa labas. Nakilala nila ang isa't isa ngunit wala silang sinabi na anuman. Nang magkasalubong sila, sinabi ni Han Ruoxue kay Tangning, "Ang araw na ilalathala ang Secret magazine, ay ang araw din nang pag – alis mo sa industriya ng pagmomodelo."

"Mukhang napakalaki ng pananampalataya mo kay Mo Yurou."

"Kahit na hindi siya nagkaroon ng maraming exposure na katulad mo, siya ay may karanasan na internationally at nagkamit ng karagdagang puntos mula sa mga hukom ng Top Ten Model Awards. Bilang paghahambing, nawala na ang lahat ng halaga mo," walang – awang sabi ni Han Ruoxue.

"Talaga? Kung gayon hinatayin nalang natin ang resulta…" marahan lamang na tumugon si Tangning na hindi man lang nasindak sa mga sinabi ni Han Ruoxue; ang bawat salita na kanyang binitiwan ay makapangyarihan – walang kahindik – hindik na mukha sa entertainment industry ang makakapabagsak sa kanya.

Tiningnan ng masama ni Han Ruoxue si Tangning na puno ng pagkamuhi – ang kanyang pagnanais na mapabagsak si Tangning ay lalong tumitindi. Ang isang artist na hindi maaaring kontrolin, ito man ay nakatali o malaya, palaging may dalang nakatagong panganib. Mapapalagay lamang ang loob ni Han Ruoxue kapag natapakan na niya ang mga katulad na artist ni Tangning at makasigurado na hindi na ito muling makakabangon pa. Lalo na dahil mayroong matinding pagkasuklam sa kanya at sa kanyang kapatid si Tangning.

"Tangning, may kakaiba sa ekspresyon ng mukha ni Han Ruoxue." Lumingon si Long Jie upang sulyapan si Han Rouxue at nakaramdam ng kaunting pag – aalala.

"Sa ngayon, gustong – gusto na niya na akong pabagsakin!" ayon ito sa pagkakaunawa ni Tangning kay Han Ruoxue; alam niya kung gaano kalaki ang pagkasuklam sa kanya ng magkapatid na Han, "Kapag nabigo ako sa magazine na ito ngayong mga panahon na ito, naiisip ko na kung anong malungkot na hinaharap ang haharapin ko."

"Hindi iyon mangyayari… may pananampalataya kami sa iyo ni Lin Wei. At saka, kahit na mabigo ka, hindi iyon mahalaga, mayroon ka pa ring Big Boss!"

Dahil sa pagkakabanggit sa pangalan ni Mo Ting, biglang naalala ni Tangning na nagsabi ito na susunduin siya. Kaya pagkatapos na makarating sa hindi pa kalayuan sa Secret Headquarters, kinuha niya ang kanyang phone upang tawagan si Mo Ting. Sa kabilang linya, tumatawa lang ito habang sinasabi sa kanya na lumingon. Sa isang sulok, may isang Lincoln Limousine na nakaparada sa ilalim ng puno.

Isang matangkad na lalaki ang nagtungo sa kotse, ang kanyang magandang katawan ay binigyang diin ng itim at puting guhit na retro suit na kanyang suot. Walang makikitang ngiti sa kanyang mukha, ngunit ang mga linya sa mukha nito ay banayad. Ang nunal sa kanyang kanang tainga ay nakasisilaw – natigilin si Tangning habang pinagmamasdan ito. Ang tao na parang emperador na ito ay dapat napalilibutan ng isang hukbo ng mga tao. Ngunit para sa kanya, handa itong tumayo nang mag-isa sa tahimik na sulok.

Ang mga mata ni Tangning ay nagsimulang lumaki; ang insidente na nangyari noong umagang iyon ay nawala na sa kanyang isipan. Siya ay isang modelo, ngunit siya ay asawa din ng lalaking ito.

Mula sa araw na sila ay ikasal, tinanggap ng taong ito ang kanyang mga pagkakamali at nito tinupad ang lahat ng kanyang mga hangarin. Patuloy ba niyang paghihintayin ang araw dahil siya ay nakatuon pa rin siya sa bumagsak na bituin?

Hindi ito karapat – dapat!

"Anong problema?" malumanay na tanong ni Mo Ting; napansin nito na medyo malumbay si Tangning.

Umiling lamang si Tangning at hindi nagsalita.

Ang mga salitang "Gusto kita" ay nanatili lamang sa likod ng kanyang lalamunan.

"Dahil ba sa masyado kang pagod mula sa magazine shoot?" tiningnan siya ni Mo Ting mula ulo hanggang paa. Napansin nito ang mga maliliit na sugat sa kanyang binti at ang kanyang mga mata ay nanlaki sa galit, "Anong nangyari?"

Magpapaliwanag na sana si Long Jie ngunit pinutol ito ni Tangning, "Mo Ting, umuwi na tayo sa bahay, mayroon ako sa iyong sasabihin."

Sumulyap si Mo Ting kay Long Jie, halata naman niya kung anong nangyari. Ang pagkakautang na ito, ay sisiguraduhin niyang pagbabayaran ng mga ito – ngunit hindi pa sa ngayon.

Pagkatapos nito, lahat sila ay sumakay na sa Limousine. Gayunpaman, kinakabahan at tahimik lamang si Tangning sa buong paglalakbay nila.

Hindi na nagtanong si Mo Ting kay Tangning. Nang sa wakas ay makarating na sila sa asyenda, binuhat niya si Tangning na gamit ang kanyang mga bisig at dumiretso sa kanilang kwarto. Ngayon, silang dalawa na lamang ang nasa silid na iyon. Inilagay ni Mo Ting si Tangning sa kama at tinagubilinan sa mga katulong na dalhin ang kahon ng mga gamot.

Pinanood ni Tangning si Mo Ting na lumuhod sa sahig habang tinutulungan siya nito na maglagay ng gamot sa kanyang mga sugat; hindi na niya kaya pang pigilin ang pagmamadali ng kanyang damdamin sa kanyang puso habang natural na niyakap niya ang leeg ni Mo Ting. Sa isang kinakabahan ngunit matatag na boses, sinabi niya, "Nakikita ko ang lahat nang malinaw at naiintindihan ko ang lahat ngayon. Mo Ting, gusto kita at gusto kong maging akin ka."

"Akala ko hindi ko magagawang magustuhan ang isang tao sa maikling panahon lamang. Tinanggihan ko rin ang damdaming ito sa aking puso. Pero ngayon, kapag nakakaharap ko si Han Yufan at Mo Yurou, bagaman may galit pa akong nararamdaman sa kanila, ang aking puso ay hindi na nasasaktan. "

Matapos sabihin ito, dahan – dahan na niluwagan ni Tangning ang kanyang mga braso mula sa pagkakayakap kay Mo Ting at pinagmasdan niya ang nakakasilaw na mala – hiyas na mga mata nito habang ipinapahayag ang bawat salita ng malinaw, "Alam ko ang lahat ng mayroon ako ngayon ay dahil sa iyo. Kaya nga, gusto kita at gusto kong maging akin ka. Gusto ko ang buong pagkatao mo."

"Maaari mo bang ibigay ang lahat sa akin?"

Walang ibang babae ang makakagawa na maging tunog natural at makabagbag – damdamin ang mga salitang ito. Tulad ng dati nilang ipinangako na magiging matapat sila sa isa't isa ... hindi na itinago pa ni Tangning ang kanyang nararamdaman at sinabi ang lahat ng diretsahan.

Gusto kong maging akin ka.

Matapos marinig ang kanyang pag-amin, tumingala si Mo Ting at hinawakan ang mga pisngi ni Tangning habang pwersahang itinulak niya ito sa kama. Gagamitin niya ang kanyang mga aksyon upang ipahayag dito kung gaano siya labis na nasiyahan sa narinig niya.

"Ibibigay ko ang aking sarili sa iyo, tanging sayo lamang."

Nagulat ng sandali si Tangning bago niya ibinalot ang kanyang mga bisig sa baywang ni Mo Ting nang mahigpit at mapusok na tumugon sa mga halik nito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ninamnam ang mga sandaling nagsasayaw ng magkasabay ang kanilang mga dila

Hindi napansin ni Tangning kung kalian ito nangyari, ngunit bigla na lamang niyang napansin na ang kanyang palada ay nakataas na at ang likod ng kanyang baywang ay nakabalot na sa isang mainit na yakap. Ang nag – aapoy na pagnanasa sa kanyang puso ay dahan – dahang sumiklab…

Ayaw ni Tangning na intindihin o mag – alala sa ibang bagay. Sa sandaling ito, gusto niya talagang maging asawa ni Mo Ting at maging isa silang dalawa.

Dahil sa umaga pa, matindi ang sikat ng araw. Ang mga sikat ng araw ay nagbibigay liwanag sa buong silid na nagbigay pahintulot kay Tangning na makita ang buong katawan ni Mo Ting, ito ay nagpapakita ng mamula – mulang kulay ng balat. Namula ang kanyang mukha, ngunit hindi siya nabigyan ng maraming oras na gumanti dahil sa ang halik ni Mo Ting ay dahan – dahang sinusunod ang linya ng kanyang collarbone pababa ng kanyang katawan, dumaan sa mga kurba ng kanyang katawan, sa huli ay nakarating sa ibabang bahagi ng kanyang tiyan…

Kinakabahan si Tangning. Kahit na nagawa na nila ito noong gabi ng kanilang kasal, ang pag – iisp ng panandaliang sakit na mararanasan niya ay nakapagpakunot ng kanyang mga kilay.

Wala siyang karanasan. Kahit na alam na niya ngayon kung paano ang humalik, salamat kay Mo Ting, ang tunay na bagay ay mangyayari na – ang tanging magagawa na lamang niya ay lulungin na lang niya ang kanyang sarili sa mga halik nito.

Sa gitna ng kanilang pag-iibigan, hindi sinasadya ni Tangning na kagatin ang balikat ni Mo Ting habang ang kanilang dalawang perpektong katawan ay magkadikit na walang iniwang maliit na puwang.

Isang manipis na pawis ang unti – unting bumalot sa maselan na katawan ni Tangning. Ang sakit na inaasahan niya ay hindi nangyari. Pinagmasdan ni Tangning si Mo Ting na may bakas ng pagkabigo sa mga mata, napaka – inosente ng mga mata nito.

Pinigilan ni Mo Ting ang kanyang pagnanais na angkinin si Tangning habang umaali – aligid siya sa collarbone nito, "Sa mga susunod na araw, may trabaho ka pa ba?"

"Kailangan ko pang tanungin si Lin Wei…" marahang sagot ni Tangning.

"Sabihin sa kanya na huwag nang mag – schedule ng anuman…" Umalis na si Mo Ting sa collarbone ni Tangning at tinitigan siya nito sa kanyang mga mata, "Dahil … maaaring maging imposible para sa iyo na makaalis ka sa kama sa susunod na tatlong araw…"

"Paano ang iyong trabaho?"

"Ang pinakamahalagang trabaho ko ngayon … ay ikaw." Muling ikinulong ni Mo Ting ang mga labi ni Tangning mula sa kanyang halik. Sa pagitan ng kanyang mga halik, pinagmasdan siya nito na may makitid na ngiti at nagtanong, "Gusto mo na bang pumasok ako?"

Next chapter