webnovel

Pakikipagkasundo Kay Han Rouxue

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Lumingon si Han Rouxue at pinagmasdan ang pintuan ng meeting room. Kasabay nito, galit na tinitigan din nila Han Yufan at Mo Yurou ang pinto ng silid. Sino na naman ang taong sumisira ng lahat para sa kanila?

Pakiramdam ni Mo Yurou na sasabog ang kanyang puso sa sobrang galit. Hindi madali na mapatalsik si Tangning ngunit sinong mag – aakala, 'the mantis stalks the cicada, but behind them lurks the oriole*'. Nagulat siya na mayroong ibang tao na gustong siyang hamunin.

Ang atmospera sa loob ng meeting room ay napakatindi. Sa sandaling ito, ang pinto ng meeting room ay biglang nagbukas at pumasok dito isang napakagandang pigura na kumuha ng atensyon ng lahat.

Tangning!

Si Tangning pala ito!

Si Tangning ulit!

Natikom ni Han Rouxue ang kanyang kamao; hindi niya akalain na kayang kumbinsihin ni Tangning si Mina na bumaliktad sa kanilang napagkasunduan. Sa kabilang banda naman, sabay na natigilan sina Mo Yurou at Han Yufan.

Hindi ito maaari, natanggal na si Tangning. Paano niya nagawang baguhin ang desisyon ng Secret?

"Pagkatapos ng masusing pagsasaalang – alang ng mga bagay – bagay, napagdesisyunan ng Secret na gamitin si Tangning bilang modelo ng aming magazine," pagpapahayag ni Mina sa harap ng mga tao na nasa silid. Pagkatapos ay binigyan niya ng nagtatakang tingin ang tatlo, "Sa pagkakaalam ko, siya ay isa ring modelo sa ilalim ng Tianyi, ngunit bakit nararamdaman ko na parang hindi kayo masaya. Mayroon bang posibilidad na hindi talaga modelo ng Tianyi si Tangning?"

"Tangning, anong mga pakana ang ginamit mo? Bakit mo kailangang nakawin ang front cover shoot na para sa akin?" hindi na napigilan pa ni Mo Yurou ang kanyang galit habang tinatanong niya si Tangning.

"Ang front cover shoot na para sa'yo? Pinanatili ni Tangning ang ngiti sa kanyang mga labi, hindi niya hinayaan na may ibang taong makakita ng kanyang emosyon, "Ginamit mo ang kasikatan ko para makapunta sa ibang bansa, sa ilalim ng pagkukunwari na pagbabahagi ko ng entablado sa'yo; ginamit mo ako para gumawa ng paksang mapag – uusapan upang maibaling ng tao sa iba ang kanilang atensyon at hindi na maalala pa ang scandal mo; nang dumating tayo dito sa US, pinatalsik n'yo ako pagkatapos na malaman n'yo na wala na akong silbi sa inyo; siniraan n'yo ako sa harap ng kliyente at pineke n'yo ang aking portfolio. Kaya ngayon, sabihin n'yo sa akin, paano naging sa'yo ang front cover shoot na ito?"

"Binawi ko lang kung ano ang dapat sa akin at kinuha ko lang ang katarungang nararapat sa akin."

"Ginamit mo ang iyong background para tapakan ang buong pagkatao ko para sa iyong kapakinabangan, habang ako ginamit ko ang sarili kong kakayahan para bawiin ang front cover ko. Hindi ako nagnakaw kanino man ... pero, hindi ko hahayaan ang sinoman na apakan ang buong pagkatao ko - ganon lang kasimple."

Bawat salita na lumabas sa bibig ni Tangning ay malinaw at tiyak - puno ng lakas. Dahil sa mga kilos at salita ni Tangning, pinagmasdan siya ni Mina na puno ng paghanga.

Malakas na karakter!

"Tangning, sinabi ko na ito dati, ito ang pinakamahalang oras para kay Mo Yurou. Ang lahat ng nasa Tianyi ay dapat na nagtutulungan para malagpasan niya ang balakid na ito." Galit na sabi na Han Yufan kay Tangning, "Pwede bang 'wag kang maging makasarili?"

"Ang dahilan kaya nahaharap siya sa balakid na ito ay ikaw. Sinabi ko ito dati, kahit gaano mo gustong suportahan siya, wala akong opinyon tungkol doon at wala din akong pakialam, pero … kung gusto niya makaangat sa pamamagitan ng pag – apak sa akin, gagawin ko ang lahat para malaglag siya na kaawa – awa."

"Tangning, nabanggit ni Mina … kapag sinabi mo, maaari pa ring lumahok si Yurou sa photo shoot ng Secret. Wala na siyang gaanong natitirang oras, malapit na siyang makibahagi sa Top Ten Model Awards."

"Bakit ako sasang – ayon? Kung nagkakaproblema siya, ito ay ang kanyang suliranin, bakit obligasyon ko na tulungan siya? Mayroon bang batas para doon?" tanong ni Tangning sa tonong natutuwa. "Hindi ba may kakayahan si Ruoxue Jie? Tulungan mo siya na makakuha ng trabaho sa ibang magazine…"

"Tangning, huwag kang lumagpas kung hanggang saan ka lang dapat," ibinagsak ni Han Rouxue ang kanyang paa sa galit.

Hindi na gusto ni Mina na maabala at patuloy na panoorin ang mga tao ng Tianyi na nagkakaroon ng pagtatalo sa oras na iyon. Marahan niyang tinapik ang balikat ni Tangning at sinabi, "Tangning, maghihintay ako sa labas. Sabihin mo sa akin ang desisyon mo pagkatapos ng kalahating oras. Kung magkakaroon tayo ng solo shoot o shooting na kasama si Mo Yurou, ikaw ang bahalang magdesisyon."

"Salamat Mina," tumango si Tangning. Magandang tyiempo, dahil marami pa siyang gustong sabihin na hindi masyadong angkop na sabihin sa harap ng mga taong walang kinalaman sa kanilang problema.

"Inutusan ko na ang ilan sa mga bodyguards na magbantay sa labas ng pinto, kung mayroon man gustong manakit sa iyo, sumigaw ka lang."

Ngumiti ulit si Tangning at tumingin kina Lin Wei at Long Jie, ipinapahiwatig sa mga ito na sa sitwasyong iyon, hindi siya ang maagrabyado. Nang umalis na si Mina sa silid, ibinagsak ni Han Rouxue ang kanyang kamay sa lamesa at tinanong si Tangning, "Ano ang gusto mo?"

"Hindi ganito ang dapat na pagtrato ninyo sa isang tao na hinihingian n'yo ng pabor…" matigas na sabi ni Tangning kay Han Rouxue. "Kung ano man ang nagawa ng kapatid mo, sigurado akong alam mo na ang lahat iyon. Sa industriyang ito, malinaw na ang mas malakas ang makakakuha ng lahat ng suporta, habang ang mahina naman ay tatapak – tapakan lang. Alam kong hindi mahalaga kung ano man ang sasabihin ko sa inyo. Dahil pareho nating hindi gusto ang isa't isa, ano ang punto ng pagtratrabaho natin ng sama – sama? Umalis na kayo at magmaka – awa sa ibang tao."

Namumula na ang mga mata ni Han Rouxue, ngunit sa sandaling ito, wala siyang magagawa.

Matapos ang lahat, siya ay manager ng ibang kumpanya. Ang katotohanan na tinutulungan niya ang Tianyi ay isang paglabag na sa kanyang kontrata; hindi niya maaaring tahasang tulungan si Mo Yurou.

Saka, ang pagkakataon ay hindi madaling lumapit.

Kaya, wala siyang ibang pagpipilian kundi hinaan ang kayang tono ng pagsasalita, "Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mo, kapag sumobra ka, pareho tayong hindi makikinabang dito."

"Sabi ni Mo Yurou mayroon daw akong ninakaw na pagmamay – ari niya."

"Hindi, kailangan ni Mo Yurou ng iyong patnubay," itinikom ni Han Rouxue ang kanyang ngipin habang tumutugon ito kay Tangning. Sa totoo, gusto na niyang maglaho sa harapan niya si Tangning.

Nararamdaman din ni Tangning ito para sa Han Rouxue. Gayunpaman, ang panggagalit sa kanya ng mga taong nasa harap niya, ang nagbigay – daan upang maintindihan niya, kung hindi siya makapangatwiran sa mga ito, kailangan niyang gumawa ng desisyon na maaari niyang pakinabangan. Kaya, pagkatapos niyang mabilis na sulyapan ang mapanghamon na mukha ni Mo Yurou, itinaas niya ang kanyang kilay at sinabi, "Bibigyan ko ng pagkakataon si Mo Yurou … sa isang kondisyon."

"Magsalita ka," sabi ni Han Rouxue habang pinipigilan niya ang kanyang galit.

Gusto kong mangako ang Tianyi na simula ngayon, ako ang magdedesisyon kung sino ang dapat kong makatrabaho. Sa madaling salita, kukunin ko ang kahit anong trabaho na gusto ko, walang karapatan ang Tianyi na makialam. Wala din itong karapatan na maghanda ng trabaho na hindi ako sumang – ayon," direktang sagot ni Tangning.

"Imposible 'yan," matigas na sabi ni Han Rouxue, "Ano ang pagkakaiba nito sa pagkansela sa iyong kontrata o pagbubukas ng iyong sariling studio?"

"Maaari n'yo naman itong tanggihan, pagkatapos ng lahat, sa huli, gagawin ko rin naman ito. Pero, sigurado ba kayo, na makakapaghintay si Mo Yurou?"

Tumingin si Han Rouxue kay Han Yufan. Pareho silang yumuko at nag – isip ng sandali. Sa huli, sinabi ni Han Rouxue kay Tangning: "Kadalasan, maaari naman kitang payagan na sabihin ang iyong opinyon. Sa madaling salita, hindi kami maaaring maghanda ng trabaho para sa iyo ng hindi mo alam. Tungkol naman sa pagpili ng kliyente, kailangan na ang kumpanya ang may kontrol nito, kung hindi man, baka pumili ka na makatrabaho ang isang kumpanyang walang pangalan, ano na lamang ang mangyayari sa reputasyon ng kumpanya?"

"Tangning, walang artist ang maaaring tumapak sa ibabaw ng ulo ng kanilang kumpanya."

"Maaaring manatili sa kumpanya ang kontrol ng pagpili ng kliyente, pero … kailangang lahat ng higher – ups ay naroon upang gumawa ng desisyon dahil hindi na ako nagtitiwala kay Han Yufan."

"Ang ibang kumpanya ay nagbibigay sa kanilang mga artist ng pinakamagandang resources. Hindi ko inaasahan sa inyo sa gawin iyon para sa akin, ayoko ko lang na makialam kayo sa aking mga ginagawa. At isa pa … huwag ninyong itali sa Mo Yurou sa lahat ng bagay na ginagawa ko."

Umirap na lang si Han Rouxue. Hindi siya naniniwala na may kakayahan si Tangning, ang lahat ng nangyayari ay isa lamang sa mapusok niyang desisyon. Kapag umangat na ang katayuan ni Mo Yurou, hindi na mahihirapan ang Tianyi na siraan ulit si Tangning. Kapag dumating na ang oras, gagawa siya ng problema para kay Tangning at sisiguraduhin niya na hindi na muling makakabangon si Tangning mula sa problemang iyon.

Kaya sumang – ayon siya – sa ngayon, ito na ang pinakamagandang desisyon na pwede niyang gawin.

Dahil hindi niya maaaring direktang tapakan ang buong pagkatao ni Tangning, ang magagawa lang niya … ay pagsamahin sa iisang entablado ito at si Mo Yurou. Hindi na siya magkapahintay na makita, kung kakayanin ni Tangning na mas maging magaling kaysa kay Mo Yurou kung mismo siya ang mamamahala kay Mo Yurou.

"Pumapayag na ako," sagot ni Han Rouxue habang tumatango.

Translator's notes:

* the mantis stalks the cicada, but behind them lurks the oriole (螳螂捕蝉黄雀在后) – ito ay ang kawikaan na ginagamit upang ipaliwanag ang indibidwal na may makitid na utak at nakatuon lamang ang pansin sa kanilang siriling kapakinabangan nang hindi tinitingnan ang mas malaking larawan,

ตอนถัดไป