webnovel

Ang Mabilisang Pagpapakasal

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Alas-9 ng gabi. Isang kaakit-akit na gabi.

Pagkatapos maka-inom ng medyo marami sa kanyang bachelorette party, binuhat si Tangning ng kanyang fiance pauwi sa kanilang apartment. Nang siya ay magising, pinilit niyang i-dilat ang kanyang mga mata habang pinipigil ang ang sakit ng kanyang ulo. Una niyang naaninag sa kanyang paligid ang isang lalaki at ang isang babae na naghahalikan sa madilim nilang kwarto.

Sa labis niyang pagka-gulat sa nakita na para bang tinamaan siya ng kidlat habang pinapanuod silang naghahalikan sa tabi ng kanyang kama. At dito nagsimulang kumulo ang dugo niya sa galit.

"Yurou, wag kang malikot, katutulog lang ni Tangning." babala ng lalaki habang hawak ang babae sa baywang nito.

"Ano?! Natatakot ka na baka magising yang fiance mo?!" Naiiritang sagot ng Mo Yurou, "Ikakasal ka na bukas, ba't parang ayaw mo pa akong pagbigyan ngayon?"

"Babe, you're such a troublemaker. Tara, doon tayo sa kabilang kwarto." habang nginingitian ito ng kaakit-akit.

"Ayoko! Gusto kong gawin ito dito! Gusto kong gawin ito sa harap nya mismo!" sabi ng babae habang mabilisang tinanggal ang mga butones nito at hinalikang muli ang lalaki.

Pinilit niyang pigilan ang sarili na umiyak, pero randam ni Tangning ang luhang bumabagsak sa kanyang mukha. Sinong mag-aakala, na ang lalaking pakakasalan niya sa susunod na araw ay pagtataksilan siya ngayon.

"Behave. Tara sa banyo, 'di ba ang bathtub ng paborito mong lugar?"

"Okay, sige, mauna ka ng pumasok ang unahin mong punu-in muna ang bathtub." sabi ni Mo Yurou habang mahinang ininulak ang lalaki patunggo sa banyo. Nang mawala ang lalaki, dahan-dahan naman siyang lumapit sa gilid ni Tangning, ngumiti ito ng malamig at bumulong "Tangning, hindi ko hahayaan na permahan niyo ni Yufan ang mga papeles na 'yon bukas. Buntis ako, akin lang siya!"

Pinipigilan ni Tangning ang kanyang sarili hanggang sa naging kamao ang kanyang kamay upang maitago ang kanyang emosyon at para hindi makagawa ng ingay. Hanggang sa marinig niya ang ungol at ingay ng dalawang tao sa banyo, doon niya naramdaman ang pagguho ng kanyang mundo.

Sa tatlong taong nakalipas, isang kilalang tao si Tangning bilang isa sa mga top model ng Beijing. Pero dahil sa lalaking ito, binigay niya ang lahat, maging ang kanyang posisyonn, kay Mo Yurou. Sinong mag-aakala na ang kanyang pinaghahanadaang kasal ay mapupunta lamang sa ibang tao. Hindi! Panaginip lang ito, isang napakasamang bangungot! Babalik din sa dati ang lahat bukas!

Pinipilit paniwalain ni Tangning ang kanyang sarili. Hanggang sa kalagitnaan ng gabi, nang biglang magreklamo si Mo Yurou na masama ang kanyanh pakiramdam habang hinihila palabas ng apartment si Han Yufan. Dahil doon, umalis si Han Yufan at hindi na bumalik.

Pero, magpapakasal na sila bukas!

Kinabukasan, bumyahe papuntang Civil Affairs office si Tangning ng may mapait na ngiti. Tinawagan niya sia Han Yufan habang siya ay papalabas ng kanyang kotse, "nasugatan si Mo Yurou sa stage. Kailangan ko munang unahin at asikasuhin ito ngayon. Ipagpaliban na muna natin ang registration sa susunod na araw." Malamig na sagot ng lalaki sa kabilang linya.

Wala ng susunod na araw, dismayadong tugon ni Tangning sa sarili. 

Tumalikod at sinuot ni Tangning ang kanyang sunglasses, naghahandang umalis nang makita niya ang matangkad na pigurang naglalakad patungo sa kanya. 'Di nymiya maiwasan tignan ang fitted dark blue retro suit na bumagay sa kurba ng kanyang katawan at ang bulsa sa corner ng harapan nito ay makikita ang wine red na panyong nakalabas dito. Nang tumingin siya pababa, ang perpektong mga binti at ang brown na leather shoes na kumikinang sa ilalim ng sikat ng araw ang kanyang nakita.

Ang lalaking ito…. ang presensya niya ay parang isang Hari mula sa sinaunang panahon!

Lalo na nang lumapit ito, bagaman naka-suot ng sunglasses, lumilitaw dito ang perpektong hugis ng kanyang mukha at ang sexy lips ay sapat na para magwala ang mga babae.

Nakilala ni Tangning ang lalaki at ito ay ang CEO ng Hai Rui Entertainment - Mo Ting. Noong siya ay kilala pa, nagkita sila nito minsan sa isang sayawan.

Ikakasal din ba sya ngayon?

"President, si Ms. Chi ay hindi po dumating ng tamang oras… at late po siya ng 10 minuto!" Pagrereport ng Assistant nito sa nasa likod niya.

"Tawagan mo ang Chi family at sabihing: Kung hindi sila makakapunta sa tamang oras, hindi na lang dapat sila pumunta." Tugon nito na walang bahala.

"Pero, ang sabi ng Chairman ay kailangan niyo pong magpakasal ngayong araw kahit anong mangyari. Kahit magpakasal kapa sa isang transvestite… hindi raw po siya makikialam." walang takot na sagot ng Assistant nito.

"Then, hanapan mo ako ng mga babaeng galing sa socialite families… Bibigyan kita ng kalahating oras para maghanap." Utos ng lalaki. Hevs a bit reasonable.

Oh… magkaparehas pala kami ng problema pero magkaiba lang ng sitwasyon.

Mo Ting has so much power, pwede lang siyang pumili ng kahit sinong babaeng gusto niya. As one of the most eligible bachelors, ang pag-ibig ay hindi niya priority. Ang priority nito ay ang harapin ang pressure ng mga nakakatanda na magpakasal na siya.

Nang biglang nagkaroon ng ideya si Tangning. Bigla-bigla siyang naglakad papunta sa harap ng lalaki, tinanggal ang kanyang sunglasses at malumanay na nagsalita. "President Mo, ang iyong bride ay wala pa at ang groom ko naman ay tinakbuhan ako… kung maari ba, ay tayo na lang ang magpakasal?"

Nagulat ang Assistant ni Mo Ting at hindi makapaniwala sa narinig, bakit ang lakas ng loob ng babaeng ito…?

Nakatayo ng tuwid at buong tapang na tanong ni Tangning.

Tinanggal ni Mo Ting ang kanyang sunglasses, revealing his dark ink-like eyes. Ang kanyang matang kumikislap na parang mga diamante. Makalipas ang ilang sandali, ibinaling niya ang kanyang sarili sa kanyang Assistant at inutos, "Ibigay mo sa akin ang lahat ng kanyang detalye!"

Dahil kilala na ng assistant nito si Tangning, mabilis na kinuha nito ang kanyang cellphone at hinanap ang pangalan ni Tangning at ibigay ang mga detalye aa kanyang Boss. Pagkatapos ng dalawang minuto, his lips twitched habang sinabihan ito ng isang salita. "OK!"

Para kay Tangning ang pagkikita nilang iyon ni Mo Ting ay ang pinaka-maswerteng nangyari sa kanya. Hindi nito kailangang manggamit ng babae, o kailangan ng pag-ibig, ang maganda sa lahat, hindi ito nawawalan ng babaeng nagkakagusto sa kanya.

Higit sa lahat, gusto niyang pagsisihan ni Han Yufan ang desisyon nito!

Ang kanilang kasal ay mabilis na naiproseso. Sa loob ng kalahating oras, hawak-hawak na ni Tangning ang kanyang marriage certificate at mula ngayon, isa na siyang babaeng may asawa.

"President Mo, pwede ba tayong mag-usap?"

"Pumasok ka sa kotse!" Sabi nito habang isinuot ang kanyang sunglasses palabas ng registration hall.

Sumunod naman si Tangning sa kanya. Pagkatapos nitong pumasok sa Rolls-Royes, kinakabahan mang tinignan niya ito bago mag-request ng…"Maraming salamat sa pagpapakasal sa akin. Kung may kailangan kang kayang kong ibalik, please sabihin mo. Gagawin ko ang lahat. Pero, may dalawang kahilingan akong gustong hingin and I hope you can promise by."

"Speak!" Pagod na tugon nito habang niluluwagan ang kanyang tie.

"Una, maliban na lang kung wala kang pagpipilian, wag na wag mong ibubunyag ang relasyon natin. Pangalawa, wag kang mangialam sa personal matters ko. Wag kang mag-alala, since kasal na tayo, hindi ako magiging masyadong malapit sa ibang mga lalaki."

Matapos marinig ang lahat ng hiling nito, Mo Ting gave a slight smirk. Isang mapanganib na aura ang pumapalibot sa loob ng kotse nito, "I promise you, pero… pagkatapos kong bigyan kita ng oras para ayusin ang nakaraan mo, kailangan kong magkaroon tayo ng trial marriage. Pagkatapos ng 6 na buwan, saka ko i-aanunsyo ang ating kasal."

"Salamat!" At tumango si Tangning.

"At… hindi ako naniniwalang ang dalawang taong kasal na ay magkahiwalay. Bibigyan kita ng tatlong araw na mag-empake ng mga gamit mo at lumipat sa lugar na gusto ko. Ang assistant ko ang makipag-ugnayan sa'yo."

Walang tutul si Tangning sa mga kagustuhan nito. Ngayon na kasal na sila, reasonable naman ang mga hiling nito. Tumango siya at sumagot, "I agree!"

"Mabuti!"

Pagkatapos nilang mag-usap at magkasundo, lumabas ng sasakyan ni Mo Ting si Tangning at umalis. Umupo sa driver's seat ang assistant nito at tinignan si Mo Ting sa rear view mirror at tinanong, "President, babalik na ba tayo sa opisina? O babalik tayo ng mansyon para sabihin kay Chairman ang balita?"

"Sundan mo si Tangning at i-report sa akin ang lahat ng galaw niya!" Utos ni Mo Ting bago sya lumabas ng kotse.

Ang biglaang pag-alok nito ng kasal ay nagbigay sa kanya ng spukulasyon na baka may nangyari dito.

Bilang isang Presidente ng isang international entertainment agency, malamang, narinig niya na si Tangning dati. Ang dating sikat na modelo sa isang industriya, tatlong taong nakalipas ay biglang tinanggihan ang alok ng isang top entertainment industry, Star King, resulting in her being black-listed. Sa huli, ina-nounce nito na siya ay peperma sa Tianyi Entertainment at naging usap-usapan sila ng kanyang boss, Han Yufan.

We know that our current translation work still needs a lot of improvement, so please feel free to add comments and suggestions that could help us enhance the quality of our translation. Thank you!

LiberReveriePHcreators' thoughts
ตอนถัดไป