webnovel

Unrivaled Super Hottie

Editor: LiberReverieGroup

"Bakit mo naman kailangang ng Knight na account?"

Nagtanong si Wei Chen sa pamamagitan ng QQ, habang si Chen Guo naman ay deretsahang nagsalita dahil magkatabi lang naman silang dalawa.

Tumawa si Ye Xiu, at isinulat niya't sinabi ang kaniyang sagot sa katanungan ng dalawa,"Gusto ko kasing maging Tank!"

"Sinabi mo pa!"

Isang sarkastikong sagot ang ibinigay ni Wei Chen bilang tugon sa sinabi ni Ye Xiu. Si Chen Guo naman na nasa tabi lang niya ay naging parehas ang tugon kay Wei Chen.

"Ano ba talaga ang plano mong gawin?" Nagtanong na naman si Chen Guo.

"Sasali ako sa isang guild at magiging isang Tank." Sabi ni Ye xiu.

"Ang ibig mo bang sabihin ay magiging isa kang espiya?"

"Parang 'yan na nga!" Hindi masyadong malinaw ang isinagot ni Ye Xiu. Para bang hindi lang bilang isang espiya ang magiging papel niya sa hinaharap gamit ang Knight na account na 'yun.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter