"Magbigay ng kahit na ano?"
"Hangga't sa masiyahan siya dito, makikipagpalit siya? Anong klaseng kondisyon yun?"
"Hindi kaya makamundo ang taong ito, at kailangan nating magdala ng babae sa kanya?"
"Tama ka, ang kanyang mga kondisyon ay masyadong pambihira. Hindi rin naman natin mahuhulaan ang iniisip niya para makapagbigay ng kahit na ano na gusto niya!"
…
Nang marinig ang pambihirang kondisyon ng auction ay nagulat ang lahat.
Sa isang auction, ang madalas na hinihinging kapalit ay spirit stones, Tutelage Jade Tokens, o kaya mahahalagang bagay. Hindi pa sila nakakarinig ng auctiin na ang kondisyon ay 'basta masiyahan siya.'
Paano kung hindi sila makahanap ng bagay na magugustuhan niya? Hindi niya ba ito maibebenta?
Anong kalokohan ito?
"Interesante!"
Sa Suite 23, nakabawi na ang binata mula sa kanyang pagkagulat. Ang kaba sa kanyang mga mata ay nawala, at isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com