Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie at sumagot: "Iyon nga ang gusto kong mangyari. Para matuon sa akin ang kanilang atensyon."
"Hindi ka talaga nauubusan ng ideya at naniniwala akong tama ang iyong desisyon." Ramdam ni Fan Zhuo na kumpiyansa si Jun Wu Xie sa kaniyang plano.
Kumurap-kurap si Qiao Chu habang nakatingin kay Jun Wu Xie. "Hindi ka talaga nauubusan ng ideya at naniniwala akong tama ang iyong desisyon." Ramdam ni Fan Zhuo na kumpiyansa si Jun Wu Xie sa kaniyang plano.
Kumurap-kurap si Qiao Chu habang nakatingin kay Jun Wu Xie. Labis siyang namangha nang kaniyang masaksihan ang Spirit Reinforcement ni Jun Wu Xie; ilang beses niya iyong sinubukan at halos isang timba na ng tubig ang kaniyang naubos ay hindi niya pa rin iyon nakukuha.
"Little Xie, hindi ba magkakagulo ang mga tao dahil sa paglantad mo ng Spirit Reinforcement? Bakit mo ipapakita ang isang pambihirang bagay sa mga ganoong klase ng tao." Tanong ni Qiao Chu.
Humarap si Jun Wu Xie kay Qiao Chu: "Dahil gusto kong makapasok sa Cloudy Brook Academy."
"Ha!?" Labis na ikinagulat ni Qiao Chu ang kaniyang narinig. "Tatanggapin mo ang imbitasyon ng Twelve Palaces?"
Umiling si Jun Wu Xie. "Nai-link ko na ang sarili ko sa Palace Lord ng Spirit Jade Palace bago ang lahat ng ito at magpupunta akp sa Cloudy Brook Academy bilang kandidato ng Spirit Jade Palace."
"Spirit Jade Palace..."
Gulat na gulat ang lahat ng nasa silid na iyon. Ang Spirit Jade Palace ay tila napakalayo sa kanila.
"Mayroon pang Spirit Jade Palace? Mayroon akong narinig na bali-balita na ang Spirit Jade Palace ay matagal nang naglaho tapos ngayon ay nahanap mo sila. Grabe..."
"Ang Spirit Jade Palace ay labis na pinaglupitan ng Twelve Palaces. Kung magpupunta ka doon bilang miyembro ng Spirit Jade Palace, hinding-hindi ka titigilan ng Twelve Palaces." Malumanay na sabi ni Hua Yao.
Ngunit sumagot naman si Jun Wu Xie: "Hindi iyon magagawa ng Twelve Palaces dahil sa Nine Palaces."
"Mayroon akong gustong itanong sainyo kaya ko kayo pinapunta rito. Mayroon ba kayong naengkwentrong mula sa Nine Temples?" Tanong ni Jun Wu Xie habang isa-isang tinitignan ang kaniyang mga kasamahan ngunit lahat ng ito ay umiling.
Naiintindihan niya naman kung bakit.
Ang ipinakita nila Qiao Chu ay kung hindi malakas na Ring Spirit, iyon ay ang kanilang makapangyarihang spirit power. Kaya kahit na malalakas ang mga ito, hindi iyon gaanong nakakaagaw-pansin tulad ng Spirit Reinforcement ni Jun Wu Xie. Walang Spirit Reinforcement sa Middle Realm kung kaya naman iyon ang unang beses na nasaksihan iyon dito. Kaya ganon na lang ang atensyong nakuha noon dito sa Middle Realm.
Pangkaraniwan lang ang makakita sa Middle Realm ng malakas na Ring Spirit at spirit power ngunit hind kasinglakas na tulad nina Qiao Chu. Nakuha rin nila ang atensyon ng Twelve Palaces ngunit hindi sapat para habulin sila ng mga ito.
Ilang sandaling tahimik si Jun Wu Xie at inilahad niya sa kaniyang mga kasamahan ang tungkol sa Nine Temples. Matapos ikwento ni Jun Wu Xie iyon, naintindihan naman agad ng lahat si Jun Wu Xie.
"Mayroon sigurong malalim na dahilan kung bakit iyon ginawa ng Nine Temples. Naiisip ko tuloy mayroon ding malalim na dahilan kung bakit nagagawa ng Nine Temples na mapatahimik ang Twelve Palaces. Kung wala, bakit ganon na lang kahirap para sa Twelve Palaces na ungusan ang Nine Temples?" Nakangiting saad ni Fei Yan.
Nanatili ang pagkakahiwalay ng kapangyarihan dito sa Middle Realm sa loob ng mahabang panahon. Bukod sa Dark Regions na matagal nang nananahimik, ang rank at kapangyarihan ng ibang division ay hindi nagbago.
"Kahit ano pa ang intensyon ng Nine Temples, ang ating puntirya lang ay ang Twelve Palaces. Pagkalabas natin sa Cloudy Brook Academy, doon pa lang mag-uumpisa ang ating tunay na plano." Matalim ang mga matang saad ni Jun Wu Xie.