webnovel

Sanib Pwersa (2)

Editor: LiberReverieGroup

Bakas ang pagtataka sa mukha ni Little Jue habang nakatingin siya sa leading officer na nakatitig sa kaniya. Kaya naman nagtago siya sa likod ni Jun Wu Xie.

Huminga ng malalim ang leading officer at pinalis sa kaniyang puso ang pagkasabik na nararamdaman. Humarap siya sa Emperor ng Qu Country para ianunsyong sila ay naririto para tumulong sa Qu Country.

Nasiyahan naman ang Emperor ng Qu Country sa kaniyang narinig. Ngayon niya napagtantong hindi sila inabanduna ng Buckwheat Kingdom bagkus ay nahuli lang ang mga ito sa pagdating dahil sa naengkwentrong problema habang sila ay patungo rito. Kung gayon, hindi na kailangan ng Qu Country ng agarang tulong mula sa Fire Country dahil naririto na ang mga taga-Buckwheat Kingdom.

May ilang bagay na tinanong si Jun Wu Xie sa Emperor ng Qu Country at mula sa pahayag nito, may ilang bagay siyang nadiskubre.

Walang ulirat o sariling pag-iisip ang mga Poison Men. Nakukuha ang atensyon ng mga Poison Men sa pamamagitan ng amoy ng tao. Inatake nila ang mga inosenteng tao at kinain ang katawan ng mga ito. Ang ibang mga pinuno ng mga bansa ay hindi iyon napansin noong una, ngunit nadiskubre rin nila kinalaunan.

Nakakapaghinala ang sitwasyon at halatang mayroong nagpakana sa lahat ng nangyayaring ito. Mayroong lihim na nagmamanipula sa kung saang direksyon pupunta ang mga Poison Men.

Matapos makakalap ng ilang impormasyon, walang sinayang na panahon si Jun Wu Xie. Agad siyang nagtungo sa Fire Country kasama sina Jun Wu Yao at ang grupo.

Dumungaw si Little Jue sa bintana ng karwahe at tumingin sa leading officer ng Buckwheat Kingdom. Kung anong tumatakbo sa kaniyang isipan? Walang nakakaalam.

"Parang kilala ko siya...pero hindi ko maalala." Kamot-ulong saad ni Little Jue. Malabo ang nasa kaniyang alaala at hindi niya matukoy kung sino ang lalaking iyon.

Tinapik-tapik naman ni Fan Zhuo ang ulo ni Little Jue.

"Balang-araw, maaalala mo rin ang lahat."

Ilang borders na ang nalampasan nina Jun Wu Xie at ilang kalupaan din ang nakita nilang halatang pinag-giyerahan.

Wala ni isang bansa sa Lower Realm ang nakaligtas. Tila isang alon na hindi maawat ang mga Poison Men. Parang ang misyon talaga nito ay ubusin ang Lower Realm.

Nakita ni Jun Wu Xie na nagsumikap ang Fire Country, Qi Kingdom at Buckwheat Kingdom sa pagtulong sa mga bansang nangangailangan. Ginawa nila ang kanilang makakaya para pigilan ang Poison Men army na magtagumpay.

Maliwanag ang buwan nang sa wakas ay makarating sina Jun Wu Xie sa Imperial Capital ng Fire Country. Tahimik ang dating madalas na maingay na paligid na animo'y araw-araw ay may pista. Wala ang mga maliwanag na lantern na nakasabit kahit saan. Wala ang mga magigiliw na tugtog.

Maging ang Fire Country ay hindi nakaligtas sa pag-atake ng mga Poison Men army. Pero dahil sa likas na malakas ang mga sundalo ng Fire Country, napatunayan nilang kaya nilang harapin anumang uri ng kalaban. Matapos silang atakehin ng mga Poison Men, nailigtas nila ang kanilang bansa. Sa Imperial City, nakita nila Jun Wu Xie ang mga refugees na nagmula pa sa ibang bansa. Sila ay tinutulungan na manatili muna sa Fire Country.

Bukas ang pinto ng Fire Country sa mga refugees mula sa iba't-ibang bansa. Handa silang tumulong sa mga kawawang nakaligtas.

Ikinagulat naman iyon ni Jun Wu Xie. Hindi niya akalaing magiging maayos ang pagresolba ng Fire Country. 'Di niya akalaing tutulong sa ibang mga bansa ang bansang ito.

Lahat ng lugar para sa kasiyahan ay sarado, ang pera sa lungsod ay nakalaan para sa giyera.

Next chapter